CHAPTER 45

1.1M 41.5K 102K
                                    


CHAPTER 45

LUMAPIT AKO kay Rembrandt at hinarap siya. Sinadya kong talikuran sina Maxwell upang hindi siya tuluyang mapahiya.

"Sorry," mahinang sabi ko. "They're my friends."

Ngumiti si Rembrandt. "It's okay."

Hinarap ko ulit sila, tumabi ako kay Rembrandt. Hindi inaasahang masasalubong ang blangkong tingin ni Maxwell.

"Guys, this is Rembrandt," hinawakan ko ito sa braso saka nilingon. "Rembrandt, meet Keziah and Randall, they're our friends," ngiti ko.

Muli kong nilingon si Maxwell. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa kamay kong naroon sa braso ni Rembrandt ang kaniyang paningin. Mula roon ay gumapang pataas ang matalas niyang tingin para salubungin ang mga mata ko.

Napalunok ako ngunit agad din siyang binalewala. Marahan akong bumitaw sa pagkakahawak kay Rembrandt. Hindi dahil ayaw kong isipin ni Maxwell na kami na. Hindi rin dahil ayaw kong isipin ni Rembrandt na ginagamit ko siya pagselosin 'yong isa. Iyon lang ang pakiramdam kong tamang gawin.

"'Day, 'day, 'day," gano'n na lang ang gulat ko nang magkakasunod akong kalabitin ni Katley. "Naa pa ko, 'day."

"OMG," natatawa ko siyang binalingan. "Guys, this is Katley, my best friend."

Si Rembrandt ang unang nakipagkamay at nagpakilala. Sumunod sina Keziah at Randall, si Maxwell ang nahuli ngunit hindi sinabi ang pangalan niya.

"Nice meeting you, Maxwell," kinikilig na ani Katley!

Umangat ang gilig ng labi ni Maxwell, nagyayabang sapagkat umakma ang kilos niya. Hindi niya na kailangang magpakilala dahil sigurado siyang kilala na siya nito.

Pisti! Sinamaan ko ng tingin ang aking kaibigan ngunit nakapako na kay Maxwell ang kanyang paningin.

"Uhm," hindi ko alam kung paanong magpapaliwanag. "Pwedeng next time na lang tayo mag-dinner together? May usapan kasi kami ni Rembrandt."

Nakita ko nang gumuhit ang dila ni Maxwell sa labi saka ngumisi. "Let's go," anyaya niya sa mga kasama saka bahagyang tumango sa 'min. "Nice to see you."

Hindi ko na siya sinagot. Sa halip ay pinanood ko na lang silang umalis. Nag-angat ako ng tingin kay Rembrandt at ngumiti. Habang si Katley naman ay panay ang kutkot sa likuran ko. Paniguradong bubungangaan ako nito dahil inasam niyang makasama sina Maxwell. Pero wala siyang magagawa. Ayaw kong ilagay sa apoy ang sarili ko dahil alam kong mapapahamak lang ako.

"Let's go?" anyaya ko kay Rembrandt. "Katley will join us, okay?"

Akma nang tatanggi si Katley nang hilahin ko siya para wala nang magawa. Sa huli ay napagdesisyunan naming ihatid na lang siya pabalik sa hospital dahil naiwan doon ang sasakyan niya.

"Nice place," ani Katley nang marating namin ang steak restaurant kung saan ako dinala ni Rembrandt noong una.

Ngumiti si Rembrandt. "Glad you liked it." Saka siya sumulyap sa 'kin. "Steak night."

"I'm excited," tugon ko.

Pero pare-pareho kaming nagulat nang makapili ng mesa. Sa katabi niyon ay naroon sina Maxwell, Randall at Keziah. Agad akong pinanawan ng katinuan. Hindi ko pwedeng pagbintangan ang mga itong sinusundan kami dahil nauna sila. Ayokong isipin nilang kami ang sumunod dahil hindi na ito ang unang beses na nagpunta kami ni Rembrandt doon.

"OMG, mabuti na lang pala, sumama ako,"bulong ni Katley. Bahagya ko siyang siniko.

Magsasalita na sana ako nang maangatan ako ng tingin ni Randall. 'Ayun na naman 'yong nakakalokong ngisi niya! "Where do brokenhearts go, D?" kapagkuwa'y tanong niya.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon