章节-20

133 4 1
                                    

Featured Music:
Goodbye - Lim Do Hyeok

"Narito ang emperador!" anunsyo ng yunuk ng emperador noong nasa harapan na sila ng tarangkahan ng palasyo ng Xianfu

Tumayo si Lian at pareho silang nagbigay galang sa emperador noong bumaba ito mula sa kanyang palanquin at naglakad papalapit kay Lian.

"Malugod na pagbati saiyo, Kamahalan"

"Ano ang iyong ginagawa rito sa labas?"

"Nagpapahangin lamang ako, kamahalan" pormal nitong sagot

Napatango-tango ang emperador at napatingin kay Xiaoran na nasa likuran ni Lian. "Kung gayon ay pumasok na tayo, malamig rito sa labas" sambit nito at nauna nang maglakad papasok

Sumunod naman si Lian at tsaka rin sumunod si Xiaoran at ang mga tagapagsilbi ni Zaijun noong nauna na silang maglakad. Inutusan ni Lian ang kanyang tagapagsilbi na maghanda ng mamahaling alak para sa emperador. Naupo na ang dalawa at magkatabi sila ngunit may lamesa sa pagitan nilang dalawa.

"Ano nga pala ang iyong pakay kaya ka nagpunta rito, Kamahalan?" takang tanong ni Lian at nilagyan ng alak ang baso nito noong ihanda ito ng kanyang nga tagapagsilbi

"Nais kong matulog rito ngayong gabi" at uminom ito ng alak

Napatango si Lian at tumayo upang tawagin sana ang kanyang mga tagapagsilbi ngunit nagsalita si Zaijun "Saan ka pupunta?"

"Ahh tatawagin ko ang aking tagapagsilbi kamahalan upang ihanda ang isa pang kwarto sapagkat doon ako matutulog ngayong gabi--"

"Hindi na kailangan."

Nagtataka siyang binigyan ni Lian ng tingin. "Ano ang ibig ninyong sabihin Kamahalan?"

"Maaari naman tayong magtabi sa pagtulog" nanlaki ang mga mata ni Lian sa sinabi ni Zaijun at napaatras ng kaunti "Hindi ba?" nakakalokong ngisi ang ibinigay ng emperador sa kanya dahil natatawa siya sa reaksyon ng emperatris

"H-ha? m-magtatabi tayo?"

Inosente siyang tinignan ni Zaijun at tumango ng walang alinlangan at uminom ulit ng alak bago pinagpagan ang damiy nito at tumayo bago nag-unat unat at mukhang pagod ito sa buong araw na pagtratrabaho sa imperyal na korte.

"Kamahalan, pasensya na ngunit may..may..."pinilit mag-isip ni Lian ng rason upang siya ay makahanap ng paraan na matulog sa kabilang kwarto

Dahan-dahang lumapit si Zaijun kay Lian habang nagiisip ito ng rason nang nakapikit ang mga mata at naiinis na rin ito sapagkat wala siyang maisip na rason.

"May?" itinaas ni Zaijun ang kilay nito at mas lumapit pa kay Lian na napamulat ang mga mata at nagulat dahil nasa harapan na niya ang emperador na kay lapit sa kanya kaya napaatras siya ngunit bigla na lamang itong nawalan ng balanse

Kaagad naman siyang hinawakan ng emperador sa kamay at sinalo ang likuran nito upang hindi siya matumba. Gulat na napatayo kaagad si Lian dahil sa hiya at kaagad itong tumalikod at napasapo sa noo nito habang nakangisi mula sa kanyang likuran ang emperador.

"Ang sakit ng katawan ko" ibinagsak ng emperador ang katawan nito sa magara at malawak na kama ng emperatris at komportable nitong ipinosisyon ang kanyang katawan upang maghanda na itong matulog

Pasilip siyang tinignan ni Lian at napakagat sa kanyang labi dahil sa hindi niya malaman ang kanyang gagawin. Pero bigla siyang napatalikod ulit at napapikit na lamang sa hiya dahil biglang bumangon ang emperador at nahuli itong nakatingin sa kanya.

Ngumisi si Zaijun at humiga ulit habang nakaharap sa kisame at ginawang unan ang dalawang mga palad niya. Ilang minuto pa ang lumipas ngunit wala parin ang emperatris na tumabi sa kanya kaya bumangon na siya at tinignan kung ano ang ginagawa ng emperatris.

"K-kamahalan" gulat na tumayo si Lian mula sa pagkakaupo noong napagtanto niya tinitignan siya ni Zaijun na inaantok ang mga mata nito

"Tumabi ka na kung ayaw mong buhatin kita"

Napaawang ang mga labi ni Lian at hindi mawari kung ano na ba ang kanyang gagawin. Ito ang unang beses na magtatabi sila ng emperador kung sakali dahil noong nakaraan ay sa isang silid natulog ang emperador.

Bigla na lamang tumayo ang emperador at kinusot ang mga mata nito habang humihikab na naguunat at palapit na ito kay Lian, para ba itong na estatwa sa kinatatayuan niya dahil hindi niya malaman ang gagawin.

Hindi rin alam ni Lian pero bigka na lamang gumalaw ang kanyang mga paa at tumakbo papunta sa isang sulok at nagtataka naman siyang tinignan ni Zaijun at napatawa "Mukhang nais ng emperatris na maghabul-habulan" at ngumisi ito ng nakakaloko

Sinenyas ni Lian ang kanyang kamay na manatali lamang si Zaijun sa kung nasaan man siya "Hindi!"

Ngunit biglang tumakbo si Lian noong nakita niyang lumapit ulit si Zaijun sa kanya at hinabol na rin na lamang niya ito noong makita niyang tinakbuhan siya nito. Tumakbo sa gilid ng kama si Lian at nahabol naman siya ni Zaijun kaya tumakbo ulit ito papunta sa likuran ng mesa nguniy nakorner siya ni Zaijun. Napagtanto na lamang ng dalawa na naglalaro na sila ng habul-habulan sa loob ng malawak na silid ng emperatris na parang mga binata at dalaga lamang na wala lang mga alalahanin sa buhay. Tumatawa ang dalawa habang hinahabol ng emperador ang emperatris na desididong takbuhan ang emperador habang ito naman ay nais mahuli ang emperatris.

Nagkatinginan naman ang mga tagapagsilbi at yunuk ng emperador sa labas ng silid ni Lian na nakakarinig ng tawanan ng dalawa at mukhang napangiti sila dahil kinikilig sila at mukhang alam na nila ang ginagawa ng dalawa.

"Mukhang maganda ang gabi ng ating kamahalan" kinikilig na bulong ng isang tagapagsilbi kay Mingwei

Kinikilig rin itong sinagot ni Mingwei "Manahimik ka at baka may makarinig sayo"

"Diyan ka lang!" pigil ni Lian at itinuro si Zaijun na huwag lumapit sa kanya

"Pigilan mo ako" at tinukso naman siya nito na parang batang nakikipaglaro

Napatakbo si Lian malapit sa kanyang kama ngunit nahabol na siya ni Zaijun sa pagkakataong ito at nahawakan ang kamay nito at parehas na natumba sa kama. Nagkatitigan ang dalawa sa mga mata habang parehong hinahabol ang kanilang mga hininga dahil sa kakatakbo na parang mga bata. Ngunit bigla na lamang natawa si Lian ng walang dahilan kaya natawa na rin si Zaijun na napahiga sa tabi ng emperatris habang parehong tumatawa.

"Ang saya, ngayon lamang ulit ako nakaranas na maging isang dalaga na para bang wala pa akong pasan na tungkulin"

"Ako rin, para bang naalala ko ang mga araw kung saan tinuturuan pa ako ng aking ina kung papaano ang maging isang pinuno sa hinaharap"

Dalawang taong parehong isinilang bilang dugong maharlika, pareho ring naatasan ng mga tungkulin at gawain. Ngunit nagkabuklod upang pamunuan ang isang kaharian.

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Where stories live. Discover now