章节-56

109 4 5
                                    

Nasa harapan ng palasyo ng Weiyang ang emperatris. Kung titignan mo mula sa labas ay nagmimistula na talaga itong isang abandonadong palasyo para sa mga konsorteng ipinadala rito. Dalawang gwardiya lamang ang nasa labas ng tarangkahan na nagbabantay kaya naman hindi mo masisiguradong ligtas ka rito. Marami at mahahaba na rin ang mga damo at mga sanga ng kahoy na nagsisihulugan ang mga dahon sapagkat ang palasyong ito ay nakatayo sa mismong likurang bahagi ng Palasyo ng Xiang, malapit sa kagubatan. Tahimik ang paligid na para bang walang tao sa loob.

Dala-dala ang ilang mga pagkain at ilang mga piraso ng damit at kumot ay pumanhik sa loob ang emperatris. Pagkapasok ay bumungad sa kanya ang malawak ngunit iilan lamang na ilaw ang makikita mo kaya naman madilim sa ibang parte ng palasyo, kahit ni isang gamit rin at mga ari-arian ay wala kang makikita, nakasara rin ang mga kurtina at mararamdaman mo talaga ang lamig sapagkat panahon parin ng taglamig kahit pa patapos na ito sa susunod na buwan.

"Kamahalan?" lumingon siya noong marinig niya ang isang pamilyar na boses

"Konsorte Huang" magkahalong emosyon ang kanyang nararamdaman ngayon, saya at pagkaawa para sa dating konsorte ng emperador

Kaagad na nagyakapan ang dalawa dahil sa tagal nilang hindi nagkita. Kumalas si Lian at hinawakan ang kamay ni Yunxi na malamig. "A-ayos ka lamang ba rito? bakit ganito ang loob ng palasyong ito? nasaan ang mga ari-arian? nasaan ang iyong mga tagapagsilbing dapat ay nakasunod sayo?"

"Wala na sila kamahalan. Natanggal na sila sa trabaho at pinalayas mula sa palasyo noong oras na ako ay mapunta rito sapagkat may sakit rin ako" maririnig mo ang lungkot sa kanyang tono

"Ngunit papaano ka nabubuhay rito ng mag-isa? hindi ka ba natatakot? bakit..bakit walang kahit na anumang gamit ang naririto?"

"Simula noong oras na ako ay tumira rito ay para na ring itinapon ang aking ranggo bilang isang konsorte. Kung titignan mo nga ay para akong nakatira sa isang bahay na malayo sa sentro at malayo sa marangyang buhay"

"Ibabalik kita sa iyong ranggo at pwesto, tutulungan kita"

Umiling si Yunxi "Hindi na kailangan kamahalan, ang totoo nga niyan ay para akong nakahanap ng katahimikan at kalayaan sa lugar na ito"

"Makakamit mo ang mga ito pero hindi sa paraang ganito" pagtutol ni Lian

Tumalikod si Yunxi at naglakad papalapit sa bintana habang nakahawak sa kanyang dibdib na sumasakit. Ayaw niya itong ipakita sa emperatris at nagpanggap na sumisilip lamang.

Naglakad papalapit sa kanya ang emperatris kaya naman noong naramdaman niya ito ay kaagad niyang inalis ang kamay sa kanyang dibdib at nakangiti siyang hinarap.

"Ayos ka lamang ba?" nanunuring tanong ni Lian

"O-oo naman Kamahalan"

Tumabi si Lian sa kanya at dumungaw rin sa bintana na ang tangi mo lamang makikita ay isang malawak na lupa at madilim na kagubatan.

"Naranasan mo na bang masaktan ng taong minamahal mo?"

Nagulat ng kaunti si Yunxi sapagkat hindi niya mawari kung bakit ito tinatanong ng emperatris "Oo naman Kamahalan." nguniti siya ng mapait habang inaalala ang mga oras na nasa kanya pa ang paningin ng emperador

"Kung ganun ay ano ang iyong ginawa?"

"Kagaya ng niyebe ay matutunaw rin ito, kagaya ng araw ay lulubog rin ito, at kagaya ng sugat ay maghihilom din ito. Ang ulan, ay nagiiwan ng tubig sa tuwing bubuhos ito sa lupa, pero di kalaunan ay matutuyo rin at sisikatan ng araw."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Mahirap ang magpatawad, ngunit mas mahirap kung patuloy mo itong kikimkimin hanggang sa unti-unti ka nitong uubusin. Mahirap kalabanin ang ating isipan at damdamin, pero kapatawaran lang ang siyang sasagot sa mga ito at kapag nagawa mo na ito ay mapagtatanto mo na lamang na maayos ka na at lumipas na ang sakit at pagdurusang naidulot sayo ng isang trahedya. Kung ang Diyos nga ay nagpapatawad, tayo pa kayang kanyang mga nilikha? hindi ba't sa tuwing tayo ay nagkakasala ay palagi tayong pinapatawad ng Diyos? sapagkat mahal niya tayo kaya niya yun ginagawa"

Natahimik si Lian dahil sa sinabi ni Yunxi. Alam niya sa sarili niyang si Zaijun ang dahilan kung bakit niya ito naitanong sa kanya, at tila ba napukaw ang puso niya at damdamin sa naging sagot nito. Makakaya nga ba niyang mapatawad ang lalakeng mahal niya ngunit naging dahilan naman ng pagkamatay ng kanyang mga magulang? pakiramdam niya ay nahahati ang kanyang puso sa dalawang hanay maging ang kanyang isipan ay nagtatalo din, araw-araw ay para siyang nilalamon ng mga ito kasabay ng sakit at pagluluksang pinagdaraanan parin niya ngayon.

Umalis na mula sa palasyo ng Weiyang si Lian at ipinangako kay Yunxi na sa pagbalik niya ay maibabalik sa kanya ang nawala niyang ranggo.

Mabilis na isinara ni Yunxi ang pintuan ng palasyo at kaagad na humawak sa kanyang dibdib at hindi siya makahinga. Nakadapa ito sa lupa at pilit niyang iginagapang ang katawan papalapit sa mesa kung saan may isang basong tubig na nakapatong.

Malakas na hangin ang naramdama  niya na dahilan ng pagkamatay ng apoy sa kandilang nasa harapan niya, at sa pagpatay ng ilaw nito ang siya namang pagkawala ng tibok ng kanyang puso.

"Konsorte Chun, nandito po ang emperatris" tumingin si Luoyun sa tagapagsilbi

"Bakit siya narito?" kunot-noong tanong niya

"May nais lamang akong sabihin." tumingin sila sa emperatris na naglalakad papunta sa harapan nila

Yumukod ang tagapagsilbi maging ang personal na tagapagsilbi ni Luoyun at iniwan silang dalawa. Nanatiling nakaupo si Luoyun at sumimsim ng tsaa.

"Ano ang pakay ng emperatris at narito siya sa aking palasyo ngayong gabi?"

"May nais akong hingin na pabor, Konsorte Chun"

"Isang pabor? at ano ang nagtulak sa iyo Kamahalan upang maisip na maaari kitang gawan ng pabor?" nanliit ang mga mata ni Luoyun at sinusuri ang emperatris na walang emosyon nakatayo sa kanyang harapan at mukhang desidido itong hingin ang pabor na kanyang tinutukoy

"Nais kong humingi ng pabor saiyo upang hanapan ako ng paraan na makaalis rito sa palasyo"

Tumaas ang kilay ni Luoyun dahil sa kanyang narinig "Kamahalan, hindi isang bahay panuluyan ang palasyo upang lumabas ka at umalis sa oras na gusto mo. At isa pa ay kapag ginawan kita ng pabor ay madadamay ako at sa tingin mo ba ay hindi ako pagbubuntunan ng galit ng emperador sa oras na malaman niyang tinulungan kong lumabas sa palasyo ang babaeng kanyang sinisinta? emperatris ka ng Xiang, at nakatadahana na saiyo ang manatili rito habang buhay sa ayaw at sa gusto mo."

"Ngunit hindi mo rin ba naiisip kung sino ang mas makikinabang saating dalawa aa oras na iwan ko ang pwesto ko?"

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin Luoyun. Binibigyan kita ng dalawang araw upang makapagdesisyon kung ako ba ay iyong tutulungan." ngumisi ang emperatris at iniwan siya roon na nagiisip ng malalim

Napaisip si Luoyun at napagtanto ang ibig sabihin ng emperatris. Wala na si Konsorte Han, may sakit na rin si Konsorte Huang at imposibleng makabalik pa ito sa kanyang ranggo, at kung aalis ang emperatris ay maiiwang bakante ang pwesto nito, kung gayon ay...siya ang papalit sa pwesto nito kung sakali.

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Kde žijí příběhy. Začni objevovat