章节-6

184 4 0
                                    

Nakamasid ang prinsesa kasama si Yunxi sa palasyo, sapagkat ito ang unang beses na nakita ni Lian ang palasyo ng mas maliwanag sa umaga, ang lugar kung saan siya titira, ang lugar na hindi magtatagal ay ituturing niya bilang sarili niyang tirahan, ang lugar kung saan siya bubuo ng mga bagong ala-ala kasama ng mga taong makamasama niya rito.

"Napakaganda ng palasyo, hindi ba kamahalan?"tanong ni Yunxi na siyang maghahatid sa kanya papunta sa kanyang palasyo

"Hindi ko alam, kung ano nga ba ang magagawa ng palasyo na ito sa aking buhay, kung ang lugar ba na ito ang lugar kung saan ako mamumuhay habang buhay ng masaya"

"Wala kang dapat ipagalala kamahalan, narito ang emperador upang samahan ka" sagot nito habang nakangiti

Hindi na siya sumagot at nauna nang naglakad, magmula noong bata pa lamang si Lian ay hindi niya alam kung papaano makipagkaibigan sa iba, kaya naman lumaki itong palaging nasa loob ng palasyo at hindi nakikipag kaibigan sa mga anak ng mga matataas ang ranggong mga opisyal. At bukod pa doon ay hindi niya rin alam kung ano ang tunay na kahulugan ng kaibigan, at kung papaano ka makakahanap ng totoong kaibigan.

Nakarating sila sa harapan ng isang malawak at malaking tarangkahan na may nakasulat sa itaas, mukhang ito nga ang tinutukoy ni Konsorte Yunxi na kanyang magiging palasyo, ang Silangang palasyo ng Xianfu. Nagbigay galang sa kanya ang mga gwardiya at sinalubong rin siya ng kanyang mga magiging tagapagsilbi at nagbigay galang rin sa kanyang harapan.

"Malugod na pagbati saiyo, kamahalan"

Pinagmasdan niya ang paligid, napakaganda at napakalawak, napapaligiran ito ng mga halaman at may maliit na lawa sa loob na may mga isdang lumalangoy, may mga kubo rin sa paligid. Napakatahimik ng lugar na tiyak ay magugustuhan ni Lian.

"Sadyang napakaganda nga ng iyong palasyo kamahalan, sa tingin ko po ay kailangan ko na pong mamaalam" magalang na sambit ni Yunxi habang nakatingin rin sa paligid ng may pagkamangha

Hinarap siya ni Lian at tumango ng kaunti "Maraming salamat sayo, Konsorte Huang" sagot nito

Yumukod (bow ) ang konsorte at umalis na kasama ang kanyang tagapagsilbi. Naiwan naman si Lian doon habang pinagmamasdan ang kanyang palasyo, ngunit nagtataka ito kung papaano nalaman ng emperador sa ganito ang estilo na kanyang nais, sapagkat ganito rin ang estilo ng kanyang palasyo sa Kaharian ng Qi na ipinagawa niya sa kanyang ama noong nabubuhay pa ito.

Pumasok siya sa loob ng palasyo at tinignan ang bawat silid at bawat sulok nito, may mga naka plorerang mga bulaklak sa mga gilid at maganda ang pagkakadisensyo, ngunit mas namangha at nagulat siya noong makita niya ang isang malaking nakapinta na kanyang mukha sa dingding ng kanyang magiging silid, ito ay ang kaparehas ng kanyang ipinapinta noong nakaraang buwan sa kanilang Kaharian, ngunit nakapagtatakang nandito din ito, sinuri niya ito at nakitang hindi ito ang naipinta na nasa kanyang palasyo, sapagkat ito ay bago.

Nakatali at nakaayos ang kanyang buhok rito na may mga palamuti at napakaganda rin ng pagkakapinta. Mukhang hindi isang ordinaryong pintor ang gumawa nito. Nagpunta siya sa sala ng kanyang palasyo at tinignan isa-isa ang mga mamahaling disenyo noong inabot niya ang isang libro sa itaas sapagkat nais niya itong basahin nguniy bigla na lamang niyang natabig ang isang baso sa gilid ng libro at noong mahuhulog na ito ay kaagad siyang umiwas ngunit hindi niya namalayan na napaatras at napatid siya ng lamesa sa likuran na may plorerang nakalagay.

Ngunit laking gulat niya noong may biglang sumalo sa kanya mula sa kanyang likuran at hinawakan ang beywang nito at inikot siya upang hindi siya matumba at bigla siya nitong sinalo kaya naman nasa braso na siya ng isang lalakeng hindi pamilyar sa kanya.

Sa hindi maintindihang dahilan ay tumibok ng malakas ang kanyang puso, kulang nalang ay marinig ito ng lalakeng nakasalo sa kanya ngayon. Maingat siyang binitawan ng lalake kaya naman agad din siyang lumayo ng ilang hakbang. Sinuri niya ang lalake noong napansin niya ang respetadong awra nito, at ang kagalang-galang nitong tindig maging ang damit nito.

"Patawad sa aking naging akto ngayon lamang, kamahalan" kaagad itong yumukod at humingi ng tawad z'snoong napagtanto niyang ito ang emperador

"Huwag kang humingi ng tawad, aksidente lamang ang nangyari"

Hindi mapigilan ni Lian ang mapatitig sa emperador, ito na ba? ang lalaking kanyang papakasalan? ang lalaking kanyang makakasama habang buhay? ang emperador ng Kaharian ng Liang? marahil ay tama nga ang mga sabi-sabi, na isa siyang magandang lalake, sadyang madami nga talagang mga dalaga ang magnanais na maging konsorte at makapasok sa palasyo dahil lamang sa emperador. Ngunit anong klaseng lalake siya? tanong nito sa sarili.

"Kumusta na ang iyong sugat?" hindi mawari ni Lian kung bakit hanggang ngayon ay hindi maalis ang titig niya sa kamahalan, kaya naman kaagad niyang ginising ang kanyang sarili sa katotohanan

"A-ayos lamang ako, kamahalan" naiinis siya sa sarili dahil bigla na lamang siyang nautal kaya naman bigla siyang tumalikod upang ayusin ang kanyang sarili

"May problema ba?" tanong ng emperador kaya naman kaagad itong lumingon sa kanya

Umiling ito at sumagot "Wala, pasensya na at sa tingin ko ay pagod ako, kailangan ko sigurong magpahinga" rason ng prinsesa upang mag rason na umalis muna ang emperador dahil sa tingin niya ay mawawala siya sa huwisyo kapag nagtagal pa rito ang emperador

Napatango-tango ang emperadoe at inayos ang roba nito "Kung gayon ay iiwan muna kita upang makapaghinga ka"

Nagbigay galang na at yumukod ito noong tumalikod na ang emperador at naglakad paalis ngunit bigla na lamang niya itong tinawag sa kauna-unahang pagkakataon, napalingon ang emperador at maging ang mga tagapagsilbi at ang yunuk nito na palaging nakasunod sa kanya.

Inayos niya ang kanya boses upang hindi ulit siya mautal sa harapan nito "Maaari ko bang tanungin kung papaano mo nakuha ang aking litrato? ang ibig kong sabihin ay ang naipintang larawan ko sa aking bagong silid?"

"Ipinagawa ko ito noong kaarawan mo, ito dapat ang regalo ko sayo para sa kaarawan mo ngunit hindi ko ito naibigay sa kadahilanang hindi ako nakadalo sa iyong espesyal na araw"

"At ang aking palasyo? papaanong katulad ng disenyo rito ang disenyo ng aking palasyo sa Qi?" takang tanong nito

"Sapagkat inalam ko ang disenyo ng iyong palasyo sa Qi, dahil nais kong maging komportable ka rito sa Kaharian ko, ang magiging tahanan mo sa oras na maging emperatris ka ng aking bansa"

Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lamang nagpasaya sa kanya ang nalaman niyang impormasyon.

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Where stories live. Discover now