CHAPTER 58

1.4M 47K 113K
                                    

CHAPTER 58

NAGLAKAD PAPALAPIT si Maxwell, dumampot ng tissue paper saka iniabot sa 'kin.

"Thank you," pinunasan ko agad ang bibig ko.

Hindi niya inalis ang tingin sa 'kin, nagtatanong, nangangapa, hinuhulaan ang sagot sa nakitang ginawa ko.

"Hindi maganda ang pakiramdam ko,"nag-iwas ako ng tingin.

Totoo 'yon. Hindi ko maintindihan kung bakit tila bumabaliktad ang sikmura ko. Parang ang init ng katawan ko at para akong naliliyo.

Damn it! Wala pa man ay namomroblema na 'ko.

Mabilis ko siyang tinalikuran at saka ako nag-toothbrush. Sinubukan kong balewalain ang presensya niya pero naiilang ako sa ginagawa niyang panonood sa 'kin. Kaya naman mabilis kong tinapos ang ginagawa.

Tatalikuran ko na sana siya nang mapaliti ako matapos niya akong buhatin!

"Put me down, Maxwell!"

Pero sa halip na makinig ay inihiga niya ako pabalik sa kama. Sa gitna mismo. Saka siya naupo at tumunghay sa 'kin. Ang pareho niyang braso ay pinaggigitnaan ako.

Napalunok ako. "Maxwell..."

"Now you're pregnant."

Pinandilatan ko siya. "Hindi," alanganin kong sagot. "Hindi lang talaga m-maganda ang pakiramdam ko."

"That's normal."

"Hindi pa ako sigurado, okay?" kabado kong sagot.

Kabado hindi lang dahil sa takot na baka ikapahamak namin 'tong pareho, maging ng kaniyang pamilya. Bukod doon ay nag-aalala ako na baka kuwestiyunin niya kung sa kaniya 'yon.

Sinikap kong bumangon. "Ipagluluto kita ng breakfast."

"No," giit niya saka bumuntong-hininga. "I'll cook for you."

Natigilan ako. "Maxwell," pinigilan ko siya sa braso. "Ako na. I'm alright."

"Your ulo's kinda matigas, huh?" ngisi niya, natigilan na naman ako. "Stay here, I'll cook." Tumayo siya at dere-deretsong naglakad papunta sa pinto.

"Dapat ay nagpapahinga ka pa!" pahabol kong sinabi.

"Walang nakakapagod sa pagluluto, Zaimin Yaz," istriktong aniya saka ako tuluyang iniwan.

Nalilito akong napatitig sa pinto. Zaimin Yaz... Hindi ko na matandaan kung kailan niya ako huling tinawag nang gano'n. Natitigilan akong napatitig sa kisame. Am I pregnant? Ilang sandali pa ay nasapo ko na ang aking noo. What am I going to do?

'Ayun na ang magkakasunod na tanong na nabuo sa isip ko. Paano kung makarating ito kay Maxpein? Paano kung makarating ito sa bansa nila? Ano ang mangyayari sa mga Moon? Tatanggapin ba ito ni Maxwell? Paano kung hindi? Paano kung maging dahilan ang baby na ito sa tuluyang paghihiwalay namin?

Damn it! Mabilis na nangilid ang mga luha ko at wala akong ibang sinisisi kung hindi ang aking sarili. Natagpuan ko na lang ang aking sarili na humihikbi.

Napabaluktot ako sa kama at saka nagtalukbom ng comforter. 'Ayun na nga ang pagsisisi sa dibdib ko. Hindi ko inaasahang ang ganitong magkakasunod na problema.

Nakatulugan ko ang pag-iyak at sobrang pag-iisip. Nagising na lang ako nang may maupo sa tabi ko. Namulatan ko si Maxwell na nakatitig sa akin. Dali-dali akong napabangon.

"Maxwell..." ang sarap paulit-ulit na banggitin ang pangalan niya. Iyon ang pinakamagandang pangalan sa buong mundo para sa 'kin.

Mapapalitan lang siguro iyon kapag dumating na si Maximillian Laurentius.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon