章节-26

119 6 1
                                    

Oras na para bumalik sa palasyo ang emperador at emperatris kasama ang prinsesa ng Liang. Nakahanda na lahat upang bumiyahe ng isang araw na naman. Nadagdagan ang mga gwardiya at tagapagsilbi na sasama sa kanila sa biyahe sapagkat sila ay nasa ilalim ni prinsesa Shuyan. Lumabas mula sa kanyang tolda si Lian at sakto namang kasabay rin niyang lumabas mula sa kanyang tolda si Shuyan, nagkatinginan ang dalawa at nagngitian ng tipid.

Inalalayan na ng isang tagapagsilbi ang isang kamay ni Lian papunta sa kanyang karwahe na naihanda. Dahan-dahan niyang inalalayan ang emperatris na makasakay sa loob, at kay konsorte Han naman ay sasakay siya sa kabayo ayon sa parusa ng emperatris sa kanya.

Nauna ang karwahe ng emperador at magkasunod naman ang karwahe ng emperatris at ang prinsesa ng Liang. Maayos silang nakaabot sa palasyo at himalang hindi rin nahilo ang emperatris sa biyahe.

Inalalayan ng kanilang mga tagapagsilbi at yunuk na makababa sa kanilang mga karwahe ang emperatris, emperador at prinsesa Shuyan noong makarating na sila sa loob ng palasyo.

Pagkababa ni Shuyan at inilibot nito ang kanyang tingin at namangha ito dahil sa ganda at lawak ng buong palasyo. Sa wari nito ay mas malawak pa ang palasyo ng Xiang kaysa sa Liang. Napakaganda ng paligid, at ang mga tagapagsilbi at gwardiyang naglalakad sa bawat pasilyo at daanan ay disipilinado at mukhang alam nila ang kanilang mga ginagawa na makikita mo pa lamang sa kanilang mga lakad at tindig.

"Sadyang napakaganda ng iyong palasyo, Kamahalan" puri ni Shuyan na nakaharap kay Zaijun

Napatingin rin si Zaijun sa kanyang paligid at napatango "Sadyang magaling lamang ang aking mga ninuno sa paggawa at pagpapatayo ng bawat estraktura rito"

"Bawat estraktura ay may angking ganda, mula sa mga disenyo at pundasyon nito na ginawa ng mga manggagawa. Sana ay maging komportable ka sa iyong pagbisita rito" sambit naman ni Lian

"Oo naman, sa mga araw na ako'y mananatili rito ay aking lilibutin ang bawat palasyo at sulok" nagmamalaking sagot ni Shuyan at napangisi sa ganda ng paligid

Nagkatinginan ang emperatris at emperador, una siyang ngunitian ni Lian at ganun rin si Zaijun. Para sa kanila ay parang nakababatang kapatid nila ang prinsesa dahil agwat ng kanilang edad, at batid nila ang ugali nito kaya naman nais nilang maging maayos ang pananatili nito sa Kaharian ng Xiang.

Nakita nilang naglalakad papalapit sa kanila si Konsorte Huang at Konsorte Chun, naglakad rin naman si Yanwan papunta sa dalawa at sabay-sabay silang nagbigay galang sa tatlo.

"Malugod na pagbati, kamahalan, emperatris at prinsesa Shuyan" pagbati ng tatlong konsorte at yumukod

"Kung gayon ay iiwan ko muna kayo upang makapag-usap kayo" ani ng emperador at iniwan ang limang babae

Pinasadahan sila ng tingin ni Shuyan lalong lalo na si Yunxi na umagaw rin ng kanyang atensyon. Napansin ito ni Yunxi kaya nginitian niya ang prinsesa ngunit nagtaka siya dahil hindi siya pinansin nito at iniwasan lamang siya ng tingin. Pinabayaan na lamang niya ito sapagkat alam niyang mas mataas ang ranggo nito mula sa kanya.

Lumapit naman si Shuyan kay Luoyun at tinignan ang magarbong bistida na suot nito at hinawakan ang tela ng kamayan nito.

"Ito ang tela na gawa ng mga taga-silangan" sinuri niya ang tela na para bang tinitignan niya ng maayos kung papaano ito ginawa

"Tama ka, prinsesa Shuyan" ngumiti si Luoyun na may halong pagmamalaki

Napangisi si Shuyan at binitawan ang tela "Balita ko ay ito ang pinakamura at pinakapangit na telang ginagamit ng karamihang mga binibini"

Hindi makapaniwala si Luoyun sa kanyang narinig at maging sila Yanwan at Yunxi ay hindi mawari kung bakit ganito magsalita ang prinsesa. Napatawa ng kaunti si Shuyan at tinakpan ang kanyang bunganga gamit sa maarteng paraan gamit ang kanyang panyo.

"Mukha ngang mumurahin ngunit dekalidad naman. Aanhin mo ang ksang magara at magandang tela kung ang nagsusuot naman ay...hindi kagandahan" napatawa ng mahina si Yanwan sa gilid ni Yunxi dahil sa sinabi ni Luoyun

"Ikaw--"

Batid ni Lian na nagkakaroon ng tensyon sa pagitan ng dalawa kaya naman pumagitna na ito. "Hindi ba kayo nahihiya? nasa palasyo tayo, panatilihin ninyo ang inyong mga asal. Pagod ako sa biyahe at nais ko nang magpahinga"

Yumukod silang lahat sa pagalis niya maliban kay prinsesa Shuyan na parang wala lamang ito. Pakiramdam naman ni Luoyun ay naapi siya sa mga sinabi ni Shuyan at ipinahiya pa siya nito mismo sa harapan ng emperatris at sa harap ng madaming tagapagsilbi at gwardiya sa paligid na nakarinig.

Dahil sa inis ay naglakad na paalis ang prinsesa at iniwan ang tatlong konsorte. Lumapit naman si Yanwan kay Luoyun at nakangising nakatingin sa prinsesa na naglalakad paalis.

"Isa lang naman siyang dayo, ang kapal ng mukha niyang ipahiya ka. Ikaw ang unang ranggong konsorte ng emperador, isang ranggo lamang ang pagitan ninyo ng emperatris, kinakailangan ka parin niyang pakitahan ng respeto" inis na sambit ni Yanwan

Inayos ni Luoyun ang kamayan ng damit nito na hinawakan ni Shuyan at pinagpagan ito. Kalmado niyang tinignan si Yanwan. "Pabayaan mo na, nasa teritoryo siya ng Xiang kaya nararapat lamang na malaman niyang hindi niya ito teritoryo"

Humarap si Yunxi sa dalawa at yumukod kay Luoyun dahil mas mataas ang ranggo nito sakanya tsaka ito tumingin kay Yanwan.

"Mauuna na akong aalis"

"At ano naman ngayon kung ika'y aalis?" tinaasan siya ng kilay ni Yanwan at pinagkrus ang mga braso nito

"Anong ibig mong sabihin? Konsorte Han?" kumunot ang mga noo ni Yunxi dahil sa pagtrato nito sa ka ya

Inip siyang tinignan ni Yanwan "Hindi na ikaw ang paborito ng emperador, pinalitan ka na ng emperatris. Kaya huwag kang aasang kakampihan ka pa niya" pangungutya nito sa kanya

"Konsorte Han tama na, baka may makakita pa sa iyo" kalmadong saway ni Luoyun

"Hmp" inis siyang tinapunan ng tingin ni Yanwan bago naglakad paalis na nakasunod kay Konsorte Chun

Naiwan si Yunxi na nakatayo roon. Hindi niya mapigilang mapaluha dahil sa mga salitang isinambit ni Yanwan, alam niya ang kalagayan at pinagdaraanan niya ngunit ang mas masakit pa rito ay kung bakit kinakailangan pang ipamukha ni Konsorte Han ito. Kahit pa konsorte rin siya ng emperador na kanyang minamahal ay hindi niya kailanman itinuring na kaagaw o kaaway si Yanwan o maging si Luoyun. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang trato nila sa kanya gayong wala naman siyang ginawa kundi ang mamuhay ng tahimik sa loob ng dalawang taon bilang ikaapat na konsorte ng emperador.

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Where stories live. Discover now