章节-35

110 5 6
                                    

"Mag-iingat ka"

"Ikaw rin, Kamahalan" ngumiti si Lian jay Zaijun at ganun rin ito sa kanya

Magkahawak ang kanilang mga kamay habang palabas ng palasyo ni Zaijun. Hinarap niya ang kanyang emperatris at hinawakan ito sa magkabilang balikat bago ito hinalikan sa noo. Napatalikod naman bigla lahat ang mga gwardiya at tagapagsilbi bilang paggalang sa dalawa.

Ngunit hindi nalalaman ng dalawa ay nakita ito ni prinsesa Shuyan na nasa labas ng tarangkahan ng palasyo ni Zaijun upang sana bisitahin ito ngunit hindi niya aakalaing ganito ang kanyang madadatngan.

Inis siyang naglakad paalis at pagkarating niya sa kanyang tinutuluyang palasyo ay bigla na lamang niyang pinagtatapon at pinagbabato ang mga gamit na kanyang makita. Galit rin siyang sumigaw at inis na umupo sa upuan habang umiiyak.

"Tawagin ninyo ang si Konsorte Wei ngayon din!!" sigaw niya sa isang tagapagsilbi na sa takot ay kaagad na sumunod sa kanyang ipinaguutos

Naninibugho siya sapagkat kay tagal na niyang inililihim sa kanyang sarili na may nararamdaman siya para kay Zaijun at inaakala niyang ito na ang magiging chansa niya para masabi ang nararamdaman niyang pagsuyo para sa kanya pero hindi niya akalaing makakasagabal ang emperatris sa kanyang mga plano.

"Kung hindi ko siya makukuha ay hindi rin siya maaaring makuha ng iba." galit niyang ibinato ang naka-plorerang bulaklak sa lamesa sa harapan niya

Nagulat ang mga tagapagsilbi sa tunog na likha ng pagkabasag nito at may isang napatili. Inis itong tinignan ni Shuyan at kaagad itong pinalapit sa kanya.

At pagkalapit na pagkalapit nito sa kanya ay sampal kaagad ang inabot nito. Umiiyak itong napaatras dahil sa lakas nang pagkakasampal ni Shuyan sa kanya.

"Prinsesa Shuyan, narito na po si Konsorte Wei" anunsyo ng tavapagsilbi niya

Tumayo si Shuyan at nilapitan si Mingwei na nagbigay galang sa kanya. "Tulungan mo ako kung nais mo pang mapanatili ang posisyon mo"

Nakaramdam naman ng pangamba si Mingwei dahil natatakot siyang baka mawala ang lahat ng kanyang pinangarap sa isang iglap kung hindi man niya magawa ang ipapagawa sa kanya ng prinsesa at hindi niya ito kakayanin.

"Ano ang nais ninyong gawin ko?"

"Ano ang kahinaan ng emperatris?" desididong tanong ni Shuyan at nakakunot ang noo nito habang hinihintay ang isasagot ni Mingwei

"P-prinsesa Shuyan tila ba hindi ko nasusundan ang iyong ibig sabihin?"

"Tsk isa kang boba! simpleng tanong ay hindi mo masagot? kung gayon ay uulitin ko para sayo! ano ang kahinaan ng emperatris?!"

Nilakasan pa nito ang boses nito na para bang nangungutya kay Mingwei at wala itong pakealam kahit pa may makarinig sa kanyang mga isinambit.

Napailing si Mingwei at kaagad na hinawakan ang mga kamay ng prinsesa dahil sa takot. Ayaw niyang mawala ang kanyang mga pinaghirapan, kay taas na ng naabot niya at ayaw niyang mawala ito na parang bula.

"Prinsesa Shuyan, pakiusap, hindi ko po alam kung ano ang kahinaan ng emperatris" kabado nitong pagmamakaawa

Pero iritadong inagaw ni Shuyan ang kanyang kamay at tumalikod mula sa kanya. "Kung gayon ay wala na akong  magagawa kundi ang bawiin lahat ng nasa iyo"

Gulat na napatingin si Mingwei kay Shuyan na naglalakad na paalis mula sa kanyang harapan at mukhang patungo ito sa palasyo ni Zaijun. Dahil sa takot ay agad siyang nakaisip ng dahilan.

"May naisip na ako!"

Napatigil sa paglalakad si Shuyan at dahan-dahang hinarap si Mingwei na lumuluha habang naka-luhod sa kanyang harapan. Batid ni Shuyan kung gaano ito kadesperado kaya naman alam niyang siya lamang ang makamatulong sa kanya.

"Ano ang naisip mo?"

Tumayo si Mingwei at lumapit kay Shuyan at ibinulong ang kanyang sagot. Sumilay naman ang mga ngiti sa labi ng prinsesa dahil sa wakas ay nakahanap na rin ito ng paraan kung papaano maaalis si Lian mula sa kanyang landas.

Makalipas ang apat na araw ay araw na ng kaarawan ni Prinsesa Shuyan. Abala ang lahat sa paghahanda dahil gaganapin ang kanyang kaarawan sa imperyal na korte. Malawak ito at maraming espasyo rin ang nakalaan para sa mga maraming bisita na dadalo mula sa iba't-ibang nayon at kaharian.

Abala ang lahat sa pagaayos ng mga dekorasyon, mga pagkain, upuan, at maginga ang mga mananayaw na naimbitahan sa loob ng palasyo ay todo ensayo sapagkat hindi sila maaaring magkamali.

Abala ang lahat sa pagaayos ng mga dekorasyon, mga pagkain, upuan, at maginga ang mga mananayaw na naimbitahan sa loob ng palasyo ay todo ensayo sapagkat hindi sila maaaring magkamali

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Alas-3 ng hapon at nagsimula na ang celebrasyon ng ika-18 na kaarawan ni prinsesa Shuyan. Enggrande ito at napakaganda rin ng paligid ayon sa disenyong nais ng prinsesa, nais naman ni Zaijun na masunod ang lahat ng nais nito sapagkat nais niyang maging masaya at hindi niya malilimutan.

Naka-pulang phoenix na bistida ang emperatris at naka-itim naman na dragong roba ang emperador habang ang mga konsorte ay iba't-iba ang kulay na kanilang suot. Napaka-kulay at sigla ng loob ng palasyo ngayon at lahat ay may kanya-kanyang kwentuhan ngunit naputol ang mga ito noong magsalita sa harapan nilang lahat ang emperador.

"Sa lahat ng taong naririto, nais kong magpasalamat sa inyong pagdalo sa kaarawan ng aking minamahal na pinsan, si Prinsesa Shuyan" tinignan nito si Shuyan sa kanyang tabi na masayang nakangiti sa kanya habang pumapalakpak ang mga tao "Sana ay maging komportable kayo sa loob ng aking Kaharian, huwag kayong mag-aalinlangang magtanong sa bawat tagapagsilbi kung may kailangan kayo"

Ikinampay nito ang kanyang baso na may alak at ganun rin ang mga bisita, unang uminom ang emperador pagkasunod naman ay ang mga bisita.

"Kung gayon ay kumain na tayong lahat" masayang sambit ni Shuyan at isa-isa nang inihain ng bawat tagapagsilbi ang bawat pagkain sa mga bisita, konsorte at sa emperatris

Nagpasalamat si Lian sa tagapagsilbing naghatid ng kanyang plato sa kanyang mesa. Nagsimula na ring kumain ang emperador at ang prinsesa maging ang mga konsorte at mga bisita na mukhang nasisiyahan at nasasarapan sa putahe na naihanda.

Nagsimula na rin siyang kumain ngunit nakaka-ilang subo pa lamang siya ay may naramdaman siyang kakaiba sa kanyang nginunguya kaya naman mahinhin niya itong idinura sa kanyang extrang panyo at nagulat siya dahil may nakita siyang balat ng hipon.

Naramdaman niyang namumula na siya at agad niyang ibinaba ang panyo upang suriin ang kanyang mga kamay na nagsisimula na ring mamula. Hanggang sa naramdaman na niyang hindi na siya makahinga kaya natabig niya bigla ang baso ng kanyang tubig na naka-kuha sa atensyon ng lahay ng naroon.

Kinakapos ang kanyang hiningang hinawakan ang kanyanh leeg at pilit na sumisinghap ng hangin.

"Lian!" nagaalalang tumakbo ang emperador papunta sa kanyang pwesto at agad itong hinawakan sa balikat

Napatayo naman mula sa kanilang pwesto si prinsess Shuyan, Konsorte Han at Konsorte Huang. Habang ang ibang mga bisita ay nagsisimula nang magbulungan at ang iba ay lumapit sa pwesto ng emperatris dahil rin sa pag-aalala kung ano ang nangyari.

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Where stories live. Discover now