章节-46

101 4 2
                                    

Nagulat ang emperador at si Konsorte Wei na magkasama sa loob ng opisina ni Zaijun at mukhang may pinag-uusapan silang seryosong bagay base sa ekspresyon ni Zaijun. Nagiba ang reaksyon ni Mingwei at tumaas ng kaunti ang kanyang kilay.

"Lian, hindi ba't ipinagutos ko na hindi ka munang maaaring lumabas mula sa iyong palasyo hangga't hindi kumpleto ang pagusad ng iyong kaso?" takang tanong ng emperador habang nakahawak ang isa niyang braso sa kanyang tagiliran

"Ano ang nangyari kay Konsorte Huang at bakit siya nailipat sa Palasyo ng Weiyang? anong kasalanan niya?"

Umupo si Zaijun at bumuntong-hininga bago sinagot ang emperatris ng diretsa "Hindi siya ang dapat mong alalahanin kundi ang iyong sarili at ang iyong pwesto na kasalukuyang nanganganib." sagot niya na para bang ayaw niyang iniisip ni Lian si Yunxi sa sitwasyon niya ngayon

"Ngunit hindi ba nakakapagtaka at nakakagulat na napunta siya roon?" kumunot ang noo niya at sinuri ang eskpresyon ng emperador na diretso ring nakatingin sa kanya "Kamahalan, tapatin mo nga ako. Ano ang tunay na nangyari kay Konsorte Huang?"

"Hindi siya nagkasala o gumawa ng kahit na anong mali. Ang tangi lamang niyang nagawa ay ang magtaglay ng malubhang sakit na wala ng lunas." singit ni Mingwei at napangisi pagkatapos niya itong isagot

"Hindi maaari. Malakas pa siya noong iniwan ko siya rito sa Xiang bago ako magpunta sa Qi!"

"Nakakasuka lamang at nakaka-awa na ang dating pinapaboran ng emperador ay inabandona na ngayon-- ahhh!" biglang napatigil sa pagsasalita si Mingwei noong biglang ibato ni Lian ang hawak niyang maliit na kutsilyo at nasagi ang tela ng damit ni Mingwei an dahilan ng pagkakapunit nito

Napalingon naman sila sa tinamaan ng kutsilyo na sa pader na mismong likuran ni Mingwei. Takot na takot siyang napasandal at kaagad namang humawak sa kanya ang emperador na galit ring tinignan si Lian.

"Lian! ano ba ang nangyayari sayo?" galit niya itong pinuntahan at hinarap

"Ano ang nangyayari sakin? Kamahalan, mas mabuting tanungin mo siguro ang sarili mo ng tanong na iyan. Ano ang ang nangyayari sayo? bakit pinabayaan mong magkaganito ang iyong mga konsorte?" hindi makapaniwalang tanong niya

"At sa tingin mo ba ay ginusto kong magkaganito si Yunxi? masakit rin para saakin ito! dahil bago ka pa dumaring ay siya ang una kong minahal at itinuring kong asawa. Lian alam mo bang pakiramdam ko ay kwinekwestyon mo ang aking pamumuno at pamamalakad sa loob ng aking kaharian? ano ba ang nangyari sayo? nagbago ka na ba?"

Umiling si Lian "Hindi ako nagbago. At alam mo ba kung sino ang nagbago saating dalawa? ikaw yun Zaijun."

Naakad na siya paalis at iniwan ang emperador kasama si Konsorte Wei na gulat parin sa ginawa ng emperatris at nakaupo na ito ngayon habang nakahawak sa kanyang dibdib.

Galit na sinuntok ni Zaijun ang pader ng paulit-ulit bago naglakad paalis mula sa kanyang opisina upang magpalamig ng ulo dahil sa nangyaring hindi nila pagkakaintindihan ng emperatris.

Dalawang buwan ang nakalipas at nagkaroon na rin ng pahintulot ang emperatris upang makalabas sa kanyang palasyo. Bininisita siya bawat linggo ng emperador at hindi maitatangging nagkaayos rin ang dalawa. Kabuwanan na rin ni Konsorte Han ngayon at inaasahang isisilang na ang kanyang anak ano mang araw ngayon. Wala pa ring balitang natatanggap si Lian mula sa kanyang kapatid na at kanyang mga magulang dahil pinagbawalan rin siya ni Zaijun na huwag na munang makipagusap at tumanggap o magpadala ng mga mensahe o liham sa Qi sapagkat maaari itong maging ebidensya laban sa kanya at madadawit ang kanyang pangalan.

Wala rin siyang narinig na balita patungkol kay Xiaoran na halos dalawang buwan na niyang hindi nakikita at nakakausap. Nagaalala na rin siya sa kung ano na ang nangyari sa kanya kaya naman dali-dali niya itong pinuntahan kaagad.

"Ano po ang pakay ninyo rito Kamahalan?" magalang at seryosong tanong ng punong gwardiya na nasa labas ng mismong kulungan ni Xiaoran

"Nais ko siyang makita at makausap"

"Binibigyan lamang po namin kayo ng labing limang minuto ayon sa utos ng emperador"

Aangal na sana si Lian ngunit naisip na lamang niyang mas mabuti na ito kaysa naman sa hindi na niya ito malapitan. Hinintay niyang buksan ng mga gwardiya ang kulungang kinalalagyan ni Xiaoran bago siya pumasok.

Pagtapak na pagtapak niya sa kulungan nito ay nakaramdam kaagad siya ng takot dahil sa hindi maayos na sindi ng nag-iisang ilaw sa taas, malamig rin kahit pa makapal ang kanyang suot na damit at madumi ang paligid at may mga bahid ng dugo. Halatang hindi lamang si Xiaoran ang namalagi rito.

Kaagad siyang umupo at hinawakan ang pisngi ng lalakeng nakaupo sa kanyang harapan. Hindi na niya napigilan amg sariling mapaiyak dahil sa kalagayan ng kanyang personal na gwardiya. Hinang-hina ito, at kahit mahina ang ilaw ay kitang-kita niya ang mga bahid ng dugo sa mukha at buong katawan nito na halatang pinahirapan nila siya. Putok ang kanyang labi at halos hindi na makakita ang isa niyang mata. Ibang-iba na siya ngayon. Pakiramdam niya ay nawala na ang matikas, matapang at mabait na Xiaoran dahil sa kanyang itsura ngayon.

"Bakit ka ba umiiyak?" umubo ito dahil sa pagpilit niyang magsalita

Napatungo si Lian upang hindi nito makita ang kanyang mga luha "Kumusta ka na? pinapakain ka ba nila?"

"Oo naman" sumagot siya na para bang normal lamang ang kanyang kalagayan

Labis na nakosensya ang emperatris dahil siya mismo ang nagdala kay Xiaoran sa kapahamakan. Noong oras na nagpasya siyang tulungan nito pabalik rito sa Xiang ay yun din pala ang araw na dinala niya ito sa kanyang paghihirap.

"B-bakit hindi ka pa umaamin?" umiiling na tanong ni Lian at pinunasan ang mga luhang tumutulo

Ngumiti ng mapait si Xiaoran at isinandal ng komportable ang ulo nito sa mga maduduming rehas "Hindi kita k-kayang ipahamak at ang kaharian ng Q-qi" umubo ulit ito ng paulit-ulit kaya naman mahimang tinapik ni Lian ang kanyang likuran upang makahinga siya

Umiiyak na siya ngayon dahil sa hindi matumbasang pagproprotekta sa kanya nito. Hindi niya akalaing tototohanin nito ang kanyang pangakong proportektahan siya nito hanggang sa kangang kamatayan.

Niyakap na lamang niya ito. "Maraming salamat, tatanawin kong malaking utang na loob ito" napapikit siya at pilit na pinigil ang pag-hikbi niya

Naramdaman niya ang pagtawa ng mahina ni Xiaoran bago ito ngumiti. Masaya siya, sapagkat alam niyang bago pa may mangyari sa kanya ay narito ang emperatris na nag-aalala sa kanya.

"Ano ang ginagawa mo rito, aking emperatris."

Gulat na lumingon ang emperatris noong marinig niyang magsalita ang emperador. Kumalas siya mula sa pagkakayakap kay Xiaoran at tinignan ito na nakapikit lamang at para bang hindi na ito nagaalala sa mga maaaring mangyari.

#TheRoseInThePalace
#precxxious


The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Where stories live. Discover now