Wakas

275 9 4
                                    

Now Playing - In Your Light (Fromm)

Sa huling pagkakataon ay hinalikan ni Lian ang kanyang anak habang nakatulog ito sa bisig ng tagapagsilbing inatasan niyang mag-alaga may Haoran.

"Kamahalan..desidido na po ba talaga kayong iiwan ninyo ang prinsipe at ang emperador? hindi po ba kayo nagaalalang iwan ang inyong posisyon?" umiiyak at nagaalalang tanong ng tagapagsilbi

Ngumiti ng mapait si Lian at tinignan ang malaki at malawak sa nagtataasang mga pader ng palasyo. Nasa labas sila ngayon at nasa kanyang likuran ang isang kalesa at kutsero na magdadala sa kanya palabas ng palasyo. Sa palasyong ito nagsimula at nagtapos ang kanyang pagiging isang emperatris. Marami rin siyang nabuong masasaya ngunit marami rin siyang masasakit na mga alalang nabuo rito at naniniwala siyang habang narito pa siya ay hinding-hindi niya ito magagawang kalimutan at mananatili ang trauma sa kanyang puso't-isipan habang buhay kapag hindi siya umalis.

"Alagaan mo ng mabuti ang aking anak, ipinagkakatiwala ko siya saiyo."

"Masusunod po, Kamahalan"

Sa huling pagkakataon ay lumuhod siya at nagbigay galang sa emperatris. Naiiyak si Lian ngunit kailangan niya itong gawin. Alam niyang mas gaganda ang kinabukasan ni Haoran kapag dito siya sa loob ng palasyo lalaki kasama ang kanyang ama sapagkat siya ang magiging susunod na tagapagmana ng trono nito. Tumulo ang kanyang mga luha habang humahakbang paakyat sa kalesa at sa oras na umandar na ito ay alam niyang wala na siyang takas pa at hindi na rin siya maaaring lumingon pa pabalik sapagkat sa oras na aalis na siya ay hindi na siya maaaring bumalik pa. Wala na siyang babalikan pa.

Mula sa puntong ito ay hindi na siya ang emperatris ng Xiang. Iiwan na niya ang lahat-lahat rito at magsisimula ulit siya ng panibagong buhay sa lugar kung saan hindi niya alam kung saan siya tutungo. Masyado ng masakit para sa kanya at baka hindi na niya kayanin.

"Maiintindihan mo rin ang aking naging desisyon balang araw, Zaijun."

Inalala niya ang nangyari kagabi kung saan ay magdamag siyang nanatili sa emperador na walang kaalam-alam na ito na pala ang kanilang huling pagsasama. Tinignan niya ang kanyang kamay at hinaplos ang singsing na ibinigay ni Zaijun kagabi sa kanya at siya mismo ang nagsuot rito sa kanyang daliri.

"Tuwing suot mo ang singsing na ito ay ipapaalala nitong kasa-kasama mo ako kahit saan ka man magpunta"

"Patawad, aking emperador" hindi na niya napigilan ang umiyak at humikbi

Nakadungaw siya sa bintana ng kalesa habang umaandar ito papalayo sa palasyo na minsan rin niyang naging tahanan at sa paglayo niya ay isinara na niya ang kurtina. Iiwan na niya ang lahat.

Kaagad na binuksan ng emperador ang pintuan ng silid ni Lian at bumungad sa kanya ang maayos at walang katao-taong silid nito. Napaatras siya at nagtungo sa bakuran pero hindi parin niya nakita ang emperatris, kakatapos lamang rin niya magtungo sa imperyal na hardin, lawa at ang mga lugar kung saan madalas magpunta ang emperatris ngunit hindi pari niya ito mahanap.

"Nasan ang aking emperatris?" seryosong tanong ni Zaijun

"Kamahalan..i-iniwan na po kayo ng emperatris" umiiyak na sagot ng kanyang yunuk at lumuhod kasama ng mga tagapagsilbi ni Lian

"Hindi ito totoo!" bigla siyang sumigaw at ibinato ang plorera mg bulaklak

Mabilis siyang lumabas at tumingin sa paligid. Patakbo niyang tinungo ang imperyal na korte at nagbabaka-sakaling naroon ang emperatris ngunit wala parin ito. Tumingin siya sa malawak sa paligid ng korte.

"Lian!" desperado nitong isinigaw ang pangalan niya

"Lian nasaan ka!"

Bumigay ang kanyang tuhod at napaluhod siya sa lupa habang isinisigaw ang pangalan ng emperatris. Nasasaktan ang kanyang puso ngayon habang sinusuntok niya ang lupa at walang pakealam kahit pa dumugo ito.

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum