CHAPTER 30

1M 37K 93.1K
                                    


CHAPTER 39

"I CAN'T. I'm so sorry pero kung kinakailangang iwasan kita, 'yon ang gagawin ko," malungkot, nakababa ang tingin kong tugon kay Maxrill. "Kung sasama ako sa 'yo, lalo ko lang masasaktan si Maxwell. Believe me, I don't wanna hurt you, Maxrill," tiningnan ko siya sa mga mata. "Pero nasasaktan din ako sa t'wing masasaktan ko si Maxwell. Kung may paraan nga lang para hindi siya masaktan, iyon ang pipiliin ko." Muli akong nagbaba ng tingin. "I love him so much, Maxrill."

"But he's ignoring you." Sumulyap siya sa likuran ko.

"Because he's just mad, I know, and I need to understand that," mariing tugon ko. Bumuntong-hininga ako. "Please...stop. I know you're concerned but I can handle this. Maxwell and I can handle this...together."

Dinig ko rin siyang bumuntong-hininga. "I understand." Sinsero ang tinig niya nang sabihin iyon. Inaasahan kong titigil na siya magmula sa gabing iyon.

"Thank you, Maxrill." Iyon lang at nilampasan ko na siya.

Gano'n na lang katindi ang pagpipigil kong lingunin si Maxwell. Nang sandaling iyon ay mas lamang ang sakit na nararamdaman ko. Pero kahit gano'n, alam ko sa sarili kong hindi lang ako doon susuko. Masyado nang malalim ang nararamdaman ko, gano'n na rin karami ang pinagdaanan namin. Hindi ang isang pagkakaintindihan lang ang dapat na pumutol ng lahat. I can't let that happen.

Pero gano'n na lang ang gulat ko nang makalabas ng cafeteria at may humila pabalik sa kamay ko.

"Ano ba!" angil ko sa pag-aakalang si Maxrill iyon pero mabilis na nangilid ang luha ko nang mapagtantong si Maxwell 'yon. "Maxwell..."

Emosyonal siyang tumitig sa 'kin. Bumuntong-hininga siya saka kinuha ang basket na bitbit ko at inilapag iyon nang hindi inaalis ang tingin sa 'kin.

Maxwell...

Hinawakan niya ang pisngi ko. Naestatwa ako, hindi makapaniwala, at bago ko pa nagawang kumilos ay niyakap niya na ako. Napahagulgol ako sa biglang pagbugso ng damdamin. Pero sa halip ay mas humigpit ang yakap niya. Ibinaon ko nang todo ang mukha ko sa kaniyang dibdib.

"I'm sorry," bulong niya. "I'm so sorry." Ramdam ko ang sinseridad niya, maging ang malakas na kabog ng puso niya. "Fuck," dinig kong bulong niya. Inilapit niya ang labi sa pisngi ko. "I'm sorry, baby..."

Iling at tango lang ang naisagot ko. Hindi ko nagawang magsalita. Basta ko na lang hinayaan ang sarili kong tapusin ang pag-iyak habang yakap namin ang isa't isa. Kahit pa alam kong maraming makakakita.

"Oh, what happened, Yaz? Maxwell? Are you guys okay?" kung hindi pa mangibabaw ang nag-aalalang tinig ni Keziah ay hindi ako bibitaw kay Maxwell.

Si Keziah. Si Keziah na naman. Si Keziah na lang lagi. Si Keziah na hindi ko malaman kung bakit kailangang magtanong pa gayong alam naman niyang may hindi kami pagkakaintindihan ng lalaking nilalandi niya.

Pero sa halip na harapin si Keziah ay yumuko si Maxwell nang sobrang baba na para bang gano'n ako kaliit. Ginawa niya 'yon para silipin ang mukha ko. Hindi siya nang-aasar, hindi rin siya nagbibiro. Walang nagbago sa itsura niya, alalang-alala, emosyonal na humihingi ng tawad.

"I love you, Yaz..." bulong niya. Bumuntong-hininga siya.

"I love you," mas mahinang tugon ko, nahihiya sa mga nakakakita.

"In a freaking hallway!" bigla ay umalingawngaw ang tinig ni Maxpein sa malayo. Maging ang buntong-hininga niya ay narinig namin mula sa malayo.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon