章节-37

105 4 3
                                    

Ilang gabing nanatili sa palasyo ng Xianfu si Zaijun upang bantayan ang emperatris hanggang sa magising ito. Kaagad naman niya itong napansin kaya agad siyang umayos ng upo at sinuri ito.

"Anong nararamdaman mo? may masakit ba sayo?" nagaalala nitong tanong

Ngunit hindi sumagot si Lian at nakatitig lamang sa kanya na nagaalalang nakatuon ang tingin rin sa kanya.

"Lian? anong problema?" tanong ulit niya at mas nagaalalang hinasakan ng mahigpit ang mga kamay ng emperatris

Ngunit nagtaka siya sapagkat imbes na sumagot ay napatawa ng kaunti si Lian at pinilit na umupo habang nakaalalay naman si Zaijun sa likuran nito at dahan-dahan siyang pinasandal.

"Bakit ka tumatawa?"

Napaupo ito ng mahina at tipid na umiling "Wala, nakakatuwa ka kasing tignan habang nagaalala"

Nagpakawala ng hangin si Zaijun at napailing rin bago napatawa ng mahina dahil kahit na kakagaling lamang ni Lian mula sa pakikipaglaban sa gitna ng buhay at kamatayan ay nagawa parin nitong tumawa at magbiro.

Hinalikan niya sa noo ang emperatris at hinawakan ang mga kamay niya bago ito niyakap. Sa wakas ay nawala rin ang kanyang mga pagaalala dahil ligtas itong nagising at nawala na sa kapahamakan.

"Sino ang may gawa nito saakin? nakasisiguro akong may galit ito sakin.." pagkakalas nila mula sa pagkakayakapan ay napatanong kaagad si Lian

Nagbago naman ang reaksyon ni Zaijun at hindi ito kaagad nakasagot dahil hidni nito alam kung papaano ipapaliwanag ang mga nangyari habang wala siyang malay.

"Si Shuyan."

"Ano? b-bakit siya? anong nangyari bakit niya ito.." tumigil siya sa pagsasalita at napaisip bigla

"Mas mabuting huwag mo nalang alamin. Ang importante ay ligtas ka na" nginitian niya ang emperatris upang ipahiwatig na ayos na ang lahat at ligtas na siya

Nagaalinlangan man ngunit mas pinili na lamang ni Lian na huwag nang usisahin ang nangyari kagaya ng sinabi ni Zaijun dahil baka mas makakabuti nga sa kanya ito. Baka mas makabagabag pa ito sa kanyang isipan at ayaw naman niya itong mangyari.

Pebrero ika-5 ng taon at sa araw na ito ginaganap ang pagdiriwang ng parol (lantern festival). Kinagawian rin ni Zaijun na lumabas bawat taon sa araw na ito dahil sadyang napakaespesyal ng araw na ito sa kanya. Madalas siyang nagdadamit bilang isang normal na mamamayan lamang at nakikihalubilo sa mga tao at madalas ay kanyang nililibot ang buong bayan at kumakain ng mga normal na pagkain na nais niyang kainin na hindi niya natitkikman sa loob ng palasyo. Para bang sa araw na ito ay nararanasan naman niya kung papaano ang maging isang normal na mamamayan lamang at kung papaano ba mamuhay ng simple sa labas ng mga matatayog na pader ng palasyo.

"Kamahalan sigurado ka bang ayos lamang na gawin natin ito?" nagaalalang tanong ni Lian habang nakahawak sa kamay ni Zaijun dahil ito lamang ang unang beses na gagawin niya ito at nangangamba siyang baka may hindi magandang mangyari sa labas ng palasyo

Napatawa si Zaijun dahil sa reaksyon ni Lian "Huwag kang mag-alala, kasama mo ako kaya wala kang dapat ipangamba"

Hinawakan na niya ang kamay ng emperatris at tumango rito na tinanguan rin naman nito pabalik. Pagkalabas nila sa palasyo ay nadatngan nila ang makulay, puno ng mga tao at magandang lungsod ng Beijing. Napanganga ang emperatris dahil sa ganda ng lungsod, ngayon lamang siya nakapunta rito at hindi niya akalaing ganito ang itsura nito kahit pa laganap na ang usap-usapang napakaunlad ng Kaharian ng Xiang ay ngayon nga niya ito nasaksihan.

Magkahawak ang kanilang mga kamay habang naglalakad sa gitna ng daanan at nakatuon lamang ang kanilang pansin sa mga dekorasyon, mga naggagandahang estraktura, mga kalesa at mga tao na kanilang nakakasalubong.

"Ang ganda!" itinuro ni Lian ang lalakeng gumagawa ng mga papel na origami

Lumapit naman sila rito at pinanood itong gumawa ng iba't-ibang mga hayop gamit ang papel lamang na kanyang itinitiklop. Napa-palakpak naman ang emperatris dahil sa tuwa at maging si Zaijun at natutuwa dahil nakikita niyang masaya ang emperatris.

"Para sa iyo binibini" ibinigay ng lalake ang isang itinuping papel na hugis bulaklak kay Lian at malugod naman niya itong tinaggap

"Maraming salamat ginoo" sambit nito at nagpaalam na

"Mukhang tuwang-tuwa ka, aking emperatris"

"Oo naman, kay saya pala rito" nakangiti niyang sambit

Napatango si Zaijun at ngumiti rin sa kanya pabalik. Inabot na ng gabi ang dalawa sa labas dahil sa paglilibot. Kumain rin ang dalawa ng mga pagkaing-kalye kagaya ng malagkit na bigas na may pulang patani, siyomai, baozi at iba pang mga masasarap na pagkaing-kalye na ngayon lamang natikman ni Lian.

Panay rin ang hatak nito kay Zaijun sa bawat sulok na makita nito basta't interesado siya at hinahayaan lamang siya ng emperador dahil nais talaga niyang magsaya naman ito kahit ngayong araw lamang at huminto muna mula sa kanyang mga isipin at alalahanin bilang emperatris.

"Waaah napakaganda" tuwang tuwang turo ni Lian na parang bata sa isang pwesto ng isang babae na nagtitinda ng mga singsing, purselas, kwintas at iba't-ibang klase ng mga palamuti at alahas ng babae

Lumapit naman ang dalawa at tinignan ang mga ito. Manghang-mangha si Lian dahil kahit pa mababang halaga lamang ang mga materyales kung saan gawa ang mga ito ay nagmumukha parin silang de-kalidad lalo na sa disenyo na nakaka-akit.

"Aking bibilhin lahat ng ito" nagulat ang nagtitinda at si Lian sa sinabi ni Zaijun kaya tinignan siya ni Lian

"Seryoso ka? bibilhin mo ito lahat?"

Napatango si Zaijun na para bang wala lamang sa kanya ang halaga ng lahat ng mga paninda basta't mapasaya lamang niya ang emperatris. Masaya namang sinukat ni Lian ang bawat alahas at palamuti habang ang nagtitinda ay paulit-ulit na nagpasalamat kay Zaijun dahil sa taglay nitong kabutihan.

"Konsorte Wei, narito po ang yunuk ng emperador"

"Papasukin mo siya!" sabik na sambit ni Konsorte Wei dahil kanina pa niya hinihintay ang emperador ngayong gabi

Nagbigay galang si Jiangchun sa kanya bago niya isinambit ang mensahe ng emperador "Pasensya na po Konsorte Wei ngunit hindi po makakararing ang emperador ngayon.."

"Ano? at bakit? hindi ba't kinuha niya ang pangalan ko kaninang umaga?" kunot noong tanong ni Mingwei

"Magkasama po kasi sila ng emperatris ngayon upang manood ng pagdiriwang ng mga parol sa labas ng palasyo" magalang nitong sagot sa konsorte

"Aking nauunawaan, umalis ka na"

Nagbigay galang ito bago umalis sa palasyo ni Mingwei. Dahan-dahan itong naglakad papunta sa kanyang higaan at napaupo rito bago natawa bigla dahil sa narinig mula sa yunuk ng emperador.

"Kasama ang emperatris.." paguulit niya sa sinabi nito "Hindi ko aakalaing magiging mag-karibal rin pala tayo" natatawa niyang sambit sa sarili dahil sa realisasyon na ang kanyang pinagsisilbihang binibini ay kanya nang kaagaw ngayon

Ngunit nagseryoso siya at biglang ipinatawag ang isang tagapagsilbi niya. Hindi siya maaaring manatili bilang konsorte sa ranggo lamang, kinakailangan rin niyang gumalaw.

"Malugod na pagbati saiyo, Konsorte Wei"

"Anong oras natutulog ang emperador?"

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Onde histórias criam vida. Descubra agora