章节-4

219 4 0
                                    

"Hindi ba maaaring nagkakamali ka lamang Yunxi? sa isang araw pa ang dating ng prinsesa rito, at isa pa ay nakahanda na ang aking mga gwardiya at ang ilang opisyal sa pagsalubong sa prinsesa"

"Kamahalan, nagsasabi po ako ng katotohanan, handa kong tanggapin ang kahit na anong kaparusahan ukol rito"

Lumapit ang emperador sa kanya at inalalayan siyang tumayo at kaagad nang nagtungo sa palasyo ni Yunxi ng walang sinasayang na oras, at kasunod naman niya ang tatlong mga konsorte.

Pagkarating nila sa labas ng palasyo ni Yunxi ay naunang pumasok ang emperador ng walang pagaalinlangan at dumiretso sa loob ng silid nito noong napatigil siya at ganun din ang mga nakasunod sa kanyang mga konsorte at tagapagsilbi.

Ang walang malay na nakahigang prinsesa ng Kaharian ng Qi, ang kanyang mapapangasawa, ang magiging emperatris ng bansang ito. At ang pagkakataong ito ay una nilang pagkikita, ang unang beses rin niyang pinagmasdan ito at nakita ang kabuoan nito. Namangha rin ang dalawang konsorte dahil sa hindi nga maitatangging kagandahang taglay nito kagaya ng sabi-sabi ng iba, ngunit naroon rin ang pagaalala sa kanila na isa na siya sa mga magiging karibal nila mula ngayon sa puso ng emperador.

Lumapit siya sa prinsesa habang ginagamot ito ng mga imperyal na doktor na nagbigay galang sa kanya at maging si Xiaoran ay nagbigay galang rin sa kanya habang nakatayo sa gilid. Dahan-dahang umupo si Zaijun sa tabi ng prinsesa at pinagmasdan ito, putlang-putla ang mukha nito at mukhang pagod na pagod rin ito, ngunit hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya ngayon, para bang natamaan siya ng napakalalim na hindi niya maintindihan.

Inalis niya ang mga hibla ng buhok nito sa humaharang sa kanyang mukha at iginilid ito sa likod ng kanyang teynga. Hindi siya makapaniwala na ito ang unang beses niyang mapagmamasdan ang mapapangasasa niyang babae, noong una ay nagaalangan pa siya sa kasunduang ito sapagkat hindi niya alam kung sino at anong klaseng babae ang nakatadhana para sa kanya na makakasama niya habang buhay.

Itinuon nito ang kanyang pansin kay Xiaoran "Nasaan ang pilak na simbolo ng prinsesa upang patunay na siya nga ang prinsesa ng Kaharian ng Qi?"

Inilabas ni Xiaoran ang isang pilak na simbolo ng isang dragon at iniabot ito kay Zaijun upang ipakitang siya nga ang prinsesang kanyang mapapangasawa at hindi lamang siya isang impostor. "At ikaw, ano ang tungkulin mo rito at sa prinsesa?" tanong naman niya rito

Yumukod ito ng kaunti bago sinagot ang mga tanong ng emperador "Ako ang inatasan ng emperador ng Kaharian ng Qi upang protektahan ang aming prinsesa at upang masiguro ang kaligtasan nito kahit saan man ito magpunta"

"Ano ang pangalan mo?"

"Gao Xiaoran, kamahalan"

Napatango-tango si Zaijun "Kung gayon ay ipinagkakatiwala ko sayo ang prinsesa, huwag mong bibiguin ang pangako mo saakin at sa emperador ng Qi"

"Masusunod, kamahalan" seryoso ngunit magalang nitong sagot

Nasa harapan ng isang lawa sila Yunxi at ang emperador habang nakatanaw sa palasyo. Noong una ay walang nagabalang magsalita sa kanilang dalawa ngunit binasag na ng emperador ang katahimikan. Hinarap niya at hinawakan sa magkabilang balikat si Yunxi upang suriin kung ayos lang ba ito.

"Ayos lamang ako kamahalan, walang nangyari sakin" sagot nito habang nakangiti

Nginitian din siya pabalik ni Zaijun at hinawakan ang kamay nito habang nakaharap kay Yunxi "Maraming salamat sa pagdadala ng ligtas sa prinsesa rito sa palasyo, ngunit kahit na ligtas siyang nakarating rito ay hindi padin ako makakatakas sa nangyari sa kanya habang papunta rito, sapagkat nangyari ang mga iyon habang nasa lupain siya ng Xiang kaya naman ay may pananagutan rin ako"

"Hindi naman siguro basta-basta gumagawa ng gulo ang emperador ng Qi hangga't hindi niya pa alam ang nangyayari hindi ba?"

"Nakita ko na siya ng dalawang beses at nakausap, isa rin siyang respetado at kagalang-galang na emperador kagaya ko, maganda ang samahan namin kaya panatag ang loob ko"

Napatango-tango si Yunxi at napangiti dahil sa narinig niyang balita, kanina pa siya nagaalala dahil sa nangyari sa prinsesa. "Ngunit sino ang mga sumalakay sa kanilang mga tulisan?"

Napatingin ang emperador sa lawa habang tinatangay ng hangin ang kanyang mga buhok at napapikit na lamang siya ng mga mata habang dinadama ang hangin "Hindi ko rin alam, ngunit mukhang hindi lamang sila mga basta-bastang tulisan, sapagkat may mga takip ang kanilang mga mukha at magagaling sila sa pakikipaglaban, ayon sa kwento ng mga sundalong nakatakas na nakasama sa prinsesa sa kanyang biyahe papunta rito, ngunit kahit sino pa sila ay sisiguraduhin kong mananagot sila"

"Huwag kang magalala kamahalan, nasa tabi mo lamang ako" pagpapanatag ni Yunxi sa emperador na napangiti dahil sa sinabi nito sa kanya

Habang naglalakad pabalik mula sa palasyp ni Yunxi ay nakita nila Luoyun at Yanwan ang emperador at ang konsorte Huang sa harapan ng lawa habang naguusap ng walang mga kasamang tagapagsilbi at gwardiya.

"Ngayong nasa palasyo na ang magiging emperatris, tignan na lamang natin kung hanggang kailan mapapasakanya ang pabor ng kamahalan" ngumisi si Yanwan habang nakatingin sa dalawa sa harapan ng lawa

"Hindi mo alam ang mga mangyayari sa hinaharap Yanwan, huwag kang magsabi ng tapos" sabat naman ni Luoyun na nasa dalawa rin ang tingin, alam niya sa sarili niyang pangarap rin niyang maging emperatris ngunit nasira ang lahat magmula noong nalaman niya ang kasunduan ng Kaharian ng Qi at ang Kaharian ng Xiang ukol sa kasal ng emperador at ng prinsesa

"Totoo nga ang sabi nila, Binibining Chun, na matitikas at magagandang lalake ang mga heneral at mga sundalo nila sa Kaharian ng Qi, balita ko ay magagaling rin silang makipaglaban "kinikilig na kwento ni Yanwan kay Luoyun habang nakatukoy kay Xiaoran

"Sa aking wari ay magandang lalake nga siya ngunit nakikita ko ang pagka arogante niya"ngumiti ito na para bang may naisip siyang plano

"May naiisip ka ba, Binibining Chun?"

"Meron, ngunit sa ngayon ay ayoko munang gumawa ng hakbang. Hindi pa natin alam kung isa bang kakampi o kalaban ang magiging emperatris"

#TheFlowerInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Where stories live. Discover now