章节-43

103 4 8
                                    

Madilim at tahimik ang paligid. Walang kahit na ano mang tunog ang iyong maririnig. Nakapagdesisyon na siya at desidido na siyang tumakas mula rito upang umuwi sa Xiang. Dahil magmula noong hinirang siyang emperatris ay sa Xiang na ang tunay niyang tahanan at hindi na rito.

Makapal na robang gawa sa balat ng hayop ang kanyang suot bilang panangga sa lamig na sasalubong sa kanya sa oras na lumabas siya mula sa silid na ito. Umiiyak niyang inilapag sa kanyang mesa ang kanyang liham sa kanyang mga magulang.

"Patawad ama, ina. Ngunit susundin ko ang nais ng aking isipan at konsensya. Hindi na ako maaaring maging bihag ng aking puso at emosyon." pumatak ang kanyang mga luha sa papel

Pinunasan niya ito at inayos na ang sarili. Maingat niyang binuksan ang bintana at dahan-dahang tumalon rito. Bumagsak siya sa damuhan ngunit hindi siya gumawa ng kahit na anong ingay dahil mahuhuli siya ng mga gwardiyang nakabantay sa paligid. Kontrolado ang bawat yapak niya dahil baka may maapan siya na maaaring makalikha ng ingat. Pagkahanap ng tiyempo ay tumakbo na siya papunta sa parte ng kakahuyan.

Madilim. Malamig. Nakakatakot. Ngunit desidido na siyang gawin ang lahat ng mga ito upang makauwi lamang sa Xiang. Inihanda na rin niya kaninang umaga ang kabayo na kanyang sasakyan at nakita nga niya itong kumakain ng damo sa tabi ng puno. Pinagmasdan muna niya ang paligid bago sumakay.

Ngunit bago pa niya ito patakbuhin ay hinarap muna niya ang kanyang kinalakihang palasyo..ang palasyo kung saan siya isiniang, kung saan siya nagkamulat, kung saan siya lumaki, kung saan siya namulat, at kung saan siya lumaki ng ilang taon kasama ng kanyang mga mahal sa buhay. Pumatak ulit ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

Tumalikod na siya at hinarap ang daan na kanyang tatahakin. Alam niyang hindi na siya magsisisi pang pinili niyang tahakin ng mag-isa ang kanyang hinaharap na hindi niya malaman kung ano ang magiging hantungan niya pagkarating niya sa dulo.

"Hiyaa!"

Pinatakbo na niya ang kabayo. Mabilis ang pagtakbo nito kaya naman mabilis rin ang pagsalubong ng malamig na simoy ng hangin sa kanyang katawan. Walang kahit na anong ilaw ang gumagabay sa kanila sa daan at tanging ang liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbi nilang gabay.

Inabot na siya ng liwanag at patuloy parin siya sa pagpapatakbo sa kanyang kabayo. Pagdating niya sa bukana ng isang daanan ay pansamantala niyang pinatigil ang kabayo at itinali muna ito sa isang kahoy. Nakahanap siya ng luma at mukhang abandonado ng bahay sa gilid ng malubak na daan na kanyang tatakahin dahil ito umano ang mas mabilis na ruta pabalik sa Xiang. Ngunit walang katao-tao sa paligid at napakatahimik. Dahan-dahan siyang humakbang sa kahoy na hagdan at kumatok ng mahina sa pintuan na bahagyang nakaawang. Dalawang beses siyang kumatok ngunit wala paring nagbubukas. Lakas-loob niya itong pinasok at maingat na naglakad papasok. Magulo at tanging sinag lamang ng araw ang nagsisilbing ilaw sa madilim na bahay. Sa wari niya ay wala na sigurong nakatira rito.

Naghanap siya ng mga gamit na maaari niyang gamitin bilang depensa sa sarili sakali mang may mangyari sa kanya sa daan. Nakahanap naman ito ng isang maliit kutsilyo at isinilid sa loob ng damit niya. Mabilis na siyang lumabas upang hanapan ng tubig ang kabayo at painumin ito ngunit paglabas niya ay laking gulat nito noong makitang wala na ang kanyang kabayo na nakatali. Napatakbo si Lian at hinanap ito sa paligid pero sadyang wala na siyang makita. Nakatakas na nga ang kabayo niya.

"Ipapahamak mo lamang ang iyong sarili"

Nakarinig siya ng pamilyar na boses mula sa likuran. Lumingon siya at nakita si Xiaoran na diretsang nakatingin sa kanya habang ang mga mata nito ay para bang nangungusap na huwag na niyang ituloy pa ang kanyang binabalak.

"Linabag at sinuway mo ang kataas-taasang emperatris ng Xiang. Ngayon ay pinaparusahan kitang matanggal mula sa iyong pwesto bilang unang ranggong gwardiya at heneral ng hukbo ng Qi."

"Handa kong itapon lahat ng mga pinaghirapan ko masigurong ligtas ka lamang" matigas nitong paninindigan

Napailing si Lian at umiwas ng tingin "Umalis ka na Xiaoran bago pa tayo maabutan ng mga gwardiya ng aking kapatid"

"Lian hindi mo ba naiisip na madadamay ka sa pinaplano ng emperador ng Qi? mas kilala mo ang siya at alam mo ang kaya niyang gawin. Sa oras na nagpatupad ito ng kautusan ay paninindigan niya ito ng walang alinlangan kahit pa may mga madadamay na inosente at isa ka na doon!" galit niyang harap-harapang kinausap si Lian at wala na siyang pakealam sa kahit na anumang parusang maaaring maibigay sa kanya

"At ako ang emperatris ng Xiang. Trabaho kong protektahan ang aking mga mamamayan, Xiaoran. Hindi ko lamang maaaring isantabi ang pansarili kong kaligtasan kapalit ng maraming buhay na madadamay sa magaganap na digmaan."

"Malaking estado ang Xiang ngunit alam mo rin kung gaano kalaki ang kayang gawin ng emperador ng Qi matalo lamang at masakop ito. Lian, kung hindi mo iniiisip ang sariling kapakanan mo ay isipin mo ang iyong mga magulang." itinuro nito ang daan kung saan sila nanggaling "Nagaagaw buhay ang iyong ama dahil sa kanyang sakit, maiiwan ang iyong ina ng mag-isa at ang mas malala pa ay maaari silang mapaslang lahat sa oras na malaman ni Zaijun ang magaganap na digmaan!"

Biglang nagising si Lian sa realidad at sa realisasyon dahil sa mga sinabing salita ni Xiaoran. Para bang nabuhusan siya ng malamig ng malamig na tubig sa katawan. Nalilito at nasasaktan ang puso't isipan niya kung saan ba siya papanig, kung saan ba siya pupunta, kung sino ang pipiliin niya..

Ang kanyang pamilya at kanyang kaharian o ang antas niya at ang lalakeng nagmahal, naprotekta, nag-alaga sa kanya. Sino nga ba ang dapat niyang unahin? at hindi ba siya magsisisi sa kanyang pipiliin kung nagkataon?

Umiyak ito dahil sa gulong-gulo na ang kanyang isip. Aktong lalapit na sana si Xiaoran ngunit kaagad siyang pinigilan ng emperatris sa pamamagitan nang pagsenyas ng kanyang kamay.

Nanlaki ang mga mata ni Xiaoran noong kunin ni Lian mula sa kanyang bulsa ang isang kutsilyo at itapat ito sa kanyang leeg.

"Lian...huwag mong itutuloy ang iyong binabalak..." dahan-dahang humahakbang papalapit si Xiaoran sa emperatris kasabay ng pagsenyas nito sa dalawang kamay na huwag ituloy ang binabalak niya "Lian.." nangungusap niyang sambit

"Pabayaan mo akong makaalis kung nais mo pa akong makitang buhay" idiniin niya ang kutsilyo sa kanyang leeg na dahilan ng pagkasugat nito

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Where stories live. Discover now