章节-32

108 6 11
                                    

Nagulat si Lian dahil sa sunod-sunod na pagdating ng mga konsorte sa kanyang palasyo. Tatlong araw na rin mula noong ianunsyo ni Zaijun ang pag-prorpoklama kay Mingwei bilang ikalawang ranggong konsorte niya.

Unti-unti niya itong tinanggap ngunit may parte parin sa kanyang loob na para bang ayaw niya itong paniwalaan, sinong magaakala na ang dati lamang tagapagsilbi ng emperatris ay magiging isang konsorte ng emperador? talagang napakapalad nga nito.

"Ano ang ginagawa ninyo rito?" takang tanong ni Lian habang nakatayo sa harapan ng tatlo

"Ako ang nauna rito at nais kong makausap ang emperatris" maowtoridad na sambit ni Luoyun sa dalawa

"Sabi ng emperatris ay maaari akong magpunta rito tuwing ako ay nababagot upang makapagkwentuhan kami" sunod na sagot ni Yunxi at napangiti kay Lian na ngumiti rin pabalik sa kanya

"Tsk, nais ko nga ring makakwentuhan ang emperatris e, may problema ba dun?" pagtataray ni Yanwan kay Yunxi

"Tama na, huwag na kayong magumpisa ng away rito sa aking palasyo. Tayo ay pumasok na sa loob"

Wala ng ibang magawa si Lian kundi ang patuluyin ang tatlong konsorte sa palasyo ito. Ngayon ang araw ng ceremonya ni Mingwei upang maging ganap na siyang konsorte ng emperador at walang kahit na isa sa mga konsorte ang dumalo maging ang emperatris.

"Hindi parin talaga ako makapaniwalang naging konsorte ang hampaslupang yun, kung sana ay singutan ko na lamang ang kanyang mukha" nakangisi at naiiritang tono ni Yanwan ngunit napatigil siya noong napatingin sa kanya ang lahat

"Konsorte Han, panatilihin mo ang iyong tamang asal. Lalong lalo na at nakakataas na siya sa inyo. Ikalawang ranggo na siya" pagkasabi niya roon ay para bang nagbalik ulit ang nararamdaman niyang paninibugho sa bagong babae ng emperador

Siya na ang bagong binibini sa imperyal na harem, ang panibagong babaeng kukuha ng atensiyon ng emperador, ang bagong babaeng posibleng makakuha ng pabor ni Zaijun, at ang mas malala ay ang babaeng maaaring mahalin ng emperador. Nasasaktan si Lian sa naiiisip niyang ito. Dahil kagaya ng panahon ay nagbabago rin ang puso at damdamin ng isang tao, at ang tangi lamang niyang hinihiling ay huwag sana itong mangyari sa kanilang dalawa ng emperador.

Dahil ito ang unang beses na nasubukan niyang magmahal, ang unang beses na nasubukan niyang ipaglaban sa harap ng maraming tao, at ang unang beses na maramdaman niyang minamahal rin siya. Noong una ay inakala lamang niyang pagsuyo ang nararamdaman nila sa isa't-isa ni Zaijun ngunit habang tumatagal ay napatunayan niyang tunay na pagibig na nga ito.

Nais niyang manibugho ngunit hindi pwede, nais niyang pigilan ang emperador na gawing konsorte si Mingwei ngunit hindi pwede, nais niyang sabihin sa emperador na ipangako sa kanyang siya lamang ang kanyang mamahalin ngunit hindi maaari. Dahil siya ang emperatris, ang ina ng kanyang nasyon. Ang nararapat lamang niyang taglayin na ugali ay ang maging mabuting ehemplo para sa lahat.

"Ceremomya ni Konsorte Wei ngayon kaya nararapat lamang na magpunta kayo. Hindi maganda kung makikita ng lahat na walang kahit ni isa sa imperyal na harem ang naroon upang manood sa kanyang ceremonya, maapektohan ang emperador at magkakaroon ng maling kaisipan ang mga tao tungkol sa imperyal na harem at ayokong madawit ang emperador"

"Hmp, bakit naman ako pupunta. Bahala siya diyan, naiirita ako sa mukha niya" matigas na opinyon ni Yanwan at mukhang wala talagang makakapilit sa kanyang magpunta

"Sinusuway mo ba ako Konsorte Han?" biglang nagseryoso si Lian at agad namang yumukod si Yanwan upang humingi ng tawad sa mga salitang kanyang isinambit

"Patawad, Kamahalan."

Bumuntong-hininga si Lian dahil sa inaaktong ugali nito. Batid niyang mas mapapahamak pa ito sa hinaharap kung magpapatuloy ito sa ganitong asal lalo na at may alitan sa pagitan nilang dalawa ni Konsorte Wei.

"Ikaw kamahalan, hindi ka ba pupunta?"takang tanong naman ni Yunxi at napaiwas naman ito ng tingin

"Hindi maayos ang pakiramdam ko ngayon. Nais ko munang magpahinga"

Napatango-tango si Yunxi sa sagot ng emperatris.

"Kung gayon ay iiwan muna namin kayo, tsaka na lamang ako babalik sa ibang araw"

Mahinhin at magalang na nagbigay ng galang ang tatlo bago sila umalis mula sa palasyo ng Xianfu.

Kaninang umaga pa natapos ang ceremonya ni Mingwei at nasa kanyang bagong palasyo ito ngayon. Medyo may kalakihan ito at punong-puno ng mga magagandang disenyo at ang mga estraktura ay napakaganda. Dahan-dahan siyang naglakad papasok sa bago nitong silid habang nakahawak sa bawat pader na kanyang nadadaanan. Napapatak ang kanyang luha dahil sa sayang nararamdaman.
Napatingala siya sa kisame kung saan may enggrandeng aranya (chandelier).

Pumasok naman ang isang tagapagsilbi na magsisibli na sa kanya ngayon "Konsorte Wei, nakahanda na po ang inyong pampaligo at ang iyong damit na gagamitin mamayang gabi sa pagsasama ninyo ng emperador"

"Konsorte Wei"..nagpaulit-ulit ito sa kanyang isipan, tila ba napakaganda nitong pakinggangan para sa kanya.

Sumunod siya sa mga ito at hinayaan siyang paliguan siya at ayusan siya. Amoy na amoy ang bango ng mga bulaklak na nasa kanyang paliguan ngayon. Hinawakan niya ang isang bulaklak at pinagmasdan ito.

"Nakamit ko na ang pangarap ko." ngumiti ito at ibinato ang bulaklak sa sahig

Nakaharap siya sa salamin habang sinusuklay at ang iba naman ay nikalagyan ng mga palamuti ang kanyang ulo. Ibang-iba na ang kanyang itsura at tindig ngayon, nagbago na talaga ang kanyang katauhan.

Alas-7 ng gabi at hinihintay niya mag-isa ang emperador sa kanyang bagong malawak na silid. Tahimik lamang siya habang nakangiti siya at kinikilig dahil sa mga naiiisip niyang posibleng mangyari ngayong gabi.

Mabilis itong tumayo at tumingin sa pintuan noong narinig niya ang pagbukas nito. Kumabog naman ng malakas ang kanyang puso noong humarap sa kanya ang emperador ng diretso ang tingin sa kanya.

Magulo ang buhok nito at payapa ang kanyang mga matang ang tingin lamang ay nakatuon sa kanya. Dahan-dahan itong humakbang papalapit sa kanya. Seryoso ang awra nito at tila ba parehas silang binibingi ng katahimikan.

"Malugod na pagbati saiyo, Kamahalan" nakangiti niyang pagbati rito

Ngunit nagulat ito noong bigla siyang hatakin ng emperador sa braso at pwersahang ipahiga sa higaan. Nanlaki ang mga mata ni Mingwei dahil sa ginawa ng emperador.

"Kamahalan.."

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Where stories live. Discover now