章节-10

164 4 0
                                    

Dalawang linggo ang nakalipas at magaganap na nga ang kasalan ng prinsesa ng Kaharian ng Qi at ang emperador ng Xiang na prinsipe rin ng Kaharian ng Liang. Inaayusan ng mga tagapagsilbi si Lianfei habang ito ay nakaupo lamang ng tahimik at hindi alam kung ano ang iispin sapagkat lumilipad ang kanyang isipan dahil na rin sa hindi siya makapaniwalang ikakasal na siya at magiging emperatris ng isang makapangyarihang bansa. Hindi niya kailanman ninais na maging prinsesa at minsan ay sana hiniling na lamang niyang ipinanganak siya bilang isang normal na mamamayan lamang kung saan ay may kalayaan siya at kaya niyang gawin ang lahat ng kanyang nais ng walang pumipigil sa kanya.

Abala ang lahat sa palasyo dahil sa enggrandeng kaganapan na ito, ang pagbubuklod ng dalawang makapangyarihang kaharian para sa katahimikan at kaayusan. At sa oras na mangangailangan ng tulong ang isang kaharian ay nakahandang tumulong ang kahariang kasapi nito.

Inayos ng mga tagapagsilbi ang buhok ni Lainfei, nilagyan rin nila ng mga palamuti ang mga ito at nilagyan ng kolorete ang kanyang mukha, tinulungan rin nila itong isuot ang enggrande nitong bistida bilang ang magiging emperatris.

Pumasok ang yunuk ng emperador at noong nakita niya ito ay napangiti ito dahil sa galak na maikakasal na ang emperador sa isang napakagandang prinsesa na tiyak ay magiging kanang kamay nito sa hinaharap tungo sa pamumuno sa Kaharian ng Xiang. "Kamahalan, oras na po"

Tumayo si Lianfei at inalalayan naman siya ng kanyang tagapagsilbi na papunta sa imperyal na korte upang doon maganap ang kanilang kasalan. Pagdating niya roon ay lahat ng mga ministro at mga opisyal, ministro at mga matataas ang ranggong aristokrat na nakagilid upang maging mga saksi sa ceremonya.

Huminga ng malalim si Lianfei noong naglakad na ito sa harapan nila paakyat sa imperyal na korte at naroon naman si Zaijun na nakatayo at naghihintay sa kanyang magiging emperatris

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Huminga ng malalim si Lianfei noong naglakad na ito sa harapan nila paakyat sa imperyal na korte at naroon naman si Zaijun na nakatayo at naghihintay sa kanyang magiging emperatris. Nakatingin lamang siya kay Lianfei habang naglalakad ito papalapit sa kanya. Hindi na siya ang isang prinsipe na ginagawa ang lahat ng kanyang nais ano mang oras, hindi na siya ang prinsipe na walang inaaalala sa aras-araw, lahat ng ito ay isinuko na niya magsimula noong naging emperador siya ng kanyang kahariang ipinamana ng kanyang ama.

Ngayon ay nakikita niya ang babaeng pakakasalan niya, ang babaeng pakakasalan lamang niya dahil sa kasunduan. Ngunit alam ni Zaijun sa kanyang sarili na lahat ng bagay ay maaaring magbago, maging ang ating mga puso at ang ating mga nararamdaman. Hinawakan niya ang kamay ni Lian at sabay silang humarap sa imperyal na korte at sabay na pumasok habang nasa gilid naman ang mga konsorte nito habang naka yukod. Sa pagpasok nila sa loob ay ipinangako na ni Zaijun sa sarili na aalagaan niya at gagawin niya ang lahat upang protektahan ang babaeng kasama niya ngayon, kahit na hindi niya ito mahal ay naniniwala siyang balang araw ay baka matutunan rin niya itong mahalin ng buong puso at hindi dahil sa kasunduan lamang.

Nakatayo ngayon sa harapan ng malawak na palasyo si Lianfei at dinadama ang hangin bilang ang emperatris. Napatingin siya sa kanyang sariling repleksiyon sa lawa sa kanyang harapan. Ibang-iba na ang kanyang wangis ngayon. Siya na ang mataas na ranggong emperatris, lahat ay nararapat lamang na gumalang sa kanya, lahat ay kaya niyang kontrolin at gawin. Ngunit hindi mawari ni Lianfei kung bakit tila hindi siya masaya ngayon sa araw ng kanyang kasal.

Napaupo siya sa damuhan ng hindi iniisip ang maaaring sabihin ng iba, wala siyang pakealam kung sino man ang makakita sa kanya. Napapikit siya at dinama ang tahimik na paligid noong naramdaman niya ang presensiya sa kanyang tabi na umupo rin kaya tinignan niya ito.

"Ano ang nasa isipan mo?" tanong ni Zaijun habang nakatanaw rin sa paligid

"Kung ano ang magiging buhay ko ngayon rito, kamahalan" sagot nito

Tinignan siya ni Zaijun at ngumiti ng tipid bago ibinalik ang paningin sa malawak na  lawa "Ano sa tingin mo?"

Napabuntong-hininga si Lian "Nais ko ng tahimik na buhay, wala akong balak na makipag-away at makipag-kompetensiya sa mga ibang konsorte"

Napatawa si Zaijun kaya naman tinignan siya ni Lian dahil ito ang unang beses na nakita niyang tumawa ang emperador. "Alam ko iyon Lian, kaya naman ay nagpapasalamat na ako ngayon dahil ikaw ang napili ng Diyos na mapunta sa aking tabi"

Napangiti ng kaunti si Lianfei dahil sa sinabi ni Zaijun. Hindi niya akalaing mabait rin pala ito, ang unang impresyon niya kasi rito ay masungit, babaero, at iba pang mga hindi kwalipikadong mga ugali para sa isang emperador. Ngunit mali pala siya.

"Ako rin, nagpapasalamat rin akong ikaw ang naging kabiyak ng aking puso" diretso ang tingin nito kay Zaijun na mukhang nagukat sa sinabi nito

Hindi inaasahan ni Zaijun ang isasagot ni Lian. Napatitig na lamang siya sa mga mata nito at ganun rin si Lian. Ilang minutong natahimik ang dalawa habang nakatitig sa isa't isa sa hindi malamang dahilan. Habang nasa likod nila ang mga tagapagsilbi nila na natutuwa dahil nagkakasundo ang bagong kasal.

"Nanaisin mo bang sumama sakin kung sakaling may oras na dumating na ako'y lilisan upang iwan ang lahat ng mayroon ako?"

Napa-awang ang labi ni Lian at kaagad na umiwas ng tingin dahil hindi niya alam ang isasagot niya sa emperador. Napayuko na lamang siya. Ano bang isasagot niya? nanaisin ba niyang samahan ito upang talikuran ang lahat ng mayroon siya? upang iwan ang kanyang posisyon bilang emperatris?

"Oo naman"

Nilingon kaagad siya ni Zaijun. Hindi niya inaasahan ang sagot na ito mula kay Lian, bigla na lamang siyang nakaramdam ng galak sa kanyang puso sa sagot niyang ito.

"Noong mga oras na nanumpa tayo ng sabay ay nanumpa na rin akong sasamahan kita kahit saan, susuportahan sa kahit na ano, at mananatili sa iyong tabi bilang iyong emperatris, gagawin ko ang aking makakaya upang tulungan ka"

Napangiti si Zaijun at umiwas ng tingin. Nagpapasalamat siya dahil si Lianfei ang ibinigay sa kanya bilang kanyang emperatris. Sa pagkakataong ito ay naramdaman na niyang hindi siya nagiisa, na may handang tumulong at umalalay sa kanya. Ang mga nagdaang taon para sa kanya ay sadyang napakahirap sapagkat habang siya ay lumalaki ay natutunan na niya ang pamunuan ang isang malawak na bansa na kanyang nasasakupan. Sa edad na 20 ay naipasa na sa kanya ang trono at ang napakalaking responsibilidad. Ilang taon niya itong pinamunuan ng mag-isa, ngunit ngayon ay may karamay na siya.

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Where stories live. Discover now