CHAPTER 44

1.1M 41K 81.3K
                                    

CHAPTER WHATEVER

"HOW'S YOUR day?" tanong ni Rembrandt nang tawagan niya ako kinagabihan.

Kung hindi pa siya tumawag ay ako na ang tatawag. Kung hindi pa siya tumawag ay hindi mapuputol ang pag-iisip ko kung kanino galing ang mga bulaklak na hanggang ngayon ay tinititigan at inaamoy ko.

"Yaz?" pagtawag muli ni Rembrandt nang hindi ako makasagot.

"Yeah, as usual, busy," mapait akong ngumiti saka muling itinutok ang paningin sa mga bulaklak.

"Nag-dinner ka na?"

"Yeah, tapos na. Ikaw?" napabuntong-hininga ako. Kung siya ang nagpadala niyon...bakit hindi niya itinatanong?

"Magdi-dinner pa lang, kauuwi ko lang. Sobrang busy rin kanina."

Nakagat ko ang labi ko. Kung gano'n ay hindi nga siya ang nagpadala ng mga 'yon? Nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Kaba na hindi dulot ng takot kundi ng pag-asa na baka tama ang aking hinala. Maxwell...please tell me it's you.

Nasapo ko ang aking mukha sa sariling katangahan. Ano at umaasa pa rin akong sa kaniya galing 'yon? Bakit sa kabila ng desisyon kong kalimutan siya ay ako pa ang nauunang bumalik?

Shit! Naihilamos ko ang palad sa mukha. This is making me crazy.

"I'll pick you up tomorrow morning and after your shift," muling ani Rembrandt sa kabilang linya.

"I'll wait for you," tulala kong tugon.

"Go ahead and sleep. Dream of me, Yaz."

Gano'n na lang ang pagtutol ng puso ko. Darn! 'Ayan ka na naman, Yaz! Umayos ka, please! "I will,"kasinungalingan ang isagot 'yon.

"I love you," pabulong na aniya na mabilis ding sinundan, "Bye."

"Bye," iyon lang at pinutol ko na ang linya.

Naibagsak ko ang sarili sa kama. 'Yong deretso ang mukha sa unan. Ilang beses akong nagpapadyak at kunwaring maiiyak. Nang hindi na makahinga ay saka ako umayos ng higa at tumingala sa kisame.

"Why do you have to do this to me, Maxwell?"maiiyak na namang sabi ko.

Hindi ko kinaya ang pag-iisip nang mag-isa. Dali-dali kong tinawagan si Katley at gusto kong marindi sa lakas ng umaatungal na bata sa background ng linya niya.

"Oh, napatawag ka?"

"Hindi si Rembrandt ang nagpadala ng mga 'yon, Katley."

"Ano?" malakas ang boses niya.

Napabuntong-hininga ako dahil siguradong hindi niya talaga ako maririnig dahil sa ingay ng mga batang nag-iiyakan sa kaniya.

"I'll see you tomorrow, Katley, bye," ibinaba ko na ang linya.

Halata namang busy siya. Sa kabilang banda ay gusto kong maawa kay Katley dahil alam kong hindi siya sanay sa ganoong buhay. Natatandaan kong halos masabayan niya ang designer bags and shoes ko noong nag-aaral kami.

Pero ngayon ay hindi ko na matukoy kung may brand pa ba ang mga suot niya. Wala namang problema kung ano ang isuot niya, lahat kasi 'yon ay nadadala at bumabagay sa kaniya. Hindi lang talaga ako nasanay.

"Ano ba'ng pinagsasasabi mo kagabi?" bungad ni Katley nang magkita kami kinabukasan. "Saka tama ba 'yong dinig ko? Binanggit mo si Rembrandt?"

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon