章节-52

100 5 2
                                    

Ikatlong balik na ito ng yunuk ng emperador papunta sa palasyo ni Konsorte Wei na may dala-dala ulit na mangkok ng lason. Dahil sa ikalawang pagkakataon ay nagpupumilit itong huwag itong inumin at ibinabato niya ito sa sahig na dahilan ng pagkakatapon nito.

"Hawakan ninyo siya"

"Hindee!" sigaw ni Mingwei noong lumapit sa kanya ang mga gwardiya upang hawakan siya ayon sa utos ni Lian

"Hawakan ninyo siya ng mahigpit ang ipainom ninyo ng pwersahan ang lason"

Hinawakan nila si Mingwei sa kanyang magkabilaang braso at sa kanyang baba. Nakahanda na rin ang tagapagsilbing hahawak sa mangkok na may lamang lason upang ipainom ito ng pwersahan kay Mingwei.

Umiiyak ito at ginagamig ang kanyang natitirang lakas upang pumilit na kumawala sa mga kamay na nakahawak sa kanya ngunit sadyang wala na talaga siyang laban dahil mas malakas ang mga gwardiya kumpara sa kanya lamang.

"Kamahalan!" sigaw niya sa pagtawag niya kay Zaijun na nanatiling nakatalikod mula sa kanya at nakikinig sa mga sigaw nito "K-kamahalan.." humagulgol na ito at nagpasyang ibigay na lamang ang kanyang nauubos nang lakas sa kanyang katawan

Nanatiling nakatalikod si Zaijun ngunit pinapakinggan nito ang sinasabi ng kanyang konsorte. Hindi niya lubos maisip na magagawa nitong lasunin ang babaeng nagsilang ng kanyang unang anak. Aaminin niyang hindi man niya naibigay ang pagsiyo at atensiyon na nararapat sa kanya ngunit kung nais niyang maghiganti ay hindi sa ganitong paraan.

Ginawa niya ang kanyang makakaya upang gawin itong ikalawang konsorte, binigyan niya ito ng mataas na ranggo..na mas mataas pa kaysa kay Konsorte Huang..at ng dahil rin sa kanya kaya niya nasaktan ang emperatris. Ngunit hindi niya akalaing sa ganito hahantong ang kanyang nagawang desisyon.

Tumulo ang luha sa mga mata ni Zaijun bago niya itaas ang kanyang isang kamay. Napahagulgol na lamang ang kawawang konsorte na nakaupo sa sahig at wala na itong magagawa pa kundi ang tanggapin na lamang ang nakaabang niyang kapalaran. Ang sukli sa mga nagawa niyang kasamaan. Ilang segundo ang lumipas bago niya ibinaba ang kanyang kamay na hudyat ng pagpapainom kay Konsorte Wei sa lason ng sapilitan.

Pinilit ulit niyang magpumiglas ngunit huli na dahil naipasok na sa kanyang bunganga ang likidong kikitil sa kanyang buhay. Ngunit kalahati palang ang kanyang naiinom ay tinabig niya ito at natapon sa sahig ang natitirang lason. Dahan-dahan niyang pinunasan ang kanyang binig at kumawala na rin ang mga gwardiyang nakahawak sa kanya.

Dahan-dahan niyang itinayo ang mga paa niya pero naramdaman niyang nanghihina na ito kaya naman napahawak siya sa pader bilang suporta. Nanatiling nakatayo roon ang emperatris at nakatingin sa isang direksyon ngunit nararamdaman niya ang kilos ni Konsorte Wei na papalapit sa kanya. Isang matinding katahimikan ang bumalot sa buong palasyo sa mga oras na ito. Nag-aabang at nagaalala kung ano ang mangyayari kay Konsorte Wei.

Pagkalapit niya sa emperatris ay hinawakan niya ito sa balikat at tinignan ng diretso. Hindi rin nagpatinag ang emperatris at sinamahan siya ng tingin. Tila ba nagtitigan ang dalawa at naghihintayan kung ano ang mangyayari sa susunod pang mga oras.

bumulong ito "Darating ang oras..na m-makikita mo kung g-gaano kalupit ang lalakeng iyong sinisinta. At kung dumating man ang oras na iyon ay maaari na akong magsaya" bago ito tumawa na para bang nawawala na sa katinuan

Lumapit ang mga gwardiya at pwersahang inilayo si Mingwei sa emperatris na naka-kunot ang mga noo. Hindi niya maintindihan kung ano ang tinutukoy nitong oras na darating sa hinaharap. Napabagsak na lamang si Konsorte Wei sa sahig habang nakahawak sa sumiskip nitong dibdib at sa kanyang lalamunan habang naghahabol siya ng hininga. Unti-unti siyang napahiga hanggang sa mawalan na nga ito ng hininga.

Walang emosyong nakatayo sa harapan ng kanyang katawan ang emperatris. Napagmasdan niya kung papaano ito umakyat sa ranggo at kung papaano rin ito bumagsak sa pwestong kanyang pinaghirapan ngunit sa huli ay siya rin mismo ang gumawa ng dahilan upang mawala ang lahat ng mga ito.

Naglakad papalapit sa emperador ang emperatris. Magkatabi ang dalawa habang nakatalikod sa katawan ng babaeng parehas na naging dahilan ng pagkamatay ng pinapahalagahan nilang tao.

"Masasabi mo bang nakamit mo na ang hustisya sa pamamaraang ito?" tanong ng emperatris bago tinignan si Zaijun na diretso ang tingin sa kawalan

Siya ang pinaka-nasaktan sa kanilang dalawa sapagkat dalawang konsorte na ang nawala sa kanya. At ang mas malala ay pinagtaksilan siya ng isa rito at dahil dito ay nawalan ng isang ina ang isang inosenteng bata. Nakakalungkot lamang na sa mismong oras ng pagkasilang niya sa mundong ito ay ang siya ring oras na nawala ang kanyang ina.

"Makakamit ang hustisya kung walang magbubulag-bulagan sa katotohanan. At ang nararapat na kaparusahan para rito ay ang pagbibigay ng wastong hatol sa pangyayari. Kaya naman ang taong nakagawa ng kamalian ay nararapat lamang na maparusahan ng naaayon sa kanyang ginawa."

Nagkatinginan ang dalawa sa mga mata. Para silang lubid at kadena, magkaiba ngunit parehong nakahawak sa isa't-isa, hindi maaaring bumitaw ang isa sapagkat mahuhulog ang isa, kaya naman naratapat lamang na magkadugtong ang mga ito. Hindi maaaring sumuko ang isa kahit pa napuputol na ang lubid at kahit pa kinakalawang na ang kadena.

Ngumiti ng tipid si Lian sa emperador. Napaawang ang labi ni Zaijun dahil sa ginawa ng emperatris. Hindi niya maisip na ngingiti ulit ito sa kanyang harapan pagkatapos ng kanyang nagawa rito. Para siyang nananaginip ngunit alam niyang totoo ito, nasa reyalidad siya at pinagmamasdan niya mismo ngayon ang babaeng kanyang sinisinta na ngumiti sa kanyang harapan.

Kaagad na naglakad papalapit ang emperador sa emperatris at niyakap ito ng mahigpit. Para bang tumigil ang ikot ng mundo sa pakiramdam ng dalawa. Kaagad na tumalikod ang mga gwardiya at tagapagsilbi upang bigyan sila ng respeto.

Niyakap siya ng emperador ng mas mahigpit na para bang ayaw nitong malayo mula sa kanya. Tanging ang malalim na paghinga lamang ni Zaijun ang maririnig, nanghihina ang mga kamay ni Lian ngunit itinaas parin niya ito at niyakap rin pabalik ang emperador. Para silang nasasabik sa isa't-isa dahil sa mga hindi inaasahang nangyayari na naging dahilan ng kanilang hindi pagkakaintindihan.

"B-bakit pagdating saiyo ay sobrang lambot ng puso ko?"

Tumulo ang mga luha nito dahil sa realisasyon na kahit ano pang maaaring mangyari ay handang-handa niyang piliin ang emperador.

#TheRoseInThePalace
#precxxious


The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Onde histórias criam vida. Descubra agora