章节-22

123 6 1
                                    

Nakahanda na ang mga kabayo at ang karwahe na gagamitin ng emperador at empertris. Nakapwesto na rin ang linya ng bawat gwardiya at tagapagsilbi na sasama sa biyahe. At ang mga sasamang ministro at nakahanda na rin ang mga palanquin nila kasama ng kanilang mga personal na tagapagsilbi.

Inaayos ni Yanwan ang damit ng emperador sapagkat natulog ito sa kanyang palasyo kagabi. Nakasuot ito ng roba na may disenyong dragon na tanging ang mga emperador lamang ang may karapatang magsuot ng ganitong damit. Inayos ni Yanwan ng maayos ang manggas nito at ang laylayan ng roba.

"Kamahalan, hindi ba talaga ako pwedeng sumama?" ngumuso ito sa harapan ng emperador

Seryoso siyang tinignan nito at hinawakan ang kanyang mga balikat "Ika'y mahihirapan lamang sa haba ng biyahe, mas mabuti kung mananatili ka na lamang rito sa palasyo"

Bumusangot si Yanwan at tumalikod dahil nagtatampo ito mula sa emperador "At ang emperatris pwedeng sumama..hmp, hindi purket siya ang haligi ng imperyal na harem ay siya na ang mapapayagan sa lahat"

"Yanwan, hindi mo dapat ito sinasabi sa emperatris. Isang mabait at reponsonsable na tao si Lian, at nais kong magkasundo kayong lahat" seryoso niya itong sinaway

Napahawak sa kanyang mga kuko si Yanwan at nanatiling nakatalikod kay Zaijun na hinawakan ang braso nito at ipinaharap ito sa kanya. Bumuntong-hininga na lamang ito at napatango. "Maghanda ka na, isasama kita"

Biglang sumilay ang ngiti at ang saya sa mukha ni Yanwan na napahawak sa mga kamay ni Zaijun na nakangiti na rin ngayon. Mukhang hindi talaga niya matitiis ang kanyang mga konsorte. Kaagad na nagtungo si Yanwan sa kanyang silid upang maghanda. Iniwan naman ito ni Zaijun upang magpunta sa palasyo ng Xianfu at sunduin ang emperatris. Alas-7 ng umaga ngunit halos handa na ang lahat sa pagbiyahe, isang araw at kalahati ang kanilang biyahe papunta sa pagitan ng Liang at Xiang upang sunduin ang prinsesa ng Liang.

Sinuri ulit ni Lian ang mga gamit na kanyang dinala kung mayroon bang hifi naihanda o kung may nakalimutan ba siya. Ito ang unang biyahe niya sa labas ng palasyo kasama ang emperador at nasasabik na siya. Tatlong buwan na rin mula noong pumasok siya sa palasyo at nasasanay na rin siyang mamuhay rito, masaya rin siya dahil nakikilala niya ang emperador.

"Kamahalan" yumukod si Xiaoran sa harapa nito habang hawak ang mahabang roba ng emperatris

Tumalikod si Lian mula sa kanya at hinayaang isuot ni Xiaoran ang roba sa emperatris. Kulay puti ito ay may disenyo itong ibon na pheonix na tanging ang emperatris at mga matataas na ranggong konsorte lamang ang nakakapagsuot nito. Maingat at maayos itong isinuot ni Xiaoran sa kanya.

"Oras na para umalis mula sa palasyo, Kamahalan"

Inalalayan siya ni Xiaoran pababa sa tatlong hagdan sa harapan ng kanyang palasyo. Sakto namang paglabas nila ay nakasalubong nila ang emperador na nakahanda na rin. Bumati ang emperatris at si Xiaoran bago niya binitawan ang kamay ni Lianfei. Nakangiti naman siyang sinalubong ni Zaijun.

"Nakahanda ka na ba sa pag-alis natin?"

Napatango si Lian at isinenyas naman ni Zaijun ang kanyang kamay sa harapan nito bilang akto na nais niyang hawakan ang kamay ni Lian. Nanatili lamang nakatitig ang emperatris sa kamay nito at hindi niya alam kung tatanggapin niya ba ito, nahihiya siya at kinakabahan ngunit ayaw rin naman niyang tanggihan ito kaya tinanggap na lamang niya ito at hinawakan ang kamay ng emperador.

Magkahawak ang kamay ng dalawa sa paglalakad papunta sa kanilang karwahe at lahat na ng sasama sa kanila ay nakasakay na rin sa kanilang mga palanquin at kabayo. Nauna ang mga kabayo nila Xiaoran at ang iba pang mga kasama niyang matataas ang ranggong gwardiya at heneral na magbabantay. Sumunod naman ang karwahe nila Lian at Zaijun at ang kabayo ni Konsorte Han at ang limang ministro na sasama, kasunod ang mga nakahawak sa bandera ng Kaharian ng Xiang, ang mga tagapagsilbi at ang iba pang mga gwardiya. Tinatayang 200 ang sasama sa pagsalubong sa prinsesa ng Liang.

"Oras na para lumabas ng palasyo!" anunsyo ni Xiaoran na nasa pinakaunang hanay at tumunod na ang mga trumpeta upang senyas na aalis mula sa palasyo ang emperador at emperatris

Matingkad ang araw at dalawang oras pa lamang mula noong nakalabas sila mula sa palasyo. Maayos pa ang daanan at hindi pa sila nakakarating sa parte ng bundok kaya may mga tao pa silang nadaraanan na nakaluhod at nakagilid bilang pagbibigay galang sa maharlikang pamilya, wala ni sino man sa kanila ang nangahas na itaas ang kanilang mga ulo at humarang sa daan dahil na rin sa dami ng mga gwaridyang bantay na alam nilang dalubhasa ang mga ito sa pakikipaglaban.

"Nakakairita! bakit ba kasi nakasakay ako sa kabayo?!" galit na reklamo ni Konsorte Han sa kanyang personal na tagapagsilbi na sumama sa kanya

Nakayukod na sumagot ang tagapagsilbi "Pasensya na po Konsorte Han ngunit ito po ang alituntunin sa imperyal na harem, nasa ranggo po kasi nakabase kung kayo ay sasakay ng karwahe, palanquin o kabayo. Ang mga Konsorteng ikalawang ranggo at unang ranggo lamang po angp pinahihintulutang sumakay sa palanquin, habang ang mga ikaapat na ranggong konsorte pababa ay sa kabayo po sasakay"

Inis siyang itinulak ni Yanwan sa daanan at sakto namang nakita ito ni Lianfei na lumingon dahil sa narinig niyang pagsasalita ni Yanwan.

"Itigil ninyo ng pansamantala ang biyahe" utos ni Lianfei at tumigil ang lahat sa paglalakad dahil sa utos ng emperatris

Naglakad si Mingwei papunta kay Yanwan kahit na natatakot ito sa konsorte. Magalang siyang bumati rito "Konsorte Han, ipinapasabi po ng emperatris na maaari po kayong makisakay sa kanyang karwahe"

"Talaga?" itinaas nito ang kanyang kilay nang nakangiti at kaagad na bumaba mula sa kabayo habang tinutulungan siya ng kanyang tagapagsilbi ngunit inis niya itong itinulak palayo at dumiretso sa karwahe ni Lian

"Maraming salamat, Kamahalan" nakangiti niyang sambit at tumabi na kay Lian na tinignan lamang siya at hindi nagsalita

Dalawa lamang sila sa loob ng karwahe dahil walang personal na tagapagsilbi si Lian kaya wala siyang kasamang sumakay sa loob. At ang emperador naman ay nasa isang karwahe kasama ang kanyang yunuk.

"Kamahalan, huwag sana ninyong mamasamahin ang aking sasabihin" panimula ni Yanwan at medyo umusog ng upo papalapit kay Lian

"Patungkol saan ang iyong sasabihin?" kaswal nitong tanong at nakadungaw sa binatana habang umaandar ang karwahe

"Ang tagapagsilbing si Mingwei, hindi niyo ba narinig ang tungkol sa kanya?"

"Hindi ako mahilig makinig ng mga haka-haka at walang basehang kwento lamang."

Napangiti si Yanwan bago nagsalita
"Muntikan na siyang gawin ng emperador bilang kanyang konsorte, kaya naman kinaiinisan siya ni Konsorte Chun" napatingin si Lian sa kanya dahil sa sinabi nito ngunit alam niyang kahit sino naman ay maging konsorte ng emperador, maging isang binibini sa mayamang angkan o kahit ang mga tagapagsilbi. "Hindi siya kagaya ng iyong nakikita Kamahalan, tandaan mong mapanlinlang ang mga kagandahan, ang bawat tao ay may itinatagong sekretong pagkatao na tsaka lamang nila ilalabas sa pagdating ng panahon." nakangisi nitong bulong kay Lian

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Where stories live. Discover now