章节-33

105 4 6
                                    

Now Playing - Here I Am by Jo Hyun Ah

Hindi makagalaw si Mingwei at tanging paghinga lamang niya ang maririnig. Nakapalapit ng mga mukha nila sa isa't-isa ngunit nagtaka si Mingwei noong ngumisi ang emperador at tumayo bago inayos ang suot nito.

Agad naman siyang napabangon at patakbong sinundan ang emperador na palabas na mula sa kanyang silid pero bigla niya itong niyakap mula sa likuran ng hindi iniiisip kung ano ang posibleng mangyari.

Napatigil sa paglalakad si Zaijun at tumingin sa mga kamay na nakahawak sa kanya. Dahan-dahan niya itong inalis ngunit mas hinigpitan ni Mingwei ang hawak niya rito at naramdaman na ni Zaijun ang umiiyak na tinig ng dalaga mula sa likuran nito.

"Kamahalan, pakiusap huwag ninyo akong iwan" pagsusumamo ng konsorte at mahigpit na niyakap ang emperador na para bang ayaw niya itong pakawalan

"Naging konsorte ka na. Itinaas ko na sa ikalawang ranggo ang iyong antas, ano pa ba ang nais mo?" seryoso at para bang nababagot na tanong nito sa dalaga

Naramdaman nito ang pagiling ng konsorte kahit na hindi niya ito makita "Wala kamahalan, tanging ikaw lamang. Maniwala ka sakin"

Tinanggal ni Zaijun ang mga kamay na nakayakap sa kanya at maingat itong ibinaba. Hinarap naman niya ang kanyang bagong konsorte na gulat sa ginawa niyang pagkalas mula sa kanyang pagkakayakap.

"Ano ang pakay mo? ano ang naging usapan ninyo ng prinsesa para personal ka niyang ipakiusap saakin? magkaano-ano kayo?" sunod sunod na tanong nito habang dahan-dahan namang umaatras ng lakas ang konsorte dahil sa takot

Napatigil sa pader ang konsorte dahil wala na itong aatrasan pa at ikinulong naman siya ng emperador sa mga bisig nito at diretsang tinignan sa mga mata ng walang alinlangan.

Takot na umiwas ng tingin si Mingwei at napapikit ito ng mga mata dahil hindi niya alam ang gagawin sa puntong ito. Magkahalong kaba at takot ang bumabalot sa kanya.

"H-hindi ko alam, Kamahalan.." utal niyang sagot

Napatawa ng mahina si Zaijun bago ibinaba ang mga kamay "Takot. Yan ang nakikita ko sa iyong mga mata. Ito ang pinaka-kinaiinisan ko sa lahat ng bagay, ang katakutan ako na para bang isa akong masamang nilalang" nagseryoso ang mga mata nito at umalis na

Iniwan nito ang kanyang bagong konsorte sa bago nitong palasyo na hindi malaman kung ano ang kanyang gagawin. Napaupo ito sa sahig at napahawak sa sahig upang ibalanse ang kanyang katawan na matutumba na.

Hindi makatulog at nakaupo sa harapan ng kanyang malawak na bakuran na napapaligiran ng mga halaman at munting lawa ang emperatris. Nakaupo ito sa hagdan at pinagmamasdan ang tahimik na paligid, halos nasa kanya-kanyang mga silid na rin ang kanyang mga tagapagsilbi maliban na lamang sa mga naiwang magsisilbi sa kanya ngayong gabi. Nakahawak siya sa isang rosas habang isa-isang tinatanggal ang mga talulot nito pero aksidenge siyang nasugat ng mga tinik nito.

"Ahh a-aray"

Pinagmasdan niya ito habang dumudugo ng kaunti at naisip niyang para bang siya ang rosas na ito. Nakaka-akit ngunit nakakasakit, kaya naman palaging naiiiwan magisa. Kagaya lamang ng sitwasyon niya ngayon sa palasyong ito, hindi magtatagal ay mawawala rin ang pabor at pagmamahal sa kanya ng emperador, dahil kung tutuusin ay matagal at ilang taon pa ang kanilang pagsasamahan, ngunit sa sitwasyon nila ngayon ay mukhang malabong maging sila hanggang sa huli, dahil ang kwento ay hindi palaging naka-tuon sa kanya, at natatakot ito sa oras na magtapos na ang kanyang pahina.

Napaiyak ito ng tahimik habang nakatakip ang dalawang kamay niya sa kanyang mga mata. Nasasaktan siya sa realisasyon na isang araw ay mawawala si Zaijun sa kanya, ang lalakeng minamahal niya. Kung sana lamang ay isinilang lamang sila bilang mga normal na mamamayan, ay baka maaaring matupad ang habang-buhay nilang pangakong pagsasama.

Nahulog ang hawak nitong rosas sa sahig. Ngunit kasabay ng paghulog nito ay ang pagsalo ng isang kamay. Napatigil si Lian sa pagiyak noong napagtanto niyang may tao sa kanyang harapan. Nagulat siya at kaagad na pinunsan ang kanyang mga mata dahil ayaw na ayaw niyang may makakita sa kanyang umiiyak dahil naiinis siya kapag kinakaawaan siya ng mga tao, pakiramdam niya ay ang baba baba niya.

"Bakit ka umiiyak?" diretsong tanong nito na para bang nais niyang malaman kung sino ang walang hiyang nagpaiyak sa emperatris

"Wala ito, n-narito ka na pala. Ano ang sabi sayo ng aking mga magulang? ni kuya?" pasisinungaling ni Lian at kaagad na tumalikod kasabay ng pagpalit nito ng usapin

Ngunit dahan-dahan siyang hinawakan ni Xiaoran sa braso at pinaharap sa kanya ulit pero sa pagkakataong ito ay nakaiwas na ang mga tingin si Lian sa kanya.

"Tapatin mo ako, kilala kita mula pagkabata kaya huwag na huwag mo akong pagsisinungalingan, Kamahalan" naging maowtoridad ito at seryoso ang tono nito, nagtataka ito sapagkat ngayon lamang ulit niya makitang umiyak ito at kitang-kitang nasasaktan ang mga mata nito

"Huwag mo na akong pakealaman Xiaoran. Baka may makakita pa saatin, umalis ka na at papasok na ako sa loob upang magpahinga" pilit iniiwasan ni Lian ang mga tanong nito dahil alam niyang hindi nito papalagpasin ito

Pero nanlaki ang mga mata ng emperatris at napaawang ang kanyang labi dahil sa gulat noong hatakin siya nito papalapit sa kanya at yakapin ito. Dahil sa gulat ay pinilit niyang kumalas mula sa pagkakayakap ni Xiaoran ngunit sadyang mas malakas ito kaysa sa kanya kaya naman napabigay na lamang ang kanyang mga kamay.

Ilang segundo pa ay napaiyak na lamang ito sa mga bisig ng kanyang gwardiya. Dito na niya inilabas ang lahat ng mga naipon niyang emosyon magmula noong pumasok ito sa palasyo.

"N-nasasaktan na ako" umiiyak nitong sambit

Pinabayaan lamang siyang umiyak ni Xiaoran at nanatiling nakayakap rito upang kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam at hindi na niya inisip pa ang posibleng mangyari kung may makakita sa kanikang dalawa ni Lian, basta't ang importante sa kanya ngayon ay ang emperatris, ang prinsesa ng Qi, ang nakababata niyang kalaro, at ang babaeng muntikan na niyang pakasalan..

Mag-isang nagtungo si Zaijun sa palasyo ng Xianfu dahil nais niyang makita ang emperatris. Ngayon lamang niya napagtanto at natauhan na totoo nga ang nararamdaman niya para kay Lian, ang akala lamang niya noong una ay nadadala siya dahil sa antas at taglay nitong kagandahan ngunit nagkakamali siya..minahal niya si Lian hindi dahil prinsesa siya ng Qi, ngunit dahil sa mismong katauhan nito, sa kung sino siya mismo..

Pero hindi niya inaasahang pagkarating niya sa tarangkahan ng palasyo nito ay iba ang kanyang makikita.

#TheRoseInThePalace
#precxxious



The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Where stories live. Discover now