CHAPTER 18

1.1M 35.1K 53.7K
                                    

CHAPTER 18

"MAXWELL?" NAPALINGON sa entrada ng ER ang lahat nang mangibabaw ang tinig ni Keziah. Awtomatikong umikot ang mga mata ko. Bagay na bagay nga sa kaniya ang bansag na "senyora", ganoon ang naisip ko. Gusto kong maasar dahil sa paraan niya ng pagtawag, akala mo nasa bahay lang sila. Kung maghanap siya, para bang siya ang pinakamataas sa ospital na 'yon.

Narinig kong bumuntong-hininga si Maxwell. Ngunit hindi niya nilingon si Keziah. Nanatili siyang tutok sa paglilinis sa kamay ko.

"Maxwell." Muling pagtawag ni Keziah, naroon na sa harap ni Maxwell at hindi man lang nag-abalang tumingin sa 'kin.

"What?" kunot-noong tugon ni Maxwell bagaman nagpipigil.

Umawang ang bibig ni Keziah, magsasalita na sana nang makita ako. Nangunot ang noo niya sa pagtataka, saka gumapang ang paningin sa sugatan, duguan kong kamay. Doon lang rumehistro ang gulat sa mukha niya.

"What happened to you, Yaz?" tanong ni Keziah.

Napabuntong-hininga rin ako, hindi alam kung dapat pa bang sagutin ang tanong nito. Naiinis lang ako sa kaniya. Pero magsasalita na rin sana ako nang unahan ako ng kapatid ko.

"Mahirap ipaliwanag sa ngayon, Kez," ani Zarnaih. "Aksidente. Malalang aksidente." Mahihimigan ang matinding pag-aalala sa tinig niya.

"Self-accident?" pabuntong-hiningang tugon ni Keziah. "Anyway, I'm really sorry but we need Maxwell upstairs. I hope you understand." Hindi niya na ako hinayaang sumagot, hinarap niyang muli si Maxwell. "Nasa OR table na ang pasyente, Maxwell, ano ba?"pabulong na aniya. "Maraming doktor na pwedeng umasikaso sa kaniya."

Nakita kong mapapikit si Maxwell. Kikilos na uli siya nang bawiin ko ang kamay ko. Nag-aalala siyang nag-angat ng tingin sa 'kin.

Ngumiti ako. "It's okay, I'm alright."

"Yaz..." lumaylay ang balikat niya.

"Hindi naman malala 'to," pinilit kong itinago ang pait sa ngiti ko. Salamat sa anesthesia at hindi ko na maramdaman ang matinding sakit kanina.

"Please call Doc Diego," utos ni Keziah kay Raffy saka bumaling kay Maxwell. "Hayaan mo na si Diego ang tumahi sa sugat ni Yaz,"sinulyapan niya pa ako.

Tumitig si Maxwell sa 'kin saka pabuntong-hiningang tumayo. Nagkamali ako nang isipin kong aalis na si Maxwell, susundin si Keziah. Pero hindi 'yon nangyari. Hinintay niya si Doc Diego at sinabi rito ang mga dapat na gawin sa kamay ko, na para bang hindi naman ito doktor na gaya niya.

Alam kong nag-aalala si Maxwell, naramdaman at nakita ko naman 'yon. Pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Naiinis ako, hindi lang kay Keziah, kundi maging sa kaniya. Naiintindihan kong kailangan si Maxwell sa 'taas. Ewan ko kung pagiging makasarili ang isiping hindi lang naman si Maxwell ang doktor doon. Oo nga't siya ang may ari pero hindi lang siya ang nakaaalam ng mga dapat na gawin bilang isang doktor.

"Okay, let's see..." nagsalita si Doc Diego. Ganoon ang kaniyang sinabi pero ang paningin niya ay nasa mukha ko.

Kumilos si Maxrill at lumapit sa tabi ko. "Nasa kamay ang sugat niya, wala sa mukha, doc," masungit nitong sinabi.

Napapahiyang nag-iwas ng tingin si Doc Diego at sinimulan ang pagtatahi sa sugat ko. Tututukan ko na sana siya nang mapansin sina Mitch at Raffy na may nangunguwestiyong mga tingin. Nasisiguro ko na talagang bukas na bukas ay kakalat ang balita. Kailangan ko nang ihanda ang sarili ko sa mga tanong nila tungkol sa relasyon namin ni Maxwell.

"Tita," baling ko kay Maze. "Why don't you go home and rest? I'll be fine here, promise."

"No, Yaz. We're staying."

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon