章节-49

98 6 5
                                    

Kinalampag ng emperador ang kanyang mesa habang pumapatak ang mga luha mula sa kanyang mga mata dahil sa pagkamatay ng kanyang konsorte. Hindi niya inaasahang sa ganito sasapit at magtatapos ang kanilang pagsasama. Nais niya pa sana itong itaas sa unang ranggong konsorte sa oras na isilang nito ang kanyang unang anak.

Naramdaman niyang kay humaplos sa kanyang likuran na para bang pinapatahan siya nito. "Ilabas mo lamang lahat ng iyong nararamdaman. Walang masama sa pagiyak" isinandal ni Mingwei ang kanyang ulo sa likuran ng emperador habang nakahawak sa mga braso nito "Lahat ng tao ay may karapatang umiyak, hindi purket isa kang emperador ay wala ka ng karapatang magluksa para sa babaeng minsan mo ring binigyan ng atensyon"

Hinarap siya ni Zaijun at tinignan "Nagsisisi ako dahil nahuli ako ng dating. Kung sana ay mas maaga akong nakarating roon" masakit sa kalooban niyang sambit

"Hindi mo ito kasalanan Kamahalan, naroon naman ang emperatris bago siya mawala"

Nagbago ang reaksyon ni Zaijun "Bakit siya nauna roon?"

Naglakad papunta sa harapan ng mesa si Mingwei bago sumagot "Marahil ay ipinatawag siya ni Konsorte Han, Kamahalan"

Napatango si Zaijun dahil nalaman niyang magkasama ang emperatris at si Yanwan bago siya mawala. Naniniwala siyang nagkapatawaran rin ang dalawa sa lahat ng mga nangyari sa kanilang hindi maganda. Alam niya ang alitan sa pagitan ng kanyang mga konsorte at ang emperatris dahil hindi siya bulag at manhid upang hindi ito makilatis at mahalata. Alam niyang lahat ng mga babae sa kanyang harem ay kapangyarihan at pwesto ang kanilang habol, at higit sa lahat ay ang kanyang pagsinta. Ngunit alam niya rin mismo na ang emperatris lamang ang naiiba sa kanilang lahat.

"Ngunit..bakit hindi mo pa magawang kitilin ang buhay ni Xiaoran, Kamahalan--"

"Konsorte Wei!" galit siyang sinuway ng emperador dahil sa walang preno nitong pagtatanong

"Kamahalan, kaya ko lamang ito tinatanong ay dahil nais kong mapabuti ang inyong relasyon ng emperatris." pagtatanggol ni Mingwei sa kanyang sarili

"Ano ang ibig mong sabihin?" nagseryoso ang emperador

"Hindi ba't nagkakaroon na ng puwang ang relasyon ninyo sa emperatris? at sigurado akong alam mo rin kung sino ang puno't dulo ng lahat ng ito."

"Isa kang konsorte at hindi ka dapat nakikialam sa mga isyu ng korte" madiing pagtutol niya

"Hindi mo pa ba napagtanto Kamahalan?"kumunot ang noo ni Mingwei "Nakita mo mismo sa iyong dalawang mga mata ang ebidensya na may relasyon silang dalawa! pinagtataksilan ka nila Kamahalan! hindi mo ba alam na napilitan lamang ang emperatris na magpunta rito ayon sa utos ng kanyang mga magulang at kanyang kapatid? para ano? hindi ba't para maging isang espiya na siyang magbibigay sa kanila ng impormasyon upang makahanap ng tamang panahon na atakihin ang iyong Kaharian--"

"Lumabas ka na!" galit na ibinato ng emperador ang isang mamahaling porselana ng halaman sa sahig

Napatili si Konsorte Wei dahil sa hindi inaasahang gagawin ni Zaijun. "Kamahalan..hindi ka mahal ng emperatris ay niloloko ka lamang kasama ang kanyang personal na gwardiya" nangungusap niyang sambit

Tumalikod ang emperador at napahawak sa kanyang ulo. Pinakalma niya ang sarili dahil baka may magawa siyang hindi niya inaasahang magagawa niya.

"Binabalaan kita Konsorte Wei, umalis ka ngayon din kung ayaw mong matanggalan ng ranggo. Huwag mo akong susubukan"

Napailing si Mingwei na nasa kanyang likuran bago inis at lumuluhang umalis sa opisina nito. Hindi siya makapaniwalang mas pinipili niya ang emperatris sa kabila ng nga nagawa nitong pagtataksil sa emperador.

Malalim na nga ang gabi ngunit nagtungo parin ang emperador sa palasyo ng Xianfu upang makita ang emperatris. Kaagad na gumilid ang ibang mga tagapagsilbi na nasa labas upang magbigay daan sa kanya papasok sa silid ni Lian.

"Inako mo ang responsibilidad sa batang iyon?"

"A-ano ang ibig mong sabihin, Kamahalan?"

Nagtataka siyang hinarap ng emperatris noong magtanong si Zaijun.

"Anak siya ni Konsorte Han, at hindi siya nanggaling saiyong sinapupunan na magbibigay sayo ng karapatang tawagin siya bilang iyong anak!"

Nagulat si Lian dahil sa pagtaas ng boses ni Zaijun. Hindi na niya maintindihan kung ano ba ang nangyayari sa kanya at bakit ganito ang kanyang inaakto. Nasaktan ito dahil sa sinabi ng emperador na hindi ito nanggaling mula sa kanyang sinapupunan.

"Hindi ko man siya isinilang pero ako ang kanyang ina at hindi na yun magbabago pa" madiing pagtutol niya sa sinabi ni Zaijun

Umiling ang emperador at lumapit bigla kay Lian at hinawakan ang mga balikat niya na nagulat sa ginawa nito. "Kayang-kaya mo akong bigyan ng anak Lian. Anak na matatawag mong sayo, anak na makikita mong manggagaling mula sayo, anak na hihirangin kong tagapagmana ng aking trono!" nangungusap nitong mga mata

Pilit na kumawala ang emperatris mula sa pagkakahawak sa kanya ni Zaijun "Ano bang nangyayari sayo Kamahalan? anak mo ang batang iyon. Ikaw ang kanyang ama" naluluhang paliwanag ni Lian

Umiwas ng tingin ang emperador. Tumawa ito ng mahina. Umiiling siyang tinignan ni Lian at naglakad papalapit sa bintana at lumuha ng mahina. Hindi siya makapaniwalang hindi kayang tanggapin ng emperador ang sarili niyang anak.

"Mamili ka Lian. Ang iyong pwesto at karangalan o ang iyong personal na gwardiya?"

"Zaijun..b-bakit mo ba ito ginagawa?"

"Mamili ka." pinagdiinan parin ng emperador ang kanyang tanong at hindi na talaga mababago ang kanyang isip na papiliin sa dalawa ang emperatris

Bumuntong-hininga si Lian at kumpiyansang hinarap ang emperador "Wala akong pipiliin."

Ngunit bigla siyang hinatak ni Zaijun sa braso at pwersahan itong ipinasandal sa pader. Mahigpiy niyang hinawakan ang dalawang kamay ng emperatris na nakataas at pilit niya itong sinisiil ng halik ngunit pilit ring nagpupumiglas si Lian.

Galit siyang itinulak ni Zaijun pahiga ngunit kaagad namang bumangon ang emperatris na siya namang hinatak rin pabalik ng emperador pahiga. Magkalapit ang kanilang mga mukha at pawang mga kinakapos ng hininga.

Marahang hinaplos ni Zaijun ang mga pisngi ng babaeng kanyang minamahal bago inipit ang ilang hibla ng buhok niya sa likuran kanyang teynga. "Nais kong ikaw mismo ang magsilang ng aking magiging tagapagmana, aking emperatris"

"Kamahalan, nangako ka hindi ba? na hindi mo ako pwepwersahin kapag hindi pa ako handa" humihikbing sambit ni Lian na nagpatigil kay Zaijun

Maingat niyang pinunasan ang mga luha nito bago umiwas ng tingin at tumayo. Napahawak ito sa kanyang noo at dali-dali nang naglakad paalis at iniwan ang nakaupong si Lian na humihikbi.

Ngunit bago pa makalabas sa pintuan ay humarang ang gwardiya sa kanyang harapan. "Kamahalan, patawad at kanina pa po ako naghihintay rito sa labas upang mag-ulat po sainyo" magalang nitong sambit kay Zaijun

"Magsalita ka na" walang emosyong utos nito at lumingon ng kaunti sa emperatris na nanatiling nakaupo

"Natapos na po ang pagkitil ng buhay ni Gao Xiaoran kaninang alas onse ng gabi sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang leeg."

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Where stories live. Discover now