CHAPTER 23

1M 35.6K 77K
                                    


CHAPTER 23

"BABY..."

Nagising ako sa paulit-ulit na haplos sa mukha ko. Umiling ako nang paulit-ulit bago tuluyang nagmulat. Nakangiting mukha ni Maxwell ang una kong nakita.

Sa unang pagkakataon ay hindi ko kinayang titigan ang napakagwapo niyang mukha. Sa gano'ng lapit namin ay amoy na amoy ko ang paborito kong pabango niya. Ang mapuputi niyang ngipin, ang mamula-mula at mamasa-masang labi, ang preskong-presko niyang dating, lahat 'yon ay hindi ko mapagtuunan ng pansin ngayon.

"Good morning," aniya saka yumuko at dadampian na sana ng halik ang labi ko nang mag-iwas ako.

Nakita ko nang matigilan siya at tumitig sa 'kin. Pinilit kong ngumiti habang bumabangon saka itinabing ang comforter sa mukha ko.

"Kagigising ko lang," dahilan ko. "Nahihiya ako."

Natatawa niyang inalis ang comforter. "It's fine."

"No," agad na tanggi ko saka tumayo.

Nagtataka niya akong tiningnan saka ngumiti. "Okay," tumayo siya at saka naupo sa single sofa. "I'll wait for you here."

Maxwell...

Napatitig ako sa kaniya habang siya ay nakatingin din sa akin. Sa takot kong baka magtaka na siya ay ngumiti ako at isinenyas na pupunta lang sa restroom.

Napasandal ako sa pinto at wala pa man ay naiiyak na naman ako nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi ko matanggap sa sarili ko na ginusto kong bumaba para makita si Maxrill. Hindi ko matanggap kung paanong nasundan ko siya hanggang sa kaniyang unit. Hindi ko lubos maisip kung bakit ko ginantihan ang halik niya.

Umalis ako sa pagkakasandal at tumitig sa pinto na para bang tumatagos doon ang paningin ko para makita si Maxwell.

Paano kung malaman niya? Umiling ako nang umiling dahil sa naisip. You're so stupid, Yaz! Ang tanga-tanga mo! Ang tanga-tanga mo talaga!

Naihilamos ko ang mga palad ko at saka tuluyang naluha. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, nahigitan niyon ang mga kaba na naramdaman ko sa nakaraan. May kung ano sa 'kin na takot na takot mawala sa 'kin si Maxwell dahil sa sarili kong katangahan.

Sa buong buhay ko, sa dami ng katangahan ko, ngayon lang ako pinakanagsisi. Ngayon lang ako natakot nang ganito katindi. Ngayon lang ako nag-alala nang sobrang lala. At wala akong ibang sinisisi kung hindi ang sarili kong katangahan.

Mahal ko si Maxwell. Mahal na mahal ko si Maxwell. Magkakasunod na pumatak ang mga luha ko. Natatakot akong malaman niya ang tungkol doon. Paniguradong magagalit siya at natatakot akong hiwalayan niya ako nang dahil do'n.

Paano mong nagawa 'to, Yaz? Tanong ko 'yon sa sarili pero pakiramdam ko ay si Maxwell ang nagbulong sa 'kin. Muling tumulo nang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung makakaya ko bang tingnan siya kung nagkataong itanong niya nga 'yon. Hindi ko kakayaning sagutin siya. Ngayon pa lang, pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap pa.

Dumeretso na ako ng ligo. Ayaw kong magtaka si Maxwell sa pagtatagal ko. Lalong ayaw kong mahalata ni Maxwell ang namumugto kong mga mata kaya dalawang beses akong naghilamos.

Kausap niya na si Lee sa kusina nang matapos ako at pumasok sa kwarto para magbihis at ayusin ang mga gamit na dadalhin ko.

"Bakit kasi hindi mo pa kagabi inayos 'yan, ate? Naghihintay na ang uyab mo," ngingisi-ngising ani Zarnaih. "Pasalamat ka at may sarili silang eroplano," tawa niya pa. "Kaso hindi rin yata pwedeng maghintay nang matagal kasi limited lang 'yong parking time ba 'yon?"

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon