章节-36

97 3 5
                                    

Paulit-ulit na naglakad ng pabalik-pablik sa harapan ng kama ni Lian ng emperador dahil sa labis na pagaalala. Napagalamang nahaluhan na naman ng pagkaing-dagat ang pagkain ng emperstris na kanyang alerhiya. Natatakot si Zaijun sa sinabi noon ng imperyal n doktor na maaaring hindi na ulit kayanin ni Lian kung maka-kakain ulit siya nito.

Galit na kinalampag ni Zaijun ang lamesa sa harapan niya at inis na napasabunot sa kanyang buhok. Napatahimik lahat ng tao sa loob ng silid ng emperatris dahil sa takot sa emperador dahil alam nilang galit ito.

Nanatili parin ang kanyang mga kamay na nakahawak sa lamesa habang nakatalikod sa mga tagapagsilbi at mga imperyal na doktor.

"Hindi ba't ipinag-utos kong huwag na huwag ninyong hahainan ng pagkaing-dagat ang mga kinakain ng emperatris?!"

Kaagad na nagsiluhod ang mga tagapagsilbi at ang mga taga-luto sa imperyal na kusina na ipinatawag kaagad ni Zaijun. Umiiyak ang dalawang babae na mga pawang katulong lamang at taga-tulong sa paghain ng mga sangkap. Nanginginig naman ang kamay ng isang kusinero na siyang nagluto kasama ang isa pang medyo may katandaang lalake na paulit-ulit na lumuhod sa harapan ng emperador dahil sa takot at pangamba na baka kitilin nito ang kanyang buhay.

"K-kamahalan pakiusap patawarin po ninyo ako! sapagkat ako'y inutusan lamang.." desperadong pagmamakaawa nito

Napahawak si Zaijun sa kanyang noo dahil sumasakit ito at nais niyang kontrolin ang kanyang galit dahil kung hindi ay baka kung ano pa ang magawa niya.

"Sino ang nag-utos sa inyo?" pinilit nitong maging kalmado habang nakapikit ang mga mata dahil parang ilang minuto lamang ay sasabog na ito sa galit ulit

"Kamahalan.." umiiyak nilang pagsusumamo

"Sino?!" galit niyang kinuha ang espada ng isang gwardiya at tinutukan sa leeg ang lalakeng kusinero

Hindi naman ito nakagalaw dahil sa panginginig dala ng takot maging ang mga tagapagsilbi ay napaatras dahil sa takot at ng mga imperyal n doktor naman ay hindi na tumingin at ginamot na lamang ang emperatris dahil sa takot at ayaw rin nilang madamay sa galit ng emperador.

"Si Prinsesa Shuyan po!" biglang sagot ng isang babaeng katulong kaya napatingin sa kanya ang lahat ng kanyang mga kasamahan

"Shuyan?" kumunot ang noo niya pagkarinig at pagkarinig palang ng pangalan niya

"O-opo Kamahalan, s-sinabi rin po namin na bawal po sa emperatris ang mga pagkaing-dagat p-pero ang sabi niya po ay kaarawan niya k-kaya may karapatan po siyang ihanda lahat ng putahe na kanyang n-nanaisin.." agad itong humagulgol at magmakaawa sa emperador na patawarin siya dahil nais pa niyang mabuhay

Galit na kinalampag ni Zaijun ang mesa gamit ang isa niyang kamao at nilapitan si Lian na ginagamot parin ng mga imperyal na doktor sa pamamagitan ng akupanktura. Hinalikan niya ito sa noo bago hinawakan ang mukha nito. Parang mahimbing lamang itong natutulog pero ang putla parin ng kanyang mga labi at hindi pa nawawala ang pamumula sa ilang parte ng kanyang mga kamay.

"Babalik ako, aking emperatris" hinawakan nito ang kanyang kamay bago tumayo at dali-daling umalis

Kaagad itong dumiretso sa palasyong tinutuluyan ni Shuyan noong naabutan niya itong nagaayos ng kanyang mga alahas sa isang maliit na lalagyan ng alahas na gawa sa mamahaling materyales. Wala itong sinabi at naglakad lamang ng diretso papasok noong masayang tumayo si Shuyan at sinalubong ang emperador ng nakangiti.

"Kamahalan" yumukod ito "Bakit ka narito? kumusta ang emperatris? namula ba ang mga kamay niya? nakakahing pa ba siya ng maayos o di kaya naman ay..humihinga pa ba siya?"

Napakunot ng noo si Zaijun at naikuyom ito ang kanyang mga kamao dahil sa mga sunod-sunod nitong tanong na para bang alam niyang mangyayari ito kay Lian.

"Iwan ninyo kaming dalawa."

Kaagad na sumunod ang mga tagapagsilbi sa utos ni Zaijun. Samantala ay nanatili parin ang mga ngiti sa labi ng prinsesa na para bang wala itong kaalam-alam sa mga nangyari.

Ngunit nagulat siya noong biglang hawakan ng emperador ng mahigpit ang kanyang braso kaya taka siyang napatingin rito.

"Tapatin mo nga ako, ikaw ba ang may gawa nito sa emperatris?"

"Ano bang pinagsasabi mo Kamahalan, pinagbibintangan mo ba ako?" biglang nagbago ang reaksyon nito at inagaw niya ang kanyang braso

Ngunit hindi natinag si Zaijun at nanatili itong seryoso habang tinitignan siya at sinusuri ang mga ekspresyon ni Shuyan. "Kung ganun ay ano ang ibig sabihin ng iyong mga tanong kanina? 'humihinga pa ba siya?! ' " nagtaas na ito ng tono ng boses

Ngunit inis na tumalikod si Shuyan at napasapo sa noo nito noong nararamdaman niyang namamawis na siya at nanginginig na ng kaunti ang kanyang kamay kaya hinawakan niya ito at pinigilan upang hindi ito makita ng emperador. Napapikit siya at pinilit niyang itinago ang pagkatakot niya ngunit nagulat siya noong bigla siyang ipaharap ni Zaijun sa kanya at ang tangi lamang siyang nagawa ay ang mapalunok.

Napataas ang isang kilay ni Zaijun noonh makita niyang nanginginig ang mga kamay nito at huli na noong mapansin ito ni Shuyaan at pilit na itinago. Bigla itong napaiyak at kaagad na lumapit kay Zaijun at hinawakan ang kamay niya.

"Kamahalan, patawarin mo ako. K-kaya ko lamang nagawa yun ay dahil mahal kita. Matagal na akong may nararamdaman para sayo! at hindi mo ito nakikita dahil ang iyong mga mata ay palaging nakatuon sa ibang babae! bakit ba hindi mo ako makita? nandito naman ako, magsimula noong iniligtas mo ako sa kakahuyan ay nahulog na ako sayo. Ano bang kailangan kong gawin para magustuhan mo ako?!" umiiyak nitong sambit habang nagtataas ng tono

Ngunit nanatiling walang reaksyon si Zaijun na para bang wala itong naririnig na salitang lumalabas mula sa prinsesa.

"Zaijun ano ba? nandito naman ako, pangako hindi ko na uulitin ang ginawa ko sa emperatris.." napaupo ito sa lupa habang nakahawak sa kamay ni Zaijun na umiiyak "Tanggapin mo lamang sana ako bilang isang babae. Wala na akong hihilingin pa"

Ngunit tinanggal ni Zaijun ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay at iniwan itong nakaupo. Tinalikuran na niya ito at naglakad na paalis ngunit napatigil siya noong bigla itong sumigaw mula sa kanyang likuran.

"Magpapakamatay ako kapag umalis ka! tandaan mong ako parin ang prinsesa ng Liang, at kapag nangyari iyon ay mapapahamak ang buong kaharian mo maging ang pinaka-iniingatan mong trono!" pagbabanta nito

Ngunit nanatiling nakatalikod ang emperador. "Bukas ng umaga ay nais kong lumisan ka na mula sa aking palasyo. Ayoko nang makitang muli ang iyong pagmumukha." at nilingon niya ito ng kaunti "Huwag ka nang bumalik muli. Kahit kailan."

Naglakad na ito paalis at iniwan ang prinsesa na umiiyak dahil sa kawalan ng pag-asa.

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang