章节-5

203 4 0
                                    

Gabi na noong nagising si Lian, pinilit niyang umupo at napatingin siya sa kanyang paligid dahil nasa isang hindi siya pamilyar na lugar. Sinuri niya ang paligid at maayos at maganda naman ito, noong naalala niyang baka maaaring silid ito ni Yunxi, ang babaeng tumulong sa kanya.

"Nasa loob na ako ng palasyo, ang magiging tahanan ko" magkasamang saya at pagkadismaya ang nararamdaman niya ngayon

Napansin din niyang nagamot na ang kanyang sugat, bumangon siya at tumayo upang tignan ang paligid dahil walang katao-tao sa loob ng silid, maging si Xiaoran ay hindi niya makita. Medyo masakit ang kanyang sugat ngunit hindi niya ito dinamdam at naglakad papalapit sa pintuan.

"Kamahalan!" gulat na sambit ng dalawang tagapagsilbi noong nakita nila ang emperatris na bumangon mula sa kanyang higaan lalo na at may sugat ito

"Nasaan ang aking gwardiya?" una nitong tanong

"Pasensya na po ngunit hindi po namin alam" yumukod ang mga ito habang sumasagot bilang paggalang

Napatango si Lian at nagtaka kung saan nagpunta si Xiaoran, sapagkat siya lamang ang tangi niyang kakilala rito sa loob ng palasyong ito "Maaari mo ba akong dalhin sa imperyal na hardin ng palasyo?"

Nagkatinginan ang dalawang tagapagsilbi dahil sa pagtataka at pagaalinlangan "Pasensya na ho kamahalan, ngunit hindi pa po maayos ang inyong kalagayan" pakiusap ng mga ito

Nginitian niya ng tipid ang mga ito "Ayos lamang ako, maaari niyo ba akong dalhin roon?"

"Ikinalukugod po namin kayong samahan kamahalan! " pagbibigay galang ng dalawa at simahan ang prinsesa

10 na ng gabi at heto si Lian naglalakad sa labas ng palasyo habang papunta sa hardin ng palasyo upang magpahangin, hanggang rito padin ay dinala niya ang kanyang nakasanayan, ang lumabas tuwing gabi at magpunta sa imperyal na hardin upang magpahanhin at magliwaliw o sa silid-aklatan upang magbasa tuwing hindi siya makatulog ng gabi.

Napatigil sila sa paglalakad noong nasa harapan na sila ng hardin "Maaari niyo na akong iwan"

"Pero kamahalan, sigurado po ba kayong magiging ayos lamang kayo?"

"Kaya kong bumalik mag-isa, natatandaan ko ang daan pabalik"

"Ngunit-- masusunod po" wala ng nagawa ang dalawang tagapagsilbi sapagkat hindi naman nila kayang labagin ang utos nito

May dalawang kubo rito na enggardande ang pagkakadisenyo, napapaligiran rin ito ng mga kahoy at iba't ibang halaman at may lawa sa harapan nito at tulay papunta rito. Malawak at maganda ang tanawin rito, kitang kita mo ang buwan sa langit, sigurado rin na tanaw na tanaw mo ang pagsikat ng araw rito. Naglakad si Lian at umupo sa kubo habang nakatanaw sa paligid, sobrang tahimik, nakakamangha, papuri nito sa kanyang isipan.

Hanggang sa hindi na lamang niya namalayang nakaidlip na pala siya sa lamesa dahil sa pagod padin ito at kulang ang kanyang tulog ng ilang gabi lalo na noong nalaman niya ang pagpunta niya sa palasyo ng Xiang.

Napakahimbing ng kanyang tulog na hindi niya namamalayang nakatayo na pala ang emperador sa kanyang tabi kasama ang kanyang yunuk at ang kanyang mga tagapagsilbi at gwardiya.

"Hindi po ba't ang prinsesa ng Qi ito? nais niyo po bang gisingin ko siya kamahalan?--" tanong ng kanyang yunuk

Yunuk o Eunuch sa Ingles - ang mga tagapagsilbi ng Emperador/Hari sa Tsina.

Bigla siyang sinenyasan nito na tumahimik at agad naman niya itong sinunod. Dahan-dahang lumapit  si Zaijun upang suriin ang prinsesa, umupo ito sa kanyang tabi at tinignan iti habang mahimbing na natutulog habang ang mga tagapagsilbi niya sa likuran ay kinikilig dahil sa ngayon lamanh nila nakitang magkasama sa unang pagkakataon ang emperador at ang kanyang magiging emperatris ngunit kaagad silang sinaway ng kanyang yunuk na palihim ring nakangiti para sa emperador.

"Marahil ay napagod siya sa biyahe" sambit ng emperador at tumayo na "Bantayan ninyo ng mabuti ang prinsesa at huwag na huwag ninyo siyang gigisingin hangga't hindi pa siya nagigising, ang sino mang lalabag at mapaparusahan ng husto, naiintindihan niyo ba ako?" mahigpit na habilin at utos nito

"Masusunod po, kamahalan!" sagot ng mga gwardiyang naatasan sa pagbabantay sa prinsesa

Inumaga na ng gising si Lian noong nagulat siya dahil sa dami ng mga gwardiyang nagbabantay sa kanya sa loob ng hardin, kahit na medyo malayo ang distansiya niya mula sa mga ito ay mukhang mahigpit ang pagbabantay ng mga ito sa kanya mula noong tulog niya noong mahagip ng kanyang mga mata si Xiaoran na tumalon mula sa itaas ng kubo pababa sa kung nasaan siya na parang walang kahirap-hirap.

"Bakit may mga gwardiya rito?" takang tanong niya at tumingin sa paligid

"Pinababantayan ka ng emperador hanggang sa magising ka, kamahalan" sagot nito

Hindi ito sumagot at sa halip at tinignan si Xiaoran "Nasaan ka nanggaling? at ano ang ginagawa mo sa itaas? hindi ka ba nagaalala na maaari kang mapagkamalang tulisan sa lagay mo?" sermon nito

Yumukod ito at humingi ng tawad sa prinsesa "Patawad, kamahalan, inaamin ko po ang aking pagkakamali" seryoso nitong paghingi ng tawad

Nauna nang naglakad si Lian pabalik sa palasyo ni Yunxi, lahat ng kanyang mga nadaraanang mga gwardiya at tagapagsilbi at nagbibigay galang sa kanya. Hindi na ito bago sa kanya sapagkat maging sa kanilang kaharian ay ganito rin ang trato nila sa kanya. Dire-diretso lamang siya sa paglalakad hanggang sa narating na niya ang palasyo ni Yunxi at sakto namang nakita rin niya ito at nakangiti siyang sinalubong nito.

"Malugod na pagbati saiyo, kamahalan" pagbibigay galang nito

"Maraming salamat sa iyong tulong, makakaasa kang ibabalik ko ang iyong kabutihang loob"

"Hindi na po kailangan kamahalan, nararapat lamang po na ito ay aking gawin" ngumiti siya kaya naman ngumiti din ng tipid si Lian

Inimbita ni Yunxi ng umagahan ang prinsesa upang sabay na silang magumagahan sapagkat madalas ay sanay lamang siyang sanay na magisa kapag hindi siya sinasamahan ng emperador.

"Pagkatapos po pala ninyong kumain kamahalan ay ihahatid ko na po kayo sainyong sariling palasyo" masaya nguniy may respetong sambit nito kay Lian

"Sarili kong palasyo? saan?"

"Sa silangang palasyo ng Xianfu, ang palasyo ng emperatris"

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Where stories live. Discover now