章节-1

499 8 1
                                    

Bigla na lamang nakaramdam ng mainit na likido mula sa kanyang mga mata si Lian at ito ang pinakayaw niya sa lahat, ang pagtaksilan siya ng kanyang mga emosyon. Akala niya ay handa na siya, handa na siyang umalis at harapin ang panibagong buhay na haharapin niya.

Noong napaiyak na lamang siya habang nakikitang palapit ang pinakamamahal niyang kapatid upang makita ito bago ito umalis. Napatakbo na lamang si Lian at mahigpit na niyakap ang kanyang kuya, ang tumayo niyang ama at ina habang siya ay lumalaki.

Hinaplos ng emperador ang buhok ng nakababata nitong kapatid "Kay bilis ng panahon at ngayon ay ikakasal ka na"

Lumihis mula sa pagkakayakap ang dalaga ay tinignan ang kapatid "Ayokong maikasal kuya, ayokong lumayo rito, ayokong umalis"pakiusap nito umaasang pakikinggan siya ng kapatid

Ngumiti ang emperador at hinawakan ang mga kamay ni Lian upang ipaalam na magiging ayos lamang ang lahat "Lianfei, sa totoo lamang ay ayoko rin na ikaw ay lumayo sapagkat alam kong magiging mahirap ang buhay na pagdadaanan mo doon dahil malayo ka rito, mula sa iyong tunay na tahanan. Ngunit tumutol man tayo ay wala na tayong magagawa, ang kasunduan ay kasunduan, ito ay kasunduan ng dalawang emperador, at iyon ay ang ating ama at ang dating emperador ng Kaharian ng Xiang" nalulungkot rin ang emperador dahil sa katotohanang malalayo sa kanya ang kaisa-isa niyang kapatid na naging kasama niya ng ilang taon

"Ngunit ikaw na ang emperador ngayon, hindi mo ba maaaring pakiusapan ang emperador ng Kaharian ng Xiang na huwag ituloy ang kasal?" nawawalan ng pag-asang tanong nito, sapagkat ayaw niyang maikasal sa taong hindi naman niya mahal

"Lianfei, alam mong kahit gaano ka pa kataas ay may mga bagay na hindi mo parin kaya at maaaring gawin"

Napatango na lamang si Lian dahil sa alam niyang wala na talaga siyang kawala mula sa kasunduang ito. Dahil ito rin ay makakabuti para sa kapayapaan at kaayusan ng kanilang kaharian. Sa puntong ito ay tinatanggap na niya, na paglabas niya ng palasyong ito ay ibang buhay na ang nagaabang sa kanya mula sa labas.

Pinagmasdan niya ang kanyang paligid, ang kanyang palasyo, ang kanyang paboritong hardin, ang mga pasilyo ng palasyo, ang mga tagapagsilbi at ang mga gwardiya na halos araw-araw ay nakikita niyang bumabati sa kanya, at lalong lalo na ang kanyang nagiisang kapatid, ang naging sandalan niya sa lahat ng mga napagdaanan niya.

"Hindi pa ako handang iwan ang lugar na ito, ang lugar kung saan ako lumaki, ngunit para sa kaharian, gagawin ko" at tinanaw niya ang kabuoan ng nasasakupan ng kanilang imperyo

Nginitian siya ng kapatid at niyakap, dahil hindi nila sigurado kung kailan makakabalik ang prinsesa dahil sa hindi na rito ang kanyang tirahan.

"Gao Xiaoran"tawag ng emperador sa isang gwardiya na kanya lamang pinagkakatiwalaan at alam niyang hindi siya nito bibiguin sa pagprotekta sa nagiisa niyang kapatid

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Gao Xiaoran"tawag ng emperador sa isang gwardiya na kanya lamang pinagkakatiwalaan at alam niyang hindi siya nito bibiguin sa pagprotekta sa nagiisa niyang kapatid

Lumapit ang pinaka pinagkakatiwalaan niyang gwardiya at nagbigay galang sa harapan nito "Ano po ang maipaglilingkod ko sainyo, kamahalan?" magalang at respetado nitong tanong noong alalayan siya ng emperador na tumayo at inilagay nito ang palad niya sa kanyang balikat

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Where stories live. Discover now