章节-8

158 4 0
                                    

"Kamahalan, hindi po ba kayo dadalo sa kaarawan ni Konsorte Han?"tanong ng yunuk ni Zaijun habang pinapanood itong magtrabaho

Abala si Zaijun sa pagsusuri ng mga nagamit na pondo ngayong taon sa kanyang kaharian, lalo na ngayon at kadarating lamang ng emperatris rito at kailangan nilang maglaan ng pondo para sa kanyang palasyo. Sa nakalipas na mga buwan ay maayos naman ang kanyang pamamalakad at walang naging problema tungkol sa pondo ng palasyo, sa katotohanan ay sobra sobra pa nga kaya naman ginamit ito ni Zaijun upang magtayo ng mga maaaring pagtrabahuhan ng kanyang mga mamamayang walang trabaho.

"Kamahalan?"

"Ah- ano nga ang iyong sinasabi?" tanong nito ulit dahil hindi niya ito masagot kanina dahil nakatuon ang kanyang atensiyon sa kanyang ginagawa

"Hindi po ba kayo dadalo sa kaarawan ni Konsorte Han, kamahalan?"

"Anong oras na ba?" tanong nito sa kanyang yunuk

"Alas-7 na po ng gabi, kamahalan"

Napabuntong-hininga ang emperador at napaunat sa kanyang mga kamay dahil sa pagod dahil kaninang umaga pa siya nagtratrabaho. Siya ang ama ng bansang ito, at kailangan niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya upang panatilihin ang kaayusan ng kanyang dinastiya. Nangako siyang hindi niya bibiguin ang kanyang ama maging ang kanyang ina.

Tumayo ang emperador at lumabas na mula sa kanyanh opisina upang dumalo sa kaarawan ng kanyang konsorte nung bigla niyang naalala ang emperatris at lumingon sa kanyang yunuk "Nagpunta na ba ang emperatris sa kaarawan ni Konsorte Han?"

"Sa tingin ko po kamahalan ay hindi pa" at tumingin ito sa likuran ng emperador

Lumingon naman si Zaijun at nakita nga niya si Lian na nakaayos na kasama ang kanyang personal na gwardiya at ang mga tagapagsilbi nito. Habang papalapit sa kanya ay nagbigay galang naman ang emperatris at mga tagapagsilbi maging si Xiaoran at ganoon rin ang mga tagapagsilbi at yunuk kay Lian.

"Malugod na pagbati saiyo, kamahalan"

Tumango si Zaijun at pinagmasdan siya "Nakakabighani ang iyong ganda ngayong gabi"

Natigilan si Lian sa sinabing ito ni Zaijun at mukhang hindi niya alam ang kanyang isasagot dahil hindi siya sanay sa mga ganitong sitwasyon. At mukhang naintindihan naman ito ni Zaijun kaya napangisi siya.

"Sa aking wari ay mukhang hindi pa sanay ang prinsesa na may pumupuri sa kanyang ganda"

"A-ano?" hindi mawari ni Lian kung bakit nautal na naman ito sa harapan niya kaya naman napapikit siya at pinilit na inayos ang sarili dahil tila ba hindi ito mapakali sa presensya ng emperador

"Napakaganda mo ngayong gabi, Prinsesa Lianfei" seryosong sambit ni Zaijun habang diretsang nakatingin sa kanyang gabi

Palihim na kinilig ang mga tagapagsilbi ng emperatris maging ang mga tagapagsilbi ng emperador na nakasunod sa kanya dahil ngayon lamang nila nakitang nagusap ng ganito ang dalawa.

Biglang namula si Lian at bigla na lamang tumibok ng malakas ang kanyang puso kaya naman hinawakan niya ang kanyang kamay upang hindi siya mahalata "Maraming salamat, kamahalan" ngumiti ito upang magmukhang natural kahit na sa totoo lang ay nahihiya siya at naiinis sa kanyang sarili kung bakiy ganito siya umakto ngayon

Nauna nang naglakad ang emperador habang nakasunod naman si Lian. At habang nasa kakagitnaan ng paglalakad papunta sa palasyo ni Konsorte Han ay napatigil sa paglalakad si Zaijun kaya napatingin ang lahat sa kanya maging si Lian.

"Sumabay ka sa paglalakad"

"H-ha?"

Napatawa ang emperador dahil ramdam niya ang pagka-ilang ni Lian sa kanilang dalawa "Tumabi ka sakin sa paglalakad"

Sumunod naman si Lian at tumuloy na sila sa paglalakad. Tahimik lamang ang dalawa sa paglalakad at si Zaijun ay mukhang komportable lamang sa paglalakad habang si Lian ay para bang pigil hininga kung maglakad at pilit na inaayos ang kanyang sarili sa hindi malamang dahilan.

Noong makarating na sila sa palasyo ni Konsorte Han ay naroon na pala silang lahat maging ang mga panauhin ni Konsorte Han at napatingin sila kay Zaijun noong alalayan niya si Lian sa paglalakad. Lahat ng mga panauhing nakakita sa kanila ay iniisip na bagay nga ang dalawa at mukhang sila nga talaga ang nakatadhana sa isa't isa.

Nagbigay galang naman ang lahat sa dalawa noong pagkarating nila "Malugod na pagbati, Kamahalan at Prinsesa Chen"

"Simulan na ang handaan" nakangiting sambit ni Zaijun noong masayang binati ng lahat si Konsorte Han

Lumapit naman ang mga ibang ginoo at opisyal sa emperador at nakipagkilala rito dahil isang karangalan ang makita at makilala ang emperador. Habang ang mga binibini naman ay biglang nagsi-lapitan sa prinsesa kaya naman ay medyo nabigla si Lian dahil hindi siya sanay makihalubilo sa mga ibang tao.

"Sadyang napakaganda nga ninyo, kamahalan" nagbigay galang ang tatlong binibini sa kanyang gilid at ninanis na makipagkaibigan sa kanya

"Kamahalan, ako nga pala si Xi Liyou, nabibilang ako sa angkan ng mga Xi, isang malaking karangalan saakin ang pagsilbihan ka sa hinaharap" nagpakilala naman ang isang binibini

Napatingin si Zaijun kay Lian na nakangiti habang nakikipagkwentuhan sa kumpol ng mga kababaihan, masaya siyang makitang makagawa ng mga kaibigan ito sa kanyang kaharian dahil ayas niyang nagiisa lamang ito at nais niyang masanay rin ito sa pagdating ng panahon.

Nakaramdam naman ng inis si Konsorte Han habang nakatingin kay Lian na nakakuha ng pinamamaraming atensiyon kaysa sa kanya na may kaarawan.

"Hindi ba maganda kung kumain muna tayo bago tayo magkwentuhan?" sambit ni Yanwan

"Mukhang mas maganda nga ito" sagot ni Zaijun

Umupo na ang lahat at nagsalo-salo, may mga kanya-kanya silang kwentuhan at mukhang nasisisyahan si Lian dahil kinakausap siya ng mga binibining kanyang nakilala kanina lamang, pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng mga kaibigan na hindi pa siya naranasan kahit kailan.

Ngunit nagulat ang lahat noong biglang tarantang tinawag ng isang binibini ang prinsesa "Kamahalan, kamahalan ayos ka lang ba?"

Biglang napatayo si Zaijun maging sila Yanwan ay Luoyun dahil sa pagaalala "Ano ang nangyayari?" tanong nito

Kaagad na sinuri ni Xiaoran ang pagkain ni Lian noong nagulat siya kaya bigla niyang inilabas ang espada nito at napaatras ang lahat ng mga bisitang malapit sa kanya dahil sa takot at itinutok kay Yanwan ang espada.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa konsorte ko?" galit na tanong niya kay Xiaoran

"Anong ginagawa mo?! " takot na umatras si Yanwan mula sa kanya at maging si Luoyun na malapit sa kanya

"Hindi makahinga ang prinsesa!" taranta at umiiyak na sambit ng isang binibini habang  sinusuri si Lian na nakahawak sa kanyang leeg at pilit na hinabol ang hininga

Patakbong nilapitan ni Zaijun si Lian "Lian, Lian.. anong problema?" hinawakan nito ang kanyang kamay at inilagay ang kanyang palad sa pisngi nito

Iniwas ni Konsorte Huang ang kanyang tingin sa kanilang dalawa dahil sa hindi niya maintindihan kung bakit siya nakakaramdam ng panibugho mula sa prinsesa ngunit kaagad niya itong iwinaksi sa kanyang isipan at inalala ang kalagayan ni Lian.

"M-mayroon akong alerhiya s-sa pagkaing d-dagat"

Nagulat si Zaijun at kaagad na sinuri ang pagkain ng prinsesa at mayroon ngang pagkaing dagat na naihalo sa kanyang pagkain ngunit hindi ito halata dahil nakahalo ito mula sa ibang putahe.

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن