章节-34

103 4 9
                                    

Maagang nagising si Konsorte Wei at sinamahan siya ng kanyang mga bagong tagapagsilbi upang maglakad-lakad sa imperyal na hardin ngunit hindi niya inaasahang makasalubong ang dalawa pang konsorte ng emperador.

Ngunit biglang naglakad patungo sa ibang direksyon si Konsorte Chun na sinusundan naman ni Konsorte Han ngunit napangiti si Mingwei at hinabol ang dalawang konsorte.

"Malugod na pagbati saiyo, Konsorte Chun. Ikinagagalak kong makasalubong ka ngayong umaga" masayang bati nito

Inirapan siya ni Luoyun at tumingin sa ibang direksyon habang naka-alalay naman ang personal nitong tagapagsilbi sa isa nitong kamay "Hindi maganda ang umaga ko dahil nakakita ako ng isang taong hindi ko nais makasalubong" pasaring nito kay Mingwei at batid naman niya ito

Napatawa ito ng tahimik at itinakip ang panyo sa bunganga nito "Ikaw naman Konsorte Chun, mapagbiro ka rin pala" at tumuloy ito sa pagtawa

Seryoso siyang tinignan ni Konsorte Chun at tinaasan ng kilay dahil umaasta ito na para bang magkalapit silang dalawa "Nakakalimutan mo na ba kung papaano gumalang? ikalawang ranggo ka nga ngunit ako parin ang unang ranggong konsorte"

Nawala naman ang mga ngiti sa labi nito at napalitan ito ng pekeng reaksyon. Ngumiti ito ng tipid sa harapan nila kahit na napahiya ito dahil sa sinabi ni Luoyun.

"At isa pa.." naglakad paharap si Yanwan at tinignan siya mula ulo hanggang paa "Kung ikukumpara ang antas ng iyong pamilya kay Konsorte Chun ay wala ka sa pwesto upang kausapin siya ng harap-harapan" nangutngutya nitong sambit sa kanya na para bang ang liit liit ng tingin nito sa kanya "Papaano ka nga ba naka-taas ng ranggo? dahil ba sa tulong prinsesa ng Liang? o dahil sa pang-aakit mo sa emperador?"

"Konsorte Han, nagiging labis na ang iyong mga salita" pinilit ni Mingwei na panatilihin ang kanyang tamang asal sa harapan ng dalawa dahil hindi siya maaaring gumawa ng maling hakbang lalo na at kaka-angat pa lamang niya sa pwesto

"Bakit nasasaktan ka na ba sa katotohanang aking mga isinambit? totoo naman hindi ba? na isa kang babaeng --" pero bago pa niya tapusin ang kanyang sasabihin ay nagulat siya dahil sa inambang malakas na sampal ni Mingwei sa kanya

"Konsorte Wei ano sa tingin mo ang ginawa mo?!" nakakunot ang noong ani Luoyun

Napahawak siya sa kanyang pisngi dahil sa lakas ng sampal niya at mukhang namula ito. Iritado niyang hinarap si Mingwei at aktong babawian niya rin ito ng sampal pero nagsalita si Mingwei.

"Subukan mo, tignan natin kung saan ka hahantong" ngumiti ito na para bang sinasabi nitong wala na itong pwede bang magawa sa kanya dahil ikalawang ranggo na ito at tiyak na malalagay siya sa hindi maisip na sitwasyon kapag kanyang idinapo ang palad sa kanya

"Hmp!" padabog niyang ibinaba ang braso niya at naglakad paharap sa konsorte na para bang hindi ito natatakot kunh sino man siya "Tandaan mong hindi purket naka taas ka sa ranggo ay aasahan mong gagalangin kita. Dahil hinding hindi ito mangyayari kahit kailan"

Padabog itong naglakad paalis at tinapunan naman siya ng tingin ni Luoyun bago ito umalis kasama ang kanyang tagapagsilbi.

Napasinghap ng hangin si Mingwei at napatawa bago ito inis na sumulyap sa pinuntahang direksyon ng dalawang konsorte. Tila ba hindi ito makapaniwalang nilalapastangan nila ang kanyang pagkatao dahil lamang dati itong tagapagsilbi. Ngunit napangiti naman ito sa realisasyon na nagsisimula pa lamang siya, at malay rin nila kung isang araw ay..siya ang unang makapagbigay ng tagapagmana sa emperador at ito ang magiging susi niya sa pagtaas ng ranggo.

Ilang oras namang naghintay sa labas ng palasyo ng emperador si Lian dahil ipinatawag siya nito ngunit tatlompung' minuto na ang nakalipas at hindi parin siya nito pinapapasok sa kanyang palasyo. Nanatili itong nakatayo sa labas at pasensyadong hinintay ang pagpapapasok niya sa kanya dahil batid niyang mukhang seryoso ang sasabihin nito.

Maya-maya pa ay lumapit na sa kanya si Jiangchun at sinabihan nitong pinapapasok na siya ng emperador ng mag-isa. Pumanhik na ito papasok at dumiretso sa isang opisina nito, naabutan naman niya itong nagsusulat ng seryoso at walang imik.

"Kamahalan, ano ang dahilan kung bakit mo ako ipinatawag rito?"

Pero hindi ito sumagot at tinignan lamang siya ng diretso na para bang sinusuri nito ang buong pagkatao ni Lian. Wala siyang emosyon ngunit napaka-payapa ng awra nito. Tumagilid ng kaunti ang ulo ni Lian dahil sa pagtataka kung bakit ganun siya titigan ni Zaijun.

"May problema ba? b-bakit ganyan mo ako tignan, Kamahalan?" inosenteng tanong nito ulit

"Lumapit ka rito."

Nagdadalawang-isip man ngunit sinunod na lamang ito ng emperatris at mahinhing naglakad papalapit rito noong tumigil ito sa harapan ng kanyang mesa at hindi parin naputol ang tingin nito sa kanya.

"Mas malapit pa"

Naglakad ulit si Lian papuntang harapan nito at napayukod na lamang ng ulo dahil sa pagka-ilang sa paraan ng pagka titig nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito noong hatakin siya ni Zaijun sa braso at pwersahang paupuin sa kandungan niya habang nakayakap sa kanyang baywang.

Hindi ito makagalaw at gulat na sinilip ang emperador sa likuran niya at napalunok noong hindi niya inaasahang ilapit ng emperador ang kanyang ulo sa leeg nito.

Tila ba may sensasyon sa kanyang loob na nagpapainit ng kanyang katawan at mas lumalakas pa ang kalabog ng kanyang dibdib. Ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga ni Zaijun habang nakapatong ang ulo nito sa kanyang leeg.

"Kamahalan..m-may gagawin pa ako--"

"Ano ang relasyon ninyo ng gwardiyang iyon?" seryoso nitong tanong

Hindi nakasagot ng ilang segundo si Lian at namamawis na rin ang mga kamay nito "Wala kaming relasyon."

"Sigurado ka?"

Napasinghap siya ng mahina noong naramdaman niya ang halik ng emperador sa leeg nito. Hindi niya inaasahang ganito ito kaagresibo at hindi niya maintindihan kung ano ang gagawin. Nais niyang umalis ngunit ayaw rin naman ng katawan niya.

"Sigurado ako." pinilit niyang pakalmahin at panatilihin ang tamang asal niya kahit pa hindi niya malaman ang gagawin

"Mabuti kung ganun. Dahil hindi ako makakapayag na may umagaw sayo..aking emperatris."

Batid niyang nagbaba-bala ang tono niya at nakatitiyak rin niyang nasa panganib si Xiaoran sa oras na malaman ng emperador ang nangyari kagabi.

#TheRoseInThePalace
#precxxious


The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon