章节-42

93 4 1
                                    

"Kamahalan! parang awa mo na, hindi mo na ba ako kinokonsidera bilang iyong kapatid?" umiiyak na tanong ni Lian habang nagsusumamo sa kapatid na huwag ituloy ang binabalak na plano

"Para rin sa ito 'to Lianfei! at sa tingin mo ba ay hindi rin nagbabalak ang emperador ng Xiang na atakihin ang aking kaharian?!"

Napatigil si Lianfei at umiling ng paulit-ulit "Hindi ganun si Zaijun at pinagkakatiwalaan ko siya!"

"Ang tanong ay pinagkakatiwalaan ka ba niya?"

Hindi nakasagot ang emperatris at naglakad papalapit sa kanya ang kapatid at kinuha mula sa kamay nito ang papel na naglalaman ng kanyang kautusan.

"Bibigyan kita ng payo bilang iyong kapatid." naglakad ito patalikod mula kay Lian "Huwag ka nang bumalik pa sa Xiang kung nais mo pang mabuhay"

Iniwan na niya ang kapatid na nagiisa at hindi malaman ang gagawin. Walang nakalagay na araw kung kailan isasagawa ang plano kaya naman hindi tiyak ni Lian kung kailan ito ipaguutos ng kanyang kapatid.

Mabilis na tumakbo ang emperatris patungo sa palasyo ng kanyang ama na kasalukuyang nagpapahinga ngayon kasama ang kanyang ina na gulat na napatingin kay Lian na tumatakbo ngayon patungo sa silid ng ama nito.

"Lianfei, ano ba ang nangyayari at bakita ka tumatakbo anak?" nagaalalang tanong ng kanyang ina pagkalapit niya sa kama ng ama na kasalukuyang naghahanda sa pagtulog

"Lianfei..may problema ba?" mahinang tanong ng kanyang ama

Napaiyak si Lian at umupo sa tabi ng ama habang nakahawak sa kamay nito. "Ama..humingi po ako ng pabor sa inyo upang pigilan ang binabalak ni kuya na pag-atake sa Kaharian ng Xiang!"

Ngunit hindi sumagot ang kanyang ama at pumikit na lamang upang matulog at ang kanyang ina naman ay lumuluha sa tabi habang nakatakip ang isang kamay nito sa kanyang bibig.

Dismayadong napailing si Lian at dahan-dahang binitawan ang kamay ng ama bago tinignan ang kanyang ina.

"Alam mo rin ba ang planong ito, ina?" kunot-noong tanong niya

"Anak, kailangan mong makipagtulungan sa iyong kapatid dahil para rin ito sa ikabubuti ng ating Kaharian. Ipinagpapatuloy lamang niya ang naudlot na plano ng iyong ama noong nakaupo pa ito sa trono"

"Ikabubuti?! ina, hindi ito ang nakabubuti para saakin at sa Xiang. Isang taon. Sa loob ng isang taon ay naging tahanan ko ito!"

Dahan-dahang umatras si Lian dahil sa pagkadismaya at dahil sa nasasaktan siyang pinagtaksilan siya mismo ng kanyang mga mahal sa buhay. Umiiyak naman siyang nilapitan ng ina ngunit tumalikod na ito at tumakbo paalis.

Pagkarating niya sa kanyang palasyo ay wala na siyang sinayang pang oras upang iayos ang mga gamit niya. Inutusan rin niya ang tagapagsilbi na kumuha ng papel at tinta upang sulatan ng liham ang emperador at ipaalam sa kanya ang plano ng kanyang kapatid.

Pero pagkatapos niya itong isulat ay napaiyak na lamang siya dahil buong pamilya naman niya ang mapapahamak sa oras na ipadala niya ang liham na ito kay Zaijun. Kinakalangan niyang mamili sa pagitan ng kanyang pamilya o ng lalakeng kanyang minamahal.

Sa huli ay napagdesisyonan na lamang niyang personal itong ibigay kay Zaijun pagkauwi niya sa Xiang..ngunit yun ay kung may mauuwian pa ba siya.. Limang araw ulit ang itatagal ng kanyang biyahe pabalik kaya naman kinakailangan na niyang gumalaw upang walang masayang na oras. Mabuti na lamang at pinauwi na niya ang mga gwardiya at tagapagsilbi sa Xiang na sumama sa kanya dahil panatag naman siyang umuwi kasama si Xiaoran at ilang mga kasamahan nito na magaling sa pakikipaglaban.

Hindi niya namalayang pumasok na pala sa loob ng kanyang palasyo si Xiaoran kaya gulat siyang napalingon. "Kamahalan, patawad kung ako ay pumasok ng walang permisyo dahil nakatanggap ako ng mahalagang balita. Nahuli na ang lider ng mga barbaro na umatake saatin noong unang paglalakbay natin papunta sa palasyo ng Xiang."

Pagkasambit palang ni Xiaoran sa salitang 'Xiang' at kumabog na kaagad ang puso ni Lian. Mabilis siyang lumapit rito at hinarap siya.

"Nais kong samahan mo ako pabalik sa Xiang. Dadaan tayo sa ibang ruta upang mas mapabilis ang ating pagdating."

"Ngunit kamahalan, mahigpit na ipinagutos ng emperador na kinakailangan ko munang sanayin at i-ensayo ang mga bagong dating na gwardiya sa loob ng palasyo upang mas madagdagan ang seguridad ng palasyo ng Qi"

Hinawakan niya ang braso nito at kinakabahang sinabi ang plano ng kanyang kapatid "Balak ng emperador na atakihin ang Kaharian ng Xiang at gagawin ko ang lahat upang mapigilan ito sa abot ng aking makakaya kaya naman humihingi ako ng tulong mula sayo Xiaoran--"

"Kamahalan." seryoso niya itong sinalungat sa kalagitnaan ng kanyang pagsasalita

Napatawa ng mahina si Lian at napailing rin dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang mga nakikita ngayon. "Alam mo rin pala"

"Lianfei.."

"Huwag kang lalapit." matigas na sambit nito at itinuro ang pintuan "Umalis ka na rito Xiaoran. Dahil hindi ko kailangan ng isang taksil sa loob ng aking palasyo" umiwas ito ng tingin at pinipigilan ang sariling mapaluha sa harapan nito upang ipakitang kayang-kaya niya ito kahit pa mag-isa lamang siya

Naglakad na siya papunta sa kanyang silid at mabilis na inayos ang mga gamit niya na kanyang dadalhin ngunit inis niyang hinarap si Xiaoran noong pigilan niya ito sa pagiimpake at marahas na hawakan ang braso nito.

Galit na binawi ni Lian ang mga kamay ngunit nagulat siya noong agawin ulit ni Xiaoran ang kanyang mga braso at mahigpit itong hinawakan ulit.

"Ano bang problema mo?!"

"Hindi ko hahayaang ipahamak mo ang sarili mo Lian!" napaawang ng bahagya ang kanyang labi noong sermonan siya nito na hindi niya inaasahang gagawin niya

Napatawa siya ng mahina na para bang hindi siya makapaniwala sa inaakto nito ngayon. "Ano bang pakealam mo? nakakalimutan mo na ba kung sino ang iyong kaharap ngayon?!"

"Kung babalik ka pa doon ay para mo na ring ibinaon ang isa mong paa sa hukay, naiintindihan mo ba ako?"

"Hindi ako magdadalawang isip na isama ang buong katawan ko maligtas lamang ang Kaharian ng Xiang mula sa mga taksil na kagaya ninyo." madiin niyang sambit habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Xiaoran na hindi naman nagpatinag sa emperatris

Pilit niyang inagaw ang mga kamay mula sa kanya at maglalakad na sana palabas ng kanyang silid pero napatigil siya at para bang napako siya mula sa kanyang kinatatayuan ngayon dahil hindi siya makagalaw dahil sa mahigpit na pagkakayakap ni Xiaoran sa kanya mula sa kanyang likuran.

"Hindi kita hahayaang ipahamak mo ang iyong sarili para lamang sa kapakanan ng iba"

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Where stories live. Discover now