章节-41

91 4 0
                                    

Mula ngayon ay si Konsorte Wei na muna ang pansamantalang namumuno sa imperyal na harem sapagkat nagkataon ring umuwi sa kanilang tahanan si Konsorte Chun na unang ranggo sapagkat nabalitaan rin niyang hindi maayos ang kalagayan ng kanyang ina. Katatapos lamang niyang tulungan ang emperador na ayusin ang kanyang damit na kanyang susuotin sa pagpupulong ngayon sa imperyal na korte. Naglalakad na siya ngayon sa pasilyo patungo sa palasyo ni Konsorte Han na apat na buwan na palang nagdadalang-tao. 

Sinalubong siya ng mga tagapagsilbi ni Yanwan sa tarangkahan at sumunod namang lumabas si Yanwan na inalalayan ng personal nitong tagapagsilbi.

"Malugod na pagbati saiyo, Konsorte Wei"

"Kumusta ka na, Konsorte Han?" nakangiting tanong ni Mingwei na naglalakad papalapit sa kanya at tinignan ang tiyan nitong posibleng magsilang sa tagapagmana ng emperador

"Ayos lamang ako" tipid na sagot nito dahil nararamdaman niyang hindi maganda ang pakay niya kung bakita siya naparito

Nauna nang maglakad papasok ito kasunod ng kanyang personal na tagapagsilbi na iniwan si Yanwan sa labas. Napatingin si Yanwan sa loob at napapikit na lamang dahil alam niyang hindi sila magkalapit ng loob nito at may away sa pagitan nila. Ngunit ngumiti siya ng tipid at hinaplos ang kanyang tiyan na lumalaki na.

"Proprotektahan kita aking anak, kahit na ano pa ang mangyari"

Sumunod na rin siya sa pagpasok at sinabihan ang kanyang personal na tagapagsilbing ipaghanda sila ng tsaa ngunit pinigilan naman ito ni Mingwei kaya tumingin sila sa kanya na nagtataka.

Sinenyasan niya naman ang personal niyang tagapagsilbi upang ilagay sa mesa ang isang mamahaling bote ng tsaa. Inilapag rin ng tagapagsilbi ang dalawang mamahalin ring klase ng baso sa harapan ni Konsorte Han.

"Naghanda ako ng espesyal na tsaa para saatin. Ito ay galing pa mula sa norte na aking pang ipinagawa mismo bilang regalo ko saiyo sa pagdadala sa unang magiging anak ng emperador"

Napatitig sa bote si Yanwan habang may masamang kutob sa dibdib nito. Agad niyang tinignan ang kanyang tiyan at hinawakan ang hindi pa niya isinisilang na sanggol. Napansin ito ni Mingwei na dahilan nang pagbabago ng ekspresyon nito.

"Pinagdududahan mo ba ang aking regalo Konsorte Han?" tumaas ang kilay nito

Agad na umiling si Yanwan at yumukod upang humingi ng tawad "Hindi ko ito kayang gawin, Konsorte Wei"

"Ang alin?" seryosong tanong ni Mingwei  na naka-kunot ang mga noo

Napapikit si Konsorte Han at buong tapang na tinignan sa mga mata ang konsorte mas nakakataas sa kanya na kaharap niya ngayon at nakaupo sa loob ng kanyang palasyo.

"Pasensya na ngunit hindi maayos ang pakiramdam ko ngayon upang uminom ng kahit na anong tsaa o inumin" pagsisinungaling nito

Seryosong tumayo si Mingwei at inutusan ang kanyang tagapagsilbi "Lagyan mo ng tsaa ang aking baso ngayon din!" galit niyang utos at inis na hinintay ito bago malagyan

Kaagad naman niyang ininom ang kanyang baso na nagbigay ng gulat na reaksyon kay Konsorte Han. Pagkatapos niya itong ininom ay inis niyang ibinato ang baso sa sahig na dahilan ng pagkabasag nito. Napatili ng kaunti si Yanwan dahil sa gulat at mabilis itong nilapitan ng kanyang mga tagapagsilbi dahil sa pag-aalala.

Gulat niyang tinignan si Mingwei na seryoso ang tingin sa kanya at ang mas nagpatakot sa kanya ang noong idapo nito ang tingin sa kanyang tiyan.

Ngumisi si Konsorte Wei at kinuha mula sa mesa ang bote ng tsaa "Alam mo bang hindi ito tsaa kundi isang bote ng alak?" tumawa siya habang hawak-hawak ang bote "Matalino ka rin pala Konsorte Han. Ngunit pinagdudahan mo parin ako at gumawa ka ng hindi karapat-dapat na akto bilang isang mababang ranggong konsorte. Kaya naman mula ngayon ay ang tagaluto ng aking palasyo na ang magiging iyong tagaluto sa iyong palasyo"

Nanlaki ang mga mata ni Yanwan na naging dahilan ng kanyang pagtayo. "Konsorte Wei. Ano ang binabalak mo?" kalmado ngunit matigas niyang tanong

"Wala naman, nagmamagandang loob lamang ako upang hindi na mahirapan ang iyong personal na tagaluto sa iyong kusina" ngumisi ito bago naglakad paalis

Inapakan nito ang ibinato niyang baso na naging dahilan ng pagkabitak ulit nito bago dire-diretsong naglakad palabas. Nanghina ang mga tuhod ni Konsorte Han kaya inalalayan siya ng tagapagsilbi na makaupo.

Paulit-ulit siyang umiling. "Hindi ito maaari...alam kong may binabalak siya sa aking anak.." natatakot niyang sambit kasabay ng kanyang pagluha dahil sa pangamba

"Kailan babalik ang emperatris?" tanong ulit niya ngunit nagkatinginan lamang ang mga tagapagsilbi dahil sa hindi nila malaman ang kanilang isasagot

"Hindi po namin alam Konsorte Han, wala rin daw pong sinabing araw kung kailan siguradong babalik ang emperatris sa palasyo"

Nangangamba si Yanwan hindi lamang sa kanyang kapakanan ngunit maging sa kanyang anak. Natupad na niya ang kanyang pangarap na maging ina ng unang anak ng emperador at hindi niya kakayanin kung mawala ito mula sa kanya dahil sa loob ng dalawang taon ay kay tagal niya itong pinaghirapan at ngayon na ang tamang oras upang ito ay magbunga.

Abala si Lian sa pagtulong sa kanyang kapatid sa mga gawaing pambansa at pampolitiko kahit pa sinabihan na siya nito na huwag nang makialam dahil isa siyang babae at hindi dapat sila nakikisawsaw sa mga gawain ng emperador.

"Lianfei, napag-isipan mo na ba ang ating plano?"

Napatigil si Lian sa pagayos ng mga libro dahil sa tanong ng kanyang kapatid. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso ngunit pinilit niyang umakto ng normal. Alam na alam niyang masyadong maowtoridad ito kumpara sa kanya.

Tumikhim siya ng mahina bago sumagot "Aking napagtanto na huwag na nating ituloy ang plano" itinuloy niya ang pagaayos sa mga libro na makatapos lamang niya basahin at suriin

Hindi niya matignan sa mga mata ang kapatid dahil natatakot siya rito bilang nakakatanda ito mula sa kanya at alam niyang kwekwestyonin siya nito sa kanyang sinabi.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Inayos na niya ang kanyang sarili ag humugot nang lakas ng loob upang tignan ang emperador.

"Kuya..ako ang emperatris ng Xiang at ang asawa ng emperador ng Xiang. Nais mo ba talagang mawala ang aking pwesto at ang buhay ng aking asawa?" kunot noo niyang tanong

Nagseryoso ang emperador at ipinakita ang isang papel na naglalaman ng kanyang kautusan at may lagda na ito ng emperador. Gulat si Lian sa nakita at napatakbo papunta sa kanya upang kunin ang papel at basahin ito mismo ng personal. Galit niyang tinignan ang kapatid pagkatapos basahin ang nilalaman ng sagradong papel.

"Nais mong atakihin ang Kaharian ng Xiang gamit ang apat na daang libong batalyon?!"

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon