章节-2

268 5 0
                                    

Hawak-hawak ni Xiaoran ang kamay ng prinsesa habang inililikas ito mula sa kaguluhan sa kanilang kampo kung saan sila ay pansamantalang nagpahinga. Kung tutuosin ay baka hindi bababa ng isang daang mga sundalo na lamang ang mga natira dahil sa dami ng mga tulisan na sumalakay sa kanila, ngunit mukhang hindi lamang sila mga normal na tulisan.

Kahit hindi alam kung saan patungo ay patuloy parin ang dalawa sa pagtakbo tungo sa mga kakahuyan umaasang maililigaw nila ang mga humahabol sa kanila, habang ang iba namang mga sundalo ay humahabol sa kanila upang protektahan ang prinsesa ng Kaharian ng Qi. Biglang hinila ni Xiaoran ang prinsesa sa isang sulok ng mga kahoy at ipwinesto ito sa kanyang likuran at doon nagtago habang ang ilang mga sundalo naman ay nakikipaglaban sa mga tulisan.

Tanging ang mga paghinga lamang ng dalawa ang tanging maririnig kasabay ng mga pagtama ng mga espada sa gitna ng kakahuyan kasabay ng mga pagtakbo ng mga paang umaapak sa mga dahon.

Napatingin na lamang si Xiaoran sa prinsesa at laking pasasalamat nito sa ligtas siya sa kanyang piling, nagagalit rin siya sapagkat kakarating lamang ng prinsesa rito sa lupain ng Kaharian ng Xiang ngunit anong nangyari at ngayon ay hinahanap na nila ang kanilang prinsesa upang patayin, kailangan na kailangan din niyang ipagsabi ito sa emperador upang malaman nito ang nangyari sa kanyang kapatid at upang managot ang may gawa nito.

"Kamahalan, kailangan nating maghanap ng mas tagong lugar upang doon muna magtago hanggang sa sila ay umalis"hinarap niya ang prinsesa

"Ngunit papaano ang ating mga sundalo?" nagaalalang tanong nito sa gwardiya kasabay ng kanyang pagbulong ng kanyang boses upang hindi sila marinig

"Mas mahalaga ang iyong buhay, kamahalan"

"Ano? hindi ko sila maaaring iwan !"

Ngunit wala ng nagawa ang prinsesa noong bigla siyang hinila ni Xiaoran papalayo kaya napatakbo na lamang siya habang dala-dala ang konsensiya niya sa mga sundalong kanyang iniwan, pakiramdam niya ay para na rin niyang pinaslang ang mga ito. Sa gitna ng pagtakbo ay bigla niyang inagaw ang kanyang kamay mula kay Xiaoran at napatigil sa pagtakbo kaya naman gulat siyang nilingon nito.

"Kamahalan.."

"Hindi ko sila maaaring iwan doon, may mga buhay sila! papaano mo nagagawang abandonahin ang iyong mga kasama?!" sumbat nito sa kanya habang nakaturo sa direksyon na kanilang pinanggalingan

Lumapit ito sa prinsesa at hinawakan ang kamay nito upang ilayo sa lugar na iyon ngunit hindi ito nagpatinag at nanatili roon.

"Kamahalan, ang mga sundalong iyon ay nanumpa upang protektahan ka kahit pa ang kapalit ay ang kanilang buhay, handa nilang ialay ang kanilang mga buhay para saiyo kaya naman sana ay makinig ka saakin " sambit ni Xiaoran habang nakaturo sa direksyon ng mga sundalo at mga tulisan  na naglalaban, kahit pa paubos na ang konsensiya nito ay iniintindi na lamang niya ang prinsesa sapagkat maging siya ay nanumpa rin upang protektahan ang prinsesa kahit pa ialay niya ang kanyang buhay

Napailing ang prinsesa at aktong maglalakad na sana pabalik noong bigla silang palibutan ng mga tulisan at mukhang hindi na sila makakatakas sa pagkakataong ito sapagkat ang bilang mga ito ay nasa sampo kumpara sa kanilang dalawa lamang.

Pumwesto na ang dalawa upang makipaglaban dahil sa pagkakataong ito ay sila-sila na lamang ang natitira upang protektahan ang kanilang sarili.

"Kamahalan, sa pagbilang ko ng tatlo ay tumakbo ka na" ngunit hindi sumagot si Lian at nanatiling nakapwesto

"Isa, Dalawa.." pigil ang hininga ng dalawa habang papalapit ng papalapit ang mga tulisan "Tatlo!"

Ngunit nagulat na lamang si Xiaoran noong humugot ng kutsilyo ang prinsesa at nakipaglaban sa mga tulisan na nasa kanyang likuran habang siya ay nakikipaglaban sa mga nasa harapan. Sa pagkakataong ito ay mukhang hindi na niya masusuway pa ang prinsesa. Noong aktong sasaksakin na ng isang tulisan si Xiaoran sa balikat ngunit naunahan na siya ni Lian noong ibinato niya ang kanyang kutsilyo sa kamay ng tulisan. Ngunit nagulat ang dalawa at napaatras noong may mga kasama pa pala silang mga paparating.

"Bakit ang dami nila?"gulat na tanong ni Lian

"Sapagkat ikaw ang pakay nila at kailangan nila ng maraming bilang upang makuha ka, kamahalan"

Napatingin na lamang silang lahat noong narinig nila ang mga sigaw ng mga sundalo mula sa likuran, ang iba ay sugatan at ang iba ay pilit na tumatakbo upang protektahan ang prinsesa sa abot ng kanilang makakaya. Muling nabuhayan ng pagasa ang dalawa dahil nakita nilang may mga buhay pa pala silang mga kasama.

Noong nagsimula na silang maglaban at kaagad na lumapit ang isang sundalo sa dalawa "Xiaoran, naniniwala akong maproprotektahan mo ang kamahalan kahit na wala na kami, ipangako mo saamin at sa ating emperador ang kaligtasan ng kamahalan" ngumiti ito at nagbigay galang sa harapan ng prinsesa bilang simbolo ng pagaalay niya ng kanyang buhay para sa kanya

"Ano? hindi, hindi ako papayag, madami pa tayo at kaya natin silang talunin" kaagad siyang pinatayo ni Lian ngunit ngumiti lamang ang sundalo sa kanya at kasabay nito ay ang tinginan nilang dalawa ni Xiaoran at sabay silang tumango

Tumalikod na ang sundalo at sumigaw habang papunta sa mga tulisan upang makipaglaban habang si Xiaoran ay kaagad na hinila ang prinsesa papayo, ngunit sa gitna ng sitwasyon ay iisa lamang ang nasambit niyang salita habang nakatanaw sa mga sundalo ng kanyang kaharian na nakikipaglaban para sa kanya.

"Patawad" at kasabay nito ay ang pagtulo ng kanyang mga luha

Malapit ng mag umaga ngunit walang tigil sa pagtakbo ang dalawa kahit na pagod na pagod at hinihingal na sila. Hanggang sa nakarating na sila sa ibaba ng bundok at nakababa sila sa isang daanan na mukhang malayo pa sa sentro sapagkat walang mga kabahay-bahay o kahit mga tao. Ngunit laking pasasalamag nila noong may makita silang isang enggrandeng kalesa sa may di kalayuan na papalapit sa kanila kaya kaagad itong hinarang ni Xiaoran.

Napatigil ang kalesa at bumaba naman ang isang babae na mukhang isang tagapagsilbi ng isang makapangyarihang opisyal dahil sa kanyang damit "Ano pong maipaglilingkod namin sainyo ginoo? mawalang galang na po ngunit ang laman ng karwaheng ito ay--"

"Maaari niyo bang tulungan ang aming binibini na makarating sa sentro, magbabayad kami ng nararapat na halaga" magalang na pakiusap nito para sa prinsesa upang makarating lamang ito sa sentro at makapasok sa palasyo dahil hindi sila maaaring magtagal rito dahil nanganganib ang kanilang mga buhay rito

Noong napatingin sila sa isang babaeng lumabas mula sa karwahe, enggrande at maganda ang damit nito, mukhang hindi lamang siya isang normal na mamamayan dahil sa kanyang itsura. Nakangiti siyang lumapit sa dalawa. " Ako ang may ari ng karwaheng ito, maaari na kayong pumasok sa loob ng karwahe, maluwag pa naman ang espasyo nito, mabuti na lamang at wala akong dalang mga bagahe"

Ngunit dala ng pagtataka ay nagtanong muna si Lian tungkol sa pagkatao nito dahil sa hindi biro ang basta bastang pagtitiwala sa mga hindi mo naman kakilala.

"Maaari ko bang malam ang iyong pangalan, binibini?" takang tanong ni Lian

Tinignan siya nito at ngumiti "Huang Yunxi, ang aking pangalan, ako ay nagmula sa pamilya ng mga Huang at ang aking ama ang gobernador ng bayan ng Xu, ako ang ikaapat na ranggong konsorte ng Emperador ng Xiang"

Pronounciations of Name:
Xiaoran-shaoran
Yunxi-yunshi

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt