章节-19

123 4 0
                                    

"Kamahalan, nasa inyong palasyo po ang mga dating personal na tagapagsilbi ng dating emperador at emperatris" anunsyo ni Jiangchun, ang yunuk ng emperador habang nagtratrabaho ito sa kanyang opisina ng buong magdamag

Masaya namang itinigil ni Zaijun ang pagbabasa sa mga ulat at napatayo at dali-daling naglakad patungo sa kanyang palasyo mula sa opisina nito sa imperyal na korte.

Hindi maipaliwanag ang saya ni Zaijun noong makita niyang nakaupo ang dalawang dating tagapagsilbi ng kanyang ina at ama rito sa palasyo. Hindi na pinagtuonan ng pansin ni Zaijun ang kanyang mataas na posisyon at bigla na lamang niyang niyakap ang dalawa na nagsilbi rin niyang mga magulang noong pumanaw ang kanyang ama at ina.

"Tiya Mingyu, Tiyo Zian" masayang sambit ng emperador

Nakangiti naman siyang niyakap ng dalawang matandang mag-asawa dahil nasasabik na rin silang makita ang kanilang inaanak.

"Kumusta ka na hijo? tila kakaiba ang iyong tindig ngayon, nagmukha ka na talagang isang kagalang-galang na emperador kagaya ng iyong ama" nasisiyahang puri ni Zian rito, ang dating personal na gwardiya ni Emperador Yuan noong nabubuhay pa lamang ito

"Kay gwapong bata mo na, namana mo talaga ang kagandahan ng lahi ng iyong ina" nakangiti namang hinawakan ni Mingyu ang mga kamay ng emperador, ang dating personal na tagapagsilbi ni Emperatris Fei noong nabubuhay pa lamang ito

Napatawa ng mahina si Zaijun dahil sa mga natanggap niyang papuri. Masaya ito dahil nakita niya ulit ang dalawa, nagmula kasi noong pumanaw na ang kanyang ama ay umalis na rin sila sa palasyo upang mamuhay bilang normal na mamamayan at dahil na rin sa kanilang edad at kailangan na rin nilang magpahinga. Iginaya sila ni Zaijun na maupo upang sila ay makapagkwentuhan.

"Kumusta naman ang iyong pamumuno hijo?"

"Ayos naman tiyo, masyado lamang madaming gawain at trabaho sa korte nguniy ayos lamang at nakakaya ko pa naman" sagot niya kay Zian

"Maayos kung ganun, papaano naman ang iyong imperyal na harem? narinig kong mukhang maayos naman ang pamamalakad ng emperatris"

Napatango-tango si Zaijun at ngumiti "Wala akong problema sa emperatris, ang totoo niyan ay nakakasundo ko naman ito" pagmamalaki nito

Hinawakan ni Mingyu ang kamay ng emperador "Ang korte at ang harem ay konektado lamang, nais ko lamang ipaalala sayo hijo na sana ay tratuhin mo ng pantay-pantay ang iyong mga konsorte. Kahit pa mas pinapaboran mo ang isa ay dapat nakukuha rin ng isa ang atensyon mo at pagsuyo mo"

"Aking tatandaan ito, tiya Mingyu"

Nagsalo-salo ang tatlo ng hapunan bago inutusan ni Zaijun na ihatid sila sa kanilang pabilyon na pansamantala nilang tutuluyan ngayong gabi at bukas na sila ng umaga aalis sa palasyo.

"Magpahinga na muna kayo rito sa palasyo, at ipapahatid ko na rin kayo bukas"

"Salamat hijo, ika'y magpahinga na rin" sambit ni Zian

Pinanood niya ang dalawa na umalis na kasama ng kanyang mga ilang gwardiya at tagapagsilbi upang ihatid ang mga ito. Naupo na siya sa kanyang kama ngunit naalala niya ang kanina pa niyang binabalak gawin ngayong gabi.

"Jiangchun, ihanda mo ang palanquin, matutulog ako ngayong gabi sa palasyo ng emperatris"

Medyo nagulat si Jiangchun pagkarinig niya rito ngunit napatango na lamang siya "Masusunod, kamahalan" at tumalikod na ito nang nakangiti dahil magsasama ang emperatris at ang emperador ngayong gabi

Sumakay na sa palanquin ang emperador at nakasunod naman ang mga gwardiya at kanyang mga tagapagsilbi at nasa gilid niya naman ang kanyang yunuk. Bilog ang buwan ngayon at kay tahimik ng paligid, yumuyukod lahat ng mga gwardiyang nadaraanan ni Zaijun at wala na ring mga tagapagsilbi at konsorte dahil gabi na at oras na ng siyesta.

Nasa labas ng kanyang palasyo si Lian at nakaupo ito sa sa labas ng trangkahan habang nakatanaw sa buwan at sa lawa. Hinahangin ang mahabang buhok nito na hindi niya itinali ngayong gabi, nakapantulog rin siyang bistida at wala siyang kasama dahil inutusan niya ang kanyang mga tagapagsilbi at gwardiya na nais niya munang mapag-isa.

Maya-maya ay narinig niyang may nagsalita mula sa kanyang likuran at mukhang papapit ito sa kanya "Maginaw ngayon, hindi po ba kayo papasok kamahalan?" mahahalata mo ang malalim at lalakeng-lalake nitong boses

"Maya-maya na lamang, nais ko munang mapagisa ngunit bigla kang dumating"

Napatawa ng mahina si Xiaoran sa sinabi ni Lian at napailing. Tumayo ito sa likuran ng emperatris at pinanatili ang sapat na distansya mula sa kanilang dalawa, alam niyang inutusan sila ni Lian na huwag siyang samahan sa labas ngunit sinuway niya parin ito. Tahimik silang dalawa habang nakatanaw sa tanawin ng gabi kahit na madilim, payapa ang palasyo sa gabi ngunit sa umaga ay nagmimistula itong abala. Ipinikiy ni Lian ang kanyang mga mata at dinama ang sariwang hangin, pakiramdam niya ay nawawala ang kanyang mga dinadamdam na mga problema at bigat ng loob.

"Pasensya na sa aking nagawa noong nakaraang gabi, handa ko pong tanggapin ang kahit na anumang parusa"

"Hindi na kailangan, basta't huwag mo lamang itong uulitin" sagot ni Lian

"Maraming salamat, Kamahalan"

Tinignan niya si Lian na nakatalikod parin mula sa kanya at mukhang naaliw itong umupo sa labas ngayong gabi. Kung titignan ay para bang napakatapang ni Lian sa panlabas na itsura ngunit kung iyong makikilala ito at kung kikilatisin mo ito ay makikita mong mahina ito sa loob, alam ito ni Xiaoran sapagkat sa ilang taong nagkasama sila ay napansin at nalaman niya ang mga kahinaan nito noong nasa palasyo pa lamang sila ng Qi.

Ang akala ng lahat ay maswerte si Lian, dahil nasa kanya na ang lahat, ang kayamanan, karapatan, karangyaan, komportableng buhay, ang titulo bilang isang prinsesa ng makapangyarihang kaharian, at ang maging emperatris ng kaharian ng Xiang. Ngunit alam ni Xiaoran na kailanman ay hindi ito ninais ni Lian, na hindi niya pinangarap ang maging prinsesa o kahit emperatris. Pero kahit gayon ay nangako parin siyang sasamahan niya ito kahit saan at kahit kailan, handa niyang ialay ang buhay para sa emperatris dahil nangako ito sa emperador ng Qi at Xiang. Mabigat at mahirap man ang kanyang tungkulin ngunit alam niyang kakayanin niya ito.

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Where stories live. Discover now