章节-3

230 5 0
                                    

Habang nasa biyahe ay tahimik lamang silang apat, mabuti na lamang at medyo malawak ang karwahe kaya naman nagkasya silang lahat.

"Binibini, maaari ko bang tanungin kung saang nayon kayo nanggaling at kung ano ang nangyari sainyo?" takang tanong ni Yunxi ngunit ilang segundong hindi sumagot si Lian kaya si Xiaoran na ang sumagot para sa kanya

"Binibini, mawalang galang na ngunit mas mabuti kung huwag na lamang kayong magtanong"seryosong sagot ni Xiaoran

Napatango-tango na lamang si Yunxi bilang sagot "Pasensya na"at ngumiti ito ng tipid

"Ahh! a-aray" napatingin silang lahat kay Lian noong napadaing ito dahil sa sakit habang nakahawak sa kanyang tagiliran

Kaagad na lumapit si Xiaoran sa prinsesa dahil sa pagaalala nito "Kamahalan, ayos ka lang ba?" biglang nagtaka si Yunxi at ang kanyang tagapagsilbi kung bakit tinatawag ng lalakeng ito ang binibining ito bilang kamahalan, at kung titignan nga naman ang suot nito ay naoakaenggrandre rin at halatang isang maharlika lamang ang makakapagsuot ng mga ganitong kalidad ng damit

"Dinudugo ka sa tagiliran" napatingin sila sa kamay ni Yunxi na nadapuan ng dugo noong alalayan nito si Lian

"A-ayos lang ako" pinilit ni Lian na umayos ng upo habang nanatiling nakahawak padin sa kanyang tagiliran noong bigla na lamang tinanggal ni Xiaoran ang kamay nito mula sa kanyang tagiliran

Nagulat ang mga binibini sa ginawa nito kay Lian ay maging si Lian ay nainis rin sa ginawa nitong kalapastangan "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" inis niyang sermon rito

Hindi na nagabalang sumagot si Xiaoran at kaagad na lumapit sa kutsero ng karwahe "Bilisan mo ang iyong pagpapatakbo at nais kong ideretso mo kami sa palasyo, kayang kaya kitang bayaran ng isang taon upang sapat ng kita sa iyong pamilya. Inaatasan kitang gawin ang trabaho mo ng maayos sapagkat lulan ng karwaheng ito ang prinsesa ng Qi" seryosong utos nito sa kutsero

Nanlaki ang mga mata ng kutsero at maging si Yunxi ay nagulat sa kanyang narinig at hindi inaasahan na ang kasama nila ngayon ay ang prinsesa ng Kaharian ng Qi.

"Masusunod po" at ikinumpas nito ang tali sa kabayo upang mas bumilis ang takbo nito at upang makarating na sila sa palasyo

Agad na humarap si Yunxi sa prinsesa at nagbigay galang "Kamahalan, patawad at hindi ko kayo nakilala, nararapat lamang akong patawan ng parusa"

"Wala kang kasalanan binibini" sambit nito habang nakahaaak sa kanyang tagiliran upang pigilan ang dugong lumalabas

"Maraming salamat, sisiguraduhin ko pong makakarating kayo kaagad sa palasyo sa lalong mabilis na oras"

Tinignan siya ni Lian at ngumiti ng bahagya bilang pasasalamat, sadyang mapalad siya at nagkrus ang landas nilang dalawa upang matulungan siya nito.

Umayos ng upo si Yunxi at inutusan ang kutsero na mas bilisan pa habang nakaalalay kay Lian na sugatan dahil sa mga sumalakay na tulisan. 

Sa ilang oras na biyahe na kanilang inabot ay nakarating na rin sila sa sentro, ilang oras na ring dinudugo si Lian kaya naman mas binilisan ng kutsero ang kanyang pagpapatakbo sa karwahe dahil na rin sa takot na baka mapaslang siya ng gwardiyang kanyang lulan at dahil natatakot din siya sa buhay ng prinsesa na nasa kapahamakan, at kapag siya ay namatay sa gitna ng kanilang biyahe ay baka hindi lamang siya ang mapaparusahan, kundi pati ang kanyang buong angkan.

Tumigil ang kanilang karwahe sa tarangkahan (gate) ng palasyo noong agad silang hinarang upang makita kung sino ang lulan ng karwahe sa loob, walang pagdadalawang isip na bumaba si Xiaoran kaya naman ay nagtaka ang lahat ng nga gwardiyang naroon na nakabantay noong inilabas ni Xiaoran ang kanyang simbolo bilang ang heneral at pinakamataas na ranggo ng gwardiya sa Kaharian ng Qi. Namangha ang lahat at nagkatinginan ngunit agad naman silang nagbigay galang dahil kumpara sa kanilang mga ranggo ay mas mataas siya kaysa sa kanila.

"Malugod na pagbati saiyo, heneral ng Qi"

"Papasukin niyo kami, lulan ng karwaheng ito ang prinsesa ng Kaharian ng Qi na siyang magiging emperatris ng bansang ito"

Nanlaki ang mga mata nila at kaagad na pinapasok ang karwahe ng walang pagaalinlangan. Pagkarating nila sa palasyo ay kaagad na binuhat ni Xiaoran ang prinsesa na hinang-hina na dahil sa pagod at dahil sa kanyang sugat sa tagiliran na walang tigil ang pagdurugo.

"Doon tayo dumiretso sa aking palasyo" kaagad nilang sinunod si Yunxi habang papunta ito sa kanyang palasyo

Fun Fact:
*Ang mga lugar kung saan nakatira ang kanya-kanyang mga konsorte ng emperador ay tinatawag rin na palasyo, at naka-base ang lawak at ganda nito sa iyong ranggo, ngunit magkaiba ito sa aktwal na palasyo kung nasaan sila.
*Ang apeliedo ng mga Tsino ang mas nauuna kaysa sa kanilang mga pangalan.
Hal.
Huang(apeliedo) Yunxi(pangalan)

"Ipahiga mo na muna ang prinsesa sa aking higaan" kaagad nilang ipinahiga ang prinsesa ayon sa utos ni Yunxi

Humarap si Yunxi sa kanyang tagapagsilbi at binilin ito "Meilin, tawagin mo ang imperyal na doktor ngayon din! sabihin mong ang prinsesa ng Qi ang kanilang magiging pasensyte at kailangan na niya ng pangunahing lunas"

"Masusunod, binibini" kaagad na tumakbo ang tagapagsilbi nito palabas mula sa kanyang palasyo upang tawagin ang mga doktoe ayon sa utos ng kanyang konsorte

Lumapit si Yunxi sa prinsesa upang suriin ang lagay nito at nakikita niyang mukhang nasa kritikal na itong kalagayan "Kailangan ko nang tawagin ang emperador"

Agad na tumakbo ang konsorte at tinungo ang silid ng emperador noong pagkaratong niya roon ay nakita niyang kumakain ito kasama ang dalawa pa niyang nga konsorte kaya naman nabaling sa kanya ang lahat ng kanilang mga atensiyon.

"Konsorte Huang, nakalimutan mo na ba kung papaano umarte bilang isang kagalang-galang na konsorte?" saway ni Chun Luoyun, ang unang ranggong konsorte ng emperador at ang anak ni Chun Ming-na

"Ano ang problema Yunxi? may nangyari ba?" takang tanong ng emperador

Kaagad na lumuhod si Yunxi sa harapan nito "Patawarin po ninyo ako sa kabastusang aking nagawa ngayon lamang, ngunit mas importante po ang aking sasabihin--"

"Hindi ba maaaring ipagpaliban mo muna ito Konsorte Huang? hindi mo ba nakikitang nagaalmusal ang emperador?" sabat naman ng isang konsorte ng emperador, si Han Yanwan, ang ikaapat na ranggong konsorte

"Nasa aking palasyo ang prinsesa ng Kaharian ng Qi na magiging emperatris ng bansang ito at delikado ang kalagayan niya ngayon" nagulat sila sa sinabi niyang iyon ngayon lamang kaya naman biglang napatayo ang emperador

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Where stories live. Discover now