章节-48

96 3 0
                                    

"Kamahalan.." kaagad siyang hinawakan sa kamay ni Lian noong pumasok ito sa kanyang silid

Pawis na pawis na ito at wala na itong enerhiya. Nahihirapan rin itong huminga at hindi pa niya nailalabas ang kanyang anak. Tinignan ng emperatris ang matandang kumadrona na inaalalayan at sinasabihan si Yanwan kung kailan ito i-ire.

"Anong problema at pinapunta mo ako rito?"

"Kamahalan.. n-nais kong alagaan mo ang aking anak sa o-oras na h-hindi ko na makayanan pa.." umiiyak at mahina nitong bulong kay Lian "Ahhhhh!" umiiyak siyang umire kahit hirap na hirap na siya

"Huwag kang magsalita ng ganyan Konsorte Han. Kailangan ng anak mo ng isang ina." mahigpit siyang hinawakan ni Lian sa kamay hanggang sa matapos itong umire

Sa wakas ay nailabas na ang ulo ng bata  na nagpabuhay naman sa konsorte noong malaman niyang malapit nang mailabas sa mundong ito ang kanyang sanggol. "Ahhhh!"

"Sige pa! kaunti nalang ay mailalabas na ang kanyang mga paa" masayang sambit ng kumadrona na nakahawak sa ulo ng sanggol

"H-hindi ko na kaya... Ahhhh!!"

Sa wakas ay naisilang na rin ang kanyang anak. Ang magiging unang anak ng emperador. Ang posibleng maging tagapagmana ng kanyang trono. Ang matagal nang nais makuha ni Yanwan, ang kanyang kayamanan, ang kanyang anak. At ngayon ay maayos at ligtas na itong nakalabas mula sa sinapupunan ng kanyang ina.

"Lalake ang iyong isinlang na sanggol, Konsorte Han! " masayang anunsyo ng kumadrona

Napangiti si Lian at tumingin kay Yanwan na hinang-hina na at nakapikit ang mga mata "K-kamahalan.. nais kong sabihin sayo na patawarin mo sana ako sa lahat ng aking m-mga nagawang kasalanan sa iyo." mahina nitong sambit

"Huwag na muna natin itong isipin sa ngayon, ang mahalaga ay naisilang mo ng maayos ang iyong anak."

Sumilay ang tipid na ngiti sa labi nito. "Kamahalan, magmula ngayon ay ipinauubaya ko na sayo ang kaligtasan at ang magiging buhay ng aking anak sa h-hinaharap..Maraming s-salamat...Sa wakas ay n-nabigyan ko rin ng anak ang emperador.." lumabas ang luha mula sa mga mata nito

Nagulat si Lian noong naramdaman niya ang pagpagsak ng isang kamay nito sa kanyang tabi. Dahan-dahan niya itong tinignan at napailing. Malakas niyang niyugyog ang konsorte sa mga balikat nito at sinuri ang pulso niya sa kamayan niya ngunit dahan-dahan niya itong ibinaba at napatayo dahil wala na itong naramdaman pang humihinga ito.

Narinig nila ang malakas na pagbukas ng pintuan at iniluwa nito ang emperador na masaya noong makita niya ang kanyang anak na karga-karga ng kumadrona ngunit biglang naglaho ang kanyang mga ngiti noong mapatingin siya kay Konsorte Han na wala ng buhay sa kanyang higaan pagkatapos nang paghihirap niyang isilang ang kanyang anak.

Mabilis na nagpunta ang emperador at umupo sa tabi nito. "Yanwan." mahinang tawag nito na para bang maririnig niya "Yanwan gumising ka pakiusap.." ibinangon niya ang katawan ito at pinasandal ang ulo niya sa kanyang balikat

Kasabay rin nang pagpasok ni Konsorte Wei na napatakip sa kanyang bunganga dahil sa gulat at hindi inaasahang pagpanaw ni Konsorte Han.

Napaatras si Lian dahil maging ito ay hindi rin makapaniwalang dito na nagtatapos ang pagiging konsorte ni Yanwan. Ngunit kasabay naman ng kanyang pagpanaw ay ang pagdating ng isang panibagong anghel sa palasyo.

Umiyak na nga ang sanggol kaya naman naagaw niya ang atensiyon nilang lahat sa loob ng silid. Ang bagong parte ng imperyal na pamilya. Ang munting prinsipe.

Lumapit rito ang emperatris at hindi niya alam kung bakit niya ito ginawa ngunit maingat niya itong kinuha mula sa kumadrona na maingat rin itong ibinigay sa emperatris. Umiiyak parin ang sanggol na ngayon ay karga-karga ni Lian. Nginitian ito ni Lian at hinawakan ang maliit nitong kamay na nakataas na tila ba nais niyang hawakan ng emperatris. Himala naman na biglang tumigil sa pagiyak ang sanggol ngunit nanatili itong nakapikit at nakataas ang mga munti nitong kamay.

Iniwan nila ang emperador at ang wala ng buhay na si Konsorte Han ayon sa utos ng emperador. Dumiretso palabas ang emperatris habang karga-karga parin ang sanggol. Namalayan na lamang nito na naglalakad na pala siya pabalik sa palasyo ng Xianfu dala-dala ang munting prinsipe.

"Malugo na pagbati saiyo, Kamahalan.." nagbigay galang ang kanyang mga tagapagsilbi sa kanyang pagdating kasabay ng kanilang pagtataka kung bakit nasa kanya ang sanggol na alam na nilang isinilang ni Yanwan.

"Mula ngayon ay ako na ang mangangalaga sa batang ito" panimula niya habang pinapatahan ang batang umiiyak

"Ngunit kamahalan, papaano po si Konsorte Han? h-hindi po ba't siya ang nagsilang niyan?"

"Tunay ngang siya ang nagsilang sa kanya. Ngunit ako na ang kanyang magiging ina magmula ngayon."

Nanatiling nakasunod ang mga tagapagsilbi sa kanyang likuran na nagtitinginan kasabay parin ng pagkunot ng kanilang mga noo at pagtataka dahil hindi nila alam kung papaano nangyari ito.

Hinintay nila itong makaupo sa kanyang trono at hinarap silang lahat na pawang mga nakatungo ang ulo.

"Isulat mo ang aking kautusan" utos ni Lian sa sekretaryang tagasulat ng kanyang mga utos at ulat na nasa ibaba ng kanyang trono "Magmula sa oras na ito ay ako na ang kikilalanin, tatawagin at gagalin ng batang ito bilang kanyang ina. Isusulat sa lahat ng mga libro ng mga ulat sa loob ng mga taong pamumuno ng emperador ito. At mula ngayon ay tatawagin na siyang Prinsipe Haoran. Ang unang anak ng emperador kay Konsorte Han."

"Tinatanggap at iginagalang po namin ang inyong kautusan, Kamahalan" sabay-sabay nilang sambit "Malugod na pagbati saiyo, Prinsipe Haoran" pagbibigay galang nila at lumuhod silang lahat sa harapan ni Lian at ng kanyang anak.

Taas-noo silang tinignan ng emperatris bago ito inilipat sa prinsipe.

"Ipinapangako kong aalagaan kita at mamahalin kita, palalakihin kita ng nararapat at may disiplina. Hindi ko hahayaang laitin ka at tignan ka nila ng mababa dahil lamang sa isang konsorte ang nagsilang sa iyo, ngunit nais kong galangin ka nila at sundin, proprotektahan at bibigyan ng respeto dahil anak kita."

Malalim na ang gabi at hindi makatulog ang emperatris dahil sa walang tigil na pagiyak ng munting prinsipe. Aligaga naman ang mga tagapagsilbi sa pagtulong sa emperatris upang patahanin ang bata sa pagiyak.

Pero napatingin sila sa pintuan noong makita nila ang emperador na nakatayo at para bang balisa ito. Magulo ang buhok niya at halatang pagod ang kanyang mga mata. Tumingin ito kay Lian bago tumingin sa sanggol na karga-karga nito.

Mabilis namang lumabas ang mga tagapagsilbi at ipinahawak muna ni Lian ang prinsipe sa kanila. Naiwan ang dalawa sa loob ng silid at hindi malaman ni Lian ang gagawin kaya naman nagsuot muna siya ng makapal na roba dahil hindi niya ito masuot kanina noong pinapatahan niya ang munting prinsipe.

"Inako mo ang responsibilidad sa batang iyon?"

Nagtataka ang emperatris dahil sa binigay sa kanyang tanong ng emperador. Tila ba hindi niya maintindihan kung ano ang nais nitong sabihin at kung ano ang kanyang ibig sabihin.

#TheRoseInThePalace
#precxxious


The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Where stories live. Discover now