章节-11

144 4 0
                                    

Guys wag kayo malito - Lian and Lianfei are the same person. Lianfei po ang kanyang pangalan ngunit Lian ang kanyang palayaw o nickname :D

Nakadungaw sa labas ng palasyo ng Xianfu si Lian habang nakasalo sa mga tubig ulan ang kanyang kamay. Malakas ang ulan ngayong araw at wala siyang ibang magawa kundi ang dumungaw sa labas ng kanyang palasyo habang ang kanyang mga tagapagsilbi ay abala sa pagaayos at pagluluto para sa hapunan ng emperatris. Mas nadagdagan ang kanyang mga tagapagsilbi at gwardiya sa palasyo ng Xianfu lalo na at pormal na siyang idineklara bilang ang emperatris ng Kaharian ng Xiang. Kaya naman mas ipinagutos ni Zaijun ang mahigpit na pagbabantay sa emperatris mapa-umaga man o gabi sapagkat hindi alam kung kailan darating ang kapahamakan at ayaw niya itong mangyari kay Lian.

"Xiaoran" tinawag niya ito na nasa tabi ng pintuan ng kanyang palasyo at diretsong nakatayo habang nagbabantay sa paligid

Lumapit ito kay Lian "Ano ang maipaglilingkod ko, kamahalan" tanong nito at napatingin kay Lian na nakatingin padin sa ulan na pumapatak sa palad nito at mukhang nasisiyahan ito sa kanyang ginagawa

"Samahan mo ako, bibisita tayo sa palasyo ng emperador"

"Malakas po ang ulan kamahalan, mas mabuti siguro kung maghintay muna tayo hanggang sa humina ang ulan"

Hindi sumagot si Lian ngunit alam ni Xiaoran na sumasang-ayon ito sa kanya kaya tumayo ito sa kanyang likuran at nagbantay. Ilang araw ng hindi nakakabisita ang emperador sa palasyo ni Lian at nais naman ni Lian na siya ang bumisita rito sapagkat alam niyang marami itong ginagawa.

Napabuntong-hininga si Lian at humarap kay Xiaoran "Tara na"

Hawak naman ni Xiaoran ang payong at pinayongan ang emperatris upang hindi ito mabasa sa ulan. Naglakad ang dalawa patungo sa imperyal na korte kung saan ay naroon ang opisina ni Zaijun at doon siya madalas nagtratrabaho. Habang naglalakad sa kahabaan ng daan papunta sa imperyal na korte ay nakasalubong nila ang grupo ng mga ministro.

Kaagad naman silang tumigil sa paglalakad at yumukod kay Lianfei noong nakita nila itong papalapit rin sa direksiyon nila. Humarap ang isa sa kanila at nagsalita "Malugod na pagbati saiyo, kamahalan"

Tinignan siya ni Lian at sumagot rin "Ganun rin sainyo, mga ginoo"

Sa unang impresyon ay kakaiba ang dating ng ministrong ito kay Lian, ang kanyang awra ay halatang mataas ang pwesto nito at iginagalang siya ng mga kapwa niya ministro at kung papaano nila siya pangunahing palakarin kanina. Nasa 60 ang edad nito, matangkad ito at seryoso ang mukha nito at halatang istrikto ito.

"Ikinagagalak naming makilala ka, kamahalan" pagbati nito kay Lian at yumukod ng kaunti bago humarap ng diretso sa emperatris

"At ikaw ay si?" takang tanong niya sapagkat nagtataka at nais rin malaman ni Lian kung sino ang ministrong ito na kasama ng emperador sa pagayos ng kanyang kaharian

"Ako po ang ministro ng digmaan, Han Guang, kamahalan"

"Ikinagagalak rin kitang makilala, ministro Han. Kung gayon ay inaasahan kong gagabayan ninyo ang emperador ukol sa pamamahala sa Kaharian ng Xiang"

"Makakaasa po kayo"at yumukod ulit ito

Naglakad na paalis si Lian at naiwan naman ang mga ministro. Pinanood nila ang emperatris hanggang makalayo ito mula sa kanila at nagsimula na ulit magusap ang nga ministro.

"Ministro Han, hindi ka ba nababahala na baka mapabayaan ang iyong anak? lalo na at narito na ang emperatris at maaaring mas paboran din siya ng emperador kaysa kay konsorte Huang at konsorte Chun" tanong ng isang ministro na nakatingin sa emperatris na naglalakad palayo mula sa kanila habang pinapayongan ni Xiaoran

Naging tahimik ito ng ilang segundo bago sumagot "Ipinapaubaya ko na kay Yanwan ang ano mang nais niyang gawin at mangyari sa hinaharap, ang kailangan ko lang ay ang maging ligtas ang aking anak" at tumalikod na ito at naglakad ulit kaya naman kaagad siyang sinunod ng mga ministrong kasama niya

Sapagkat si Konsorte Han lamang ang nagiisang anak nito kaya naman nais niya itong maging masaya. Labag man sa kalooban ni Ministro Han na pumasok ito sa loob ng palasyo at maging konsorte ay wala na siyang magagawa dahil ayaw niyang hadlangan ang kasiyahan ng nagiisang anak.

"Kung gayon ay siya ang ama ni Konsorte Han" sambit ni Xiaoran

Napalingon ng kaunti si Lianfei sa direksiyon niya habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa kanyang harapan at maingat na naglalakad. "Marahil ay siya nga"

At sakto namang nadaanan nila ang palasyo ni Konsorte Han habang naglalakad. Napatigil si Lian sa harapan ng tarangkahan nito at nagbigay galang naman ang mga gwardiya at nga tagapagsilbing nakakita sa kanya. Tinapunan niya ito ng tingin at nagtuloy na sa paglalakad at sakto namang tumila rin ang ulan ngunit basa pa ang daanan kaya nagiingat si Lian sa paglalakad habang nasa likuran niya si Xioran na nakaalalay sa kanya.

Nasa loob naman ng kanyang palasyo ni Yanwan at naka-upo habang nagbuburda sapagkat wala siyang magawa ngayong kakatapos lamang umulan at ayaw niyang lumabas upang maglibot sa palasyo dahil ayaw niyang maputikan at matalsikan ng tubig.

"Konsorte Han, nasa labas po kanina ang emperatris"

Tumaas ang kilay nito at napatigil sa pagbuburda ng kanyang panyo "Ano naman ngayon? nakakainis, ng dahil sa emperatris dalawang linggo akong nakulong rito, ano bang malay ko kung may alerhiya pala siya sa pagkaing dagat?" mataray nitong pasaring at nagtuloy na sa pagbuburda "Umalis ka nga, istorbo" galit na pagpapalayas niya sa kanyang tagapagsilbi

"Bakit nga pala hindi kayo sumakay sa inyong upuan ng sedan kamahalan?"

Sedan Chair/Upuan ng Sedan- Ito ay magarbong upuan na ginagamit ng mga monarkiya noong unang panahon bilang transportasyon. Ito ay binubuhat ng apat mga na tao.

"Hindi ako sanay" simpleng sagot ni Lianfei

Sapagkat maging noong nasa palasyo ito ng Qi ay nasanay siyang maglakad kaysa sumakay sa upuan ng sedan.

Bigla na lamang silang nakarinig ng isang boses ng babae na mukhang galit habang papalapit sila sa imperyal na korte. At nakita nga sila si Konsorte Chun na sinisigawan ang isang tagapagsilbi noong kaagad naman siyang nakilala ni Lian dahil isa itong tagapagsilbi ng kanyang palasyo.

"Anong klaseng mga mata ang meron ka? hindi mo ba nakikita na may dadaan?" sermon ni Luoyun sa tagapagsilbi at pinapagpagan ang magarbong damit nito

"P-pasensya na po Konsorte Chun, hindi ko po s-sinasadya" takot nitong paghingi ng pagpapaumanhin habang nakaluhod sa harapan nito

"Kaninong palasyo ka ba? mukhang hindi ka naturuan ng maayos--" galit at mataray naman na pasaring ng tagapagsilbi ni Luoyun ngunit napatigil ito nung sumingit si Lian

"Nabibilang siya sa aking palasyo" maowtoridad nitong sabat kaya napatingin sila sa kanya

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Where stories live. Discover now