章节-15

133 4 2
                                    

"Kamahalan, inimbitahan po kayo ni Konsorte Chun upang mag-tsaa sa kanyang palasyo"

Tumingin si Lian sa tagapagsilbi na nagsabi sa kanya nun, siya din ang tagapagsilbing pinagalitan noon ni Luoyun.

"Ano ang iyong pangalan?" tanong nito at ibinaba ang ibinuburda niyang panyo

Tumingin ng kaunti ang tagapagsilbi kay Lian bago ito yumukod ulit at sumagot "Mingwei po, kamahalan"

"Saang palasyo ka nabibilang dati?"

"Sa departamento po ng pagbuburda ako nabibilang kamahalan"

"Ilang taon ka na?"

"19 po, kamahalan"

Isang taon lamang ang pagitan nila ni Lian at mas ate siya ng isang taon kaysa kay Mingwei. "Ano ang trabaho mo rito sa palasyo ko?" tanong ulit ni Lian dahil nais niyang makilala ito, dahil pakiramdam niya ay nais niyang makilala ang tagapagsilbing ito

"Taga-hain po kami ng iyong pagkain, minsan po ay tumutulong po ako sa paglilinis sa bakuran ng inyong palasyo"

Tumango si Lian at tumayo na. "Nais kong ayusan mo ako"

Gulat na tumingin si Mingwei sa kanya dahil hindi nito inaasahan na siya ang uutusan ng emperatris "P-po? ... o-opo masusunod, kamahalan" kaagad itong lumapit kay Lianfei habang nakayuko

Habang inaayusan niya siya ay nahahalata ni Lian na nanginginig ang mga kamay nito at nakikita rin sa salamin na may mga sugat ang mga kamay niya, hindi lamang kaunti ngunit halos buong kamay na yata niya ay may mga sugat o kung hindi naman ay mga peklat. Kumunot ang noo ni Lian sa nakita at nagtaka kung bakit ganun ang nangyari sa kamay nito gayong hindi naman mabibigat ang mga trabahong kanyang ginagawa.

"Anong nangyari sa kamay mo?"

Kaagad naman itinago ni Mingwei ang kamay niya mula sa emperatris dahil sa hiya at medyo naluluha ito. "Patawad, kamahalan. Hindi po ako nababagay na pagsilbihan kayo"

Hinarap siya ni Lian bago tumayo at tinawag ang isang tagapagsilbi na kaagad namang lumapit sa kanya. "Kunin mo ang gamot"

"Maususunod po, kamahalan" kaagad na niya itong kinuha at iniabot kay Lian

"Maupo ka" umupo na si Lian sa upuan at inilatag ang mga gamot sa mesa

Nagaalangang umupo si Mingwei nguniy hindi niya kayang suwayin ang emperatris kaya umupo na rin ito "Napano ang kamay mo? bakit ang dami mong pasa? isa kang tagapagsilbi ng palasyo at hindi mabibigat ang mga trabahong nakaatas saiyo"

Nahihiyang sumagot si Mingwei "S-simula po noong nagalit ko si Konsorte Chun ay araw-araw po niya akong tinatawag sa kanyang palasyo upang pagsilbihan siya, a-at tuwing may nagawa po akong kamali ay p-pinaparusahan po ako ng kanyang personal na tagapagsilbi"

"Ano? at bakit walang akong nalalaman ukol rito?" galit na tanong ni Lian, nabibilang siya sa palasyo nito at tagapagsilbi niya ito kaya nararapat lamang na malaman niya ito

Kaagad siyang lumuhod sa harapan ko "Patawad po, kamahalan "

Hinawakan siya ng emperatris sa magkabilang balikat at pinaupo bago niya gamutin ang mga sugat ng nakakaawang tagapagsilbi. Naaawa si Lian sa kalagayan nito lalo na at nabibilang ito sa palasyo niya kaya naman kargo niya ito at nasa pangngalaga siya nito.

Nakatingin lamang siya sa buong oras na ginagamot ni Lian ang kanyang kamay habang naluluha ito kaya napansin ito ni Lian.

"Ano ang nangyayari bakit ka umiiyak? mahapdi ba ang iyong sugat?"

Kaagad niyang pinunasan ang mga luha niya at pinilit na ngumiti sa harapan ng emperatris "Masayang-masaya lamang po ako na nakausap ko ang iginagalang at kaatas-taasang emperatris ng bansang ito, napakaswerte ko po, kamahalan"

"Napakaswerte ko rin at may tagapagsilbi akong kagaya mo"

Pagkatapos siyang gamutin ni Lian ay bigla na lamang ulit itong lumuhod sa harapan niya. "Kamahalan, tanggapin po sana ninyo ang aking pagbibigay galang, at magmula sa oras na ito ay pagsisilbihan ko po kayo ng buong puso at may katapatan"

Inalayan siya ni Lian na tumayo at nginitian siya nito. Pakiramdam tuloy niya ay may nakababata siyang kapatid, sapagkat palagi siyang nagtataka noon kung ano nga ba ang pakiramdam na may nakababata kang kapatid.

"Maaari ka nang bumalik sa iyong ginagawa"

Pinanood niyang umalis si Mingwei bago siya pumasok sa kanyang silid at tinawag ang isa pang tagapagsilbi upang tulungan siyang makapag-bihis.

Kasama niya si Xiaoran at mga tagapagsilbi niya papunta sa palasyo ni Luoyun, ito ang unang beses na makakapunta siya sa palasyp nito. Medyo malawak rin ito ngunit mas malawak ang palasyo ni Lian, magagara rin ang mga palamuti sa loob at ito na yata ang ika-apat pinakamalawak na palasyo sa buong palasyo, una ay ang sa emperador, sa inang emperatris, sa emperatris at sa unang ranggong konsorte na si Konsorte Chun Luoyun.

Sinalubong naman siya ni Luoyun at nagbigay galang rito habang nakangiti nguniy biglang nagbago ang ekspresyon niya noong nakita niya si Mingwei sa likuran ni Lian at napansin naman ito ni Lian.

"May problema ba saaking tagapagsilbi Konsorte Chun?"

"Wala naman, kamahalan" ngiti nito ulit sa harapan ng emperatris

Nagkwekwentuhan silang apat sa palasyo ni Luoyun ngunit napansin ni Lian ang pagiging tahimik ni Yunxi na nasa kanyang harapan.

"May problema ba? Konsorte Huang?"

Tumayo ito at nagbigay galang "Kamahalan, pasensya na po ngunit hindi po maganda ang aking pakiramdam."

"Ano ang nangyari? may nakain ka ba na masama?"

"Pakiramdam ko po ay sobrang hina ng katawan ko at parang..nasusuka ako sa lahat ng oras"

Nagpatigil ito sa kanilang tatlo. Kakaiba ang tingin na ibinigay ni Luoyun at Yanwan kay Yunxi habang si Lian ay nagtataka kung maaari bang...dinadala niya ang anak ng emperador. Sa dalawang taong panunungkulan ng emperador ay wala pa sa kanyang mga konsorte ang nagbigay sa kanya ng anak.

Biglang sumingit si Yanwan "Kamahalan, hindi ba't mas maigi kung magtatawag tayo ng doktor upang masuri ang kalagayan ni Konsorte Huang?" at tinignan niya si Yunxi na inalalayan ng tagapagsilbi niya dahil mukhang nanghihina nga ito at hindi malakas ang kanyang resistensya

"Narito ang emperador!" nagsitayo silang lahat noong narinig nila ang anunsyo ng yunuk ni Zaijun

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon