章节-17

124 4 0
                                    

Kasalukuyang naghahanda na upang matulog ang emperatris ngunit nagulat ang mga tagapagsilbi ni Lian at maging siya at napakunot ang noo noong makita nila si Xiaoran na paligoy-ligoy sa paglalakad habang nakahawak sa pader bilang alalay nito at hindi siya matumba.

"K-kamahalan, mukhang lasing si Heneral Gao.." nagaalalang sambit ng isang tagapagsilbi ni Lian

"Magsilabas kayong lahat, ako na ang bahala rito" seryosong sambit ni Lian habang nakatingin kay Xiaoran na kumakanta sa gilid habang nakangiti

"Kamahalan sigurado po ba kayo?"

"Tatawagin ko na lamang kayo kapag kailangan ko ng tulong"

Wala ng nagawa ang mga tagapagsilbi kundi ang sumunod na lamang kay Lian. Pagalis nila ay nilapitan nito si Xiaoran na lasing na nakasalampak sa sahig ng silid nito. Pinagkrus ni Lian ang mga kamay nito at tinignan siya noong langong tumungin rin sa kanya si Xiaoran at bigla itong ituro bago tumawa na parang bata.

"Hindi ba't ikaw yung binabantayan kong *huk* empertris? *huk*"

Itinaas ni Lian ang isang kilay niya at seryoso itong pinagmasdan na piliting tumayo at lasing na hinarap siya habang nakangisi na parang baliw "Tsk tsk!" ani nito at itinuro si Lian na nanatiling nakatayo lamang sa harapan niya " *huk* sayang, balak pa man din sana kitang pakasalan kapag lumaki tayo..kaso naunahan na ako" at tumawa ito bago napasandal sa sahig at muntikan nang matumba ngunit kaagad siyang nahawakan ni Lian sa balikat

Kaagad niya itong binitawan at iritadong kinausap kahit na alam niyang hindi siya nito maiintindihan dahil lasing ito "Xiaoran, wala ka sa palasyo ng Qi kaya umayos ka."

"Ayan ka na naman, palagi kang galit tss." napaatras si Lian noong ilapit ni Xiaoran ang mukha nito sa kanya at ngumisi "Kaya nakakatakot kang lapitan e, para kang tigre!" at tumawa ito bago ulit sumalampak sa sahig

"Xiaoran?!"

Mahinang napasapo si Lian sa kanyang noo at nagpunta sa tabi ng bintana upang magpahangin. Maswerte si Xiaoran dahil pinapahalagahan siya ng emperador ng Qi at maging ni Lian, hindi dahil personal siyang gwardiya nito ngunit dahil na rin sa nakababata niya itong kaibigan at kalaro. Magmula kasi noong bata pa lamang sila ay magkakilala na sila dahil palaging isinasama ng kanyang ama si Xiaoran sa palasyo at doon niya nakilala si Lian. Naalala pa ni Lian ang pangako nila noon, na papakasalan nila ang isa't isa, ngunit para sa kanya ay isa lamang itong laro at pangako ng nakaraan noong sila ay musmos pa lamang.

"Pst! nauuhaw ako" tumingin si Lian sa direksyon ni Xiaoran na nakaturo sa kanya habang nakaupo sa sahig na para bang komportableng komportable ito sa posisyon niya ngayon

"Wala kang karapatang utusan ako." seryosong sambit ni Lian at lalabas na sana upang tawagin ang mga tagapagsilbi pero bigla na lamang kumanta ito habang nakapikit ang mga mata

"Ang puno ng ubas, ang puno ng mansanas, ang puno ng bayabas, aking mga *huk* kaibigan tayo'y magsaya, sapagkat lumipas na ang araw"

Biglang napatawa si Lian ng mahina at napapikit dahil ngayon lamang ulit niya narinig na kantahin ito ni Xiaoran. Ito ang inimbento nilang dalawa na kanta noong mga bata pa lamang sila. At ngayon lamang ulit siya narinig ni Lian na kantahin ito paglipas ng ilang taon. Simula kasi noong maging edad-16 na ang prinsesa ay hindi na siya pinayagan ng ama nitong Emperador pa noong mga panahon na iyon ang makipaglaro sapagkat ito na raw ang taon ng kanyang pagdadalaga at ito na ang nararapat na taon upang magsimula na siyang matuto sa kanyang tungkulin bilang isang prinsesa. Magmula noon ay natigil na ang dalawa sa pagkakaroon ng koneksiyon lalo na at hindi na namamalagi sa palasyo si Xiaoran dahil isinasama siya ng kanyang ama sa labanan upang ito ay mahasa rin at matuto bilang isang magiting na mandirigma at opisyal sa hinaharap.

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Kde žijí příběhy. Začni objevovat