章节-24

120 6 1
                                    

"Konsorte Han, hindi mo maaaring basta-basta lamang pagbuntunan ng galit ang aking mga tagapagsilbi" galit sermon ni Lian at ipinalikod sa kanya si Mingwei na nakahawak sa kanyang pisngi at umiiyak

Yumukod si Yanwan at huminga ng tawad "Kamahalan, pasensya na sa aking nagawa ngunit siya ang may kasalanan kung bakit ko kayo naitulak" inis niyang pagdadahilan kahit na wala namang kinalaman si Mingwei sa nangyari

Lumuhod si Mingwei sa harapan ng emperatris at nagmakaawa "Kamahalan, wala po akong kinalaman sa nangyari. Maniwala po kayo sakin"

Bumuntong-hininga ang emperatris "Ano ang nakita mong nangyari?" tanong niya sa isa pang tagapagsilbi na nakapayukod

Nanginginig ang kamay nito noong tanungin ito ni Lian "H-hindi ko po n-nakita, Kamahalan" bigla rin itong napaluhod sa tabi ni Mingwei

"Kung gayon ay bibigyan ko kayong dalawa ng parusa upang hindi sabihin ng isa na ako'y hindi nagiging patas." parehas na nagpunta sa kanya ang atensyon ni Yanwan at Mingwei "Kung totoo man ang nangyaring itinulak ni Mingwei si Konsorte Han ngunit kanyang itinanggi ito, siya ay maililipat sa departamento ng paglalaba. At kung mali naman ang paratang ni Konsorte Han sa tagapagsilbi at gumawa lamang ito ng dahilan upang masaktan ito sa aking harapan ay hindi na siya makikisakay saakin sa karwahe bukas at pagbalik."

"Malugod kong tinatanggap ang iyong kautusan, Kamahalan" sabay na sagot ni Yanwan at Mingwei

Bago umalis mula roon ay tinapunan lamang ng tingin ni Yanwan ang tagapagsilbing si Mingwei na nanatiling nakaluhod at nakatungo ang ulo.

Kanina pa hindi makatulog ng maayos si Lian at naka-ilang inom na rin siya ng tubig. Mag-isa lamang niya sa loob ng isang malawak na tolda na ito at nasa labas ang kanyang mga gwardiya upang protektahan siya at bantayan sakali mang may mangyari. Katabi niya ang tolda ng isang ministro at sa kanan naman ay ang tolda kung saan nakaimbak ang mga pagkain.

"Hindi...Ama, Ina---Ama!!" ilang minuto lamang ang inidlip ni Lian ngunit bigla siyang napabangon habang naluluha dahil sa masama nitong panaginip

Biglang pumasok si Xiaoran upang tignan ang emperatris na nakahawak sa kanyang dibdib at lumuluha. Kaagad niya itong nilapitan at umupo sa katabing upuan ng tinutulugan nito.

"Anong problema?" seryoso nitong tanong at nag-aalala kung bakit ito lumuluha

Umiling ito "Nagkaroon lamang ako ng masamang panaginip."

"Tungkol saan ito?"

Tinignan siya ni Lian at bigla na lamang umiyak. Niyakap siya ni Xiaoran upang patahanin ito, mahina niyang hinagod ang likuran nito na tila ba hindi na niya inisip ang maaaring maging kaparusahan sa kanya kung sakaling may makakita sa kanilang dalawa ng emperatris. "Shh, ayos lamang ang lahat. Huwag kang matakot"

"Natatakot ako, baka salakayin na naman tayo ng mga tulisan" mararamdaman mo ang takot sa boses nito, marahil ay nadala ito sa insidenteng nangyari sa kanya bago pa lamang siya makoronahan bilang emperatris

Kumalas si Xiaoran at tinignan si Lian ng diretso sa mga mata upang ipaalam na ayos lamang ang lahat at wala itong dapat ipag-alala.

"Wala kang dapat ikatakot. Bantay sarado ang iyong tolda at wala ni sino man ang mangangahas na pasukin ka"

Napatango si Lian at napasandal sa poste ng kama. Huminga ito malalim. Aktong tatayo na sana si Xiaoran ngunit nagsalita si Lian "Maaari mo ba akong tugtugan ng iyong pluta?"

Nagdadalawang isip pa ito kung papayag ba siya ngunit napatango ito at umupo sa upuan. Inilabas niya ang kanyang puting pluta (flute) mula sa panloob na bulsa ng kanyang damit na palagi niyang dala sapagkat regalo ito ng kanyang yumaong ama sa kanya at napaka-espesyal nito sa kanya.

Ipinikit na ni Lian ang kanyang mga mata noong nagsimula nang tugtugin ni Xiaorang ang kanyang pluta. Tanging ang napakagandang himig lamang ang iyong maririnig, animoy nakakapag-pawala ito ng mga problemang iyong iniisip dahil sa pagiging payapa at banayad nitong tono. Kaagad na nakatulog si Lian dahil sa himig ng pluta ni Xiaoran.

Noong nakita niya ito ay itinigil na niya ang pagpapatugtog at inayos ang kumot ng emperatris bago ito umalis mula sa kanyang tolda at bumalik sa kanyang pwesto upang tagapabantay sa emperatris.

"Heneral Gao, tapos na po ang inyong panggabing tungkulin. Magpahinga na po kayo at susunod na magbabantay ang mga gwardiya sa ikatlong hanay" magalang siyang sinabihan ng katabi niyang gwardiya sapagkat napansin nitong isang oras ng sumobra ang oras nang pagbabantay nito sa emperatris

"Sabihan mo silang bukas na lamang sila magtrabaho. Bilog ang buwan at nais ko itong masilayan hanggang bukang liwayway" seryoso niyang sagot bago napatingala sa buwan

Nagtaka ang gwardiya sa isinagot nito ngunit napatango na lamang ito sapagkat ayaw niya itong suwayin lalo na at mataas ang ranggo nito.

Kasama ni Xiaoran ang ibang mga gwardiya sa labas ng tolda ng emperatris na nagbabantay habang sila ay nagkakape at nakaupo sa lupa.

"Ano kayang itsura at ugali ng Prinsesa ng Liang?" takang tanong ng gwardiya sa mga kasamahan niya na siyang nag-ulat rin kay Xiaoran kanina

Napasandal ng maayos si Xiaoran habang pinapakinggang ang usapan ng kanyang mga kasamahan "Ang balita ko ay mas bata ito, edad-17 ang kanyang taon." sagot nito pero mas lumapit pa ito sa kanyang mga kasamahan na para bang may ibubulong "Pero balita ko rin ay suplada raw ito at masyado niyang kinakawawa ang kanyang mga tagapagsilbi"

"Nako, mas mabuti ng manatili ako bilang gwardiya ng emperatris kaysa pagsilbihan ko siya. Mahal ko ang buhay ko" biro ng isa pang kasamahan nila at napatawa silang lahat

Napabangon si Lian dahil narinig niyang may mga ingay na nanggagaling sa labas ng kanyang tolda. Isinuot nito ang kanyang makapal na roba at lumabas sa tolda nito ngunit nagtaka siya sapagkat nakita niya sa may di-kalayuan ang emperador na may kausap na isang babae at sa likuran nito ay maraming gwardiya at tagapagsilbi na kakaiba ang mga uniporme. Napaisip siyang marahil ay ito na ang prinsesa ng Liang.

Naglakad siya papalapit sa kanila habang nakasunod naman sika Mingwei at ang iba pang mga tagapagsilbi nito.

"Ang akala ko ay sasalubungin ka namin sa pagitan ngunit mas maaga ka na palang naparito" takang sambit ni Zaijun habang nakangiti sa kaharap niyang babae

Tuwid at mahaba ang kanyang buhok at kulay-kayumanggi ang kulay ng kanyang balat. Makikita mo rin sa kanyang postura at pananamit na isa nga talaga siyang prinsesa.

"Sapagkat ako'y nasasabik na makita ka, Kamahalan" masayang sagot naman nito

Napansin nila ang presensya ni Lian sa likuran kaya naman lumingon si Zaijun at hinawakan ang kamay nito at itinabi sa kanya ang emperatris.

"Siya ba ay iyong konsorte?" takang tanong ng prinsesa ng Liang at pinasadahan ng tingin ang kabuoan nito bago ngumiti ng tipid

Napatawa ng mahina si Zaijun "Hindi, siya ang aking emperatris. Ang ina ng aking Kaharian"

Biglang nawala ang mga ngiti sa labi ng prinsesa at nag-iba ang reaksyon nito.

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon