章节-50

116 5 5
                                    

Nanlalambot ang mga tuhod na naglakad papunta sa harapan ng gwardiyang nag-ulat si Lian. Nanatili paring nakatayo roon ang emperador na diretso ang tingin sa kawalan.

"Anong sabi mo?" tanong niya sa gwardiya na napatungo

"Kamahalan, tapos na po ang pagkitil sa buhay ni Gao Xiaoran--"

Hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil bigla siyang sinampal ng emperatris. Nagulat ang mga tagapagsilbing nakakita ng kanyang ginawa.

"Ulitin mo ang sinabi mo" kumunot ang noo ni Lian na para bang nagbabanta sa gwardiya na ayusin nito ang kanyang isasagot sa kanyang tanong

"K-kamahalan. Tapos na po ang pagkitil sa buhay ni --"

At bago pa nga niya ito matapos ay isang sampal na naman ang iniamba sa kanya ni Lian. Umiling ito ng paulit-ulit. Ayaw niyang tanggapin ang kanyang narinig at nalaman, nais niya itong paniwalaan ngunit ayaw niya rin itong tanggapin sakali mang nagsasabi siya ng totoo.

"Lian." hinawakan siya sa braso ng emperador upang patahanin siya ngunit galit niyang inagaw kaagad ang kanyang braso

"Bitawan mo ako!" umatras ito mula sa emperador at kakaibang tingin ang ibinigay nito sa kanya, tingin ng pagkadismaya "Ikaw. Ikaw ang nagutos nito hindi ba?" masama ang loob nitong tanong at umaasang mali ang kanyang iniiisip tungkol kay Zaijun

"Ako ang emperador ng Xiang. Kaya may kakayahan at karapatan akong kumitil ng buhay ng kahit na sino mang humarang at humadlang saakin." madiing sagot ni Zaijun. seryoso ang awra nito at tila ba hindi ito natinag sa galit ng emperatris sa kanya bago ito iwas ng tingin

"Wala kang puso" dismayadong sambit ni Lian bago tumakbo palabas

Nagsisimula nang pumatak ang ulan dahil makulimlim ang panahon ngayon na tila ba ay umaayon sa kanilang sitwasyon. Hindi niya labis maisip kung bakit nagkakaganito si Zaijun, nabago na siya. At ayaw niyang isipin kung siya pa ba ang lalakeng kanyang minahal at pinakasalan o baka naman ay pati rin ang katotohanang ito ay nagbago na rin.

Tumatakbo ito sa loob ng palasyo patungo sa imperyal na kulungan. Walang pakealam kahit pa mabasa siya ng ulan at may makakita sa kanya. Tumakbo lamang siya ng tumakbo kahit pa nasasayad sa sahig ang kanyang mahabang bistida. Naramdaman niyang tumulo ang kanyang mga luha pagkarating niya sa harapan ng tarangkahan ng kulungan. Ano kaya ang madadatngan niya sa loob? tunay nga bang wala na ang lalakeng ito? tunay nga bang patay na siya? o di kaya naman ay baka maaaring buhay pa siya. Mga tanong niya sa isipan bago tumakbo papasok sa loob.

Ilang kulungan pa ang kanyang nadaanan bago siya nakarating sa panghuling pasilyo sa kinaroroonan ng kulungan ni Xiaoran. Napahawak siya sa pader dahil nanginginig ang kanyang katawan maging ang kanyang mga kamay, napatingin siya rito at pinilit na pakalmahin ang sarili. Itinuloy ni Lian ang paglalakad patungo sa kulungan ni Xiaoran noong nagulat siya sa nadtngan.

Bigla itong napasigaw at napaupo sa luha hubang umiiyak at nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig na nanginginig. Tila ba hindi siya makapaniwalang ganito ang naging hangganan ni Xiaoran. Dahan-dahan niyang itinayo ang kanyang mga tuhod na nanghihin at hindi na makatayo dahil sa takot, gulat at labis na pagdadalamhati. Halos lumuhod na siya patungo sa wala ng buhay na katawan nitong nakasandal sa mga rehas.

"Xiaoran!" umiiyak nitong tawag sa kanyang pangalan

Napasigaw ulit ito dahil sa sakit ng puso na kanyang nararamdaman at dahan-dahang hinawakan ang leeg ng patay nitong katawan ngunit hindi niya rin ito kinaya at niyakap na lamang siya. Nababahiran na ng dugo ang buong bistida ng emperatris na para bang naligo ito sa dugo. Walang kahit na sinong gwardiya ang nagbabantay roon kaya naman ang emperatris lamang ang tanging naroon.

Hindi siya makapaniwalang ganito ang sasapitin niya, kung sana ay alam lamang niyang ganito ang mangyayari ay sana..hindi na siya tumuloy sa pagpunta rito sa Xiang. Ang lalakeng nanatili sa kanyang tabi mula pagkabata hanggang sa siya ay maging emperatris, ang lalakeng handang ibuwis ang buhay sa kanya at sa kaharian ng Qi maprotektahan lamang ito at ang kanyang naging pinakamatalik na kaibigan ay wala ng buhay. At labis siyang nakokonsensiya sapagkat alam ni Lian na siya ang may kasalanan kung bakit ito nangyari lahat.

Balisa at para bang wala sa huwisyo ang emperatris na nakasandal sa balikat ng wala ng buhay na katawan ni Xiaoran sa loob ng kulungan nito. Nagulat at napatili ang kanyang mga tagapagsilbi na naatasang sumundo sa kanya noong nadatngan nila ang kalagayan ni Lian. Kaunti nalang ay pagkakamalan na rin siyang patay.

Maingat na lumapit mula sa labas ng kulungan ang kanyang mga tagapagsilbi na lumuluha na rin dahil sa sinapit ng personal na gwaridya ng kanilang emperatris. Kaya naman ay nakikidalamhati sila sa kanya.

"Kamahalan..inutusan po kami ng emperador na ibalik raw po kayo sa inyong palasyo" nakikiusap at magalang na sambit isa niyang tagapagsilbi na nakahawak sa mga rehas at diretsong nakatingin sa kanya

Ngunit hindi sumagot si Lian at nanatili parin itong tahimik sa kanyang pwesto na para bang wala itong naririnig at may sarili itong mundo. Nagkatinginan ang mga tagapagsilbi at napagpasyahang alalayan ang emperatris palabas mula rito bago pa may makakita sa kanila at magkaroon haka-haka na maaaring makasira sa imahe ng emperatris.

Dahan-dahan nilang hinawakan sa braso ang emperatris at inakalayan itong tumayo na sumama naman sa kanila. Wala itong kibo habang pinupunasan siya ng mga tagapagsilbi niya at lagyan siya ng tela na pantakip sa duguan niyang mga damit. 

Pinaliguan siya at binihisan ng kanyang mga tagapagsilbi dahil sa mga bahid ng mga dugo sa kanyang katawan. Wala parin itong kibo at tahimik na nakaupo sa kanyang higaan habang sinusuklay ng tagapagsilbi ang mahaba niyang buhok.

"Kamahalan..may nasagap po akong impormasyon sa labas ng opisina ng emperador mula sa mga tagapagsilbing nagbabantay roon bago maganap ang pagpaslang kay Heneral Gao Xiaoran"

Biglang pumasok ang isang tagapagilbi niya na lumuhod sa kanyang harapan upang ihatid ang nalaman niyang impormasyon.

"Ano bang sinasabi mo diyaan? hindi mo ba nakikitang pagod ang kamahalan?" galit na sermon naman ng tagapagsilbing nagsusuklay kay Lian

"Anong impormasyon?" napatingin sila sa emperatris dahil hindi nila inaasahan ang biglaan nitong pagsasalita

"Bago po maganap iyon ay natatandaan raw po niyang nagtungo sa opisina ng emperador sa imperyal na korte si Konsorte Wei upang damayan ang emperador sa pagluluksa sa p-pagkamatay ni Konsorte Han ngunit ilang minuto pa raw ang nakalipas ay nakarinig na lamang sila ng nabasag na plorera mula sa loob ng opisina at mukhang ginalit raw po siya ni Konsorte Wei. N-narinig rin daw po nila sa kalagitnaan ng kanilang paguusap ang pagbanggit ni Konsorte Wei sa pangalang..."X-xiaoran."

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Where stories live. Discover now