章节-29

113 5 4
                                    

"Napakaganda ng emperatris.."

"Oo nga, tunay ngang nabiyayahan ng mga magagandang dilag ang emperador"

"Sana ay palarin rin akong maging konsorte, kahit ika-walong ranggo lamang ay sapat na saakin"

Bulungan ng mga tagapagsilbi sa departamento ng patahian dahil dumalaw si Lian rito upang tignan ang mga bagong ipinatahi niyang mga roba at mga bistida. Nakatayo ito malapit sa isang mananahi na tinatahi ang mga disenyo ng mga damit niya, maingat naman itong itinatahi ng tagapagsilbi sa takot na pumalpak.

"Anong tinitingin ninyo diyan? magsibalik kayo sa inyong mga trabaho at gawain" nagsibalik ang kumpol ng mga tagapagsilbi sa isang sulok noong dumating ang punong tagapagsilbi ng departamento ng pananahi

Mabilis itong lumapit kay Lian at yumukod "Malugod na pagbati saiyo, Kamahalan"

"Nais kong matapos ang lahat ng ito sa susunod na linggo. Ipapakuha ko na lamang ang mga ito sa oras na natapos na."

"Masusunod, Kamahalan" magalang nitong sagot sa emperatris

Pinagmasdan ni Lian ang paligid at naglakad na ito paalis kasama ang mga tagapagsilbi niya habang nakayukod naman ang mga tao sa pag-alis niya bilang paggalang ngunit nakuha ng atensiyon niya ang isang babae na nagbubuhat ng mga mabibigat na timba na puno ng tubig at isa-isa itong inilalagay sa bawat drum ng tubig.

Napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa direksyon ni Mingwei na mukhang nahihirapan sa trabaho nito, napatingin rin naman ang punong tagapagsilbi kay Mingwei dahil nakuha nito ang atensyon ng emperatris.

"Pinapadala po siya ng departamento ng paglalaba rito upang araw-araw magdala ng tubig rito para may panghugas at panglaba sa mga tela na ihahandang tatahiin, Kamahalan" paglilinaw niya at tinignan rin ang nakakaawang dalaga na hirap na hirap sa pagbubuhat ng mga timba

Nakaramdam ng awa si Lian dahil kahit papaano ay naging masunurin naman ito sa pagsisilbi sa kanya ng ilang buwan. Naglakad siya papunta sa direksyon ni Mingwei noong napansin naman niya kaagad ito at mabilis na yumukod sa harapan nito bago pa ito makalapit sa kanyang pwesto.

"Malugod na pagbati saiyo, K-kamahalan"

"Kumusta ang iyong trabaho?" gulat siyang tumingin kay Lian noong itinanong niya ito sa kanya ngunit kaagad naman siyang tumungo ulit

"A-ayos lamang po, Kamahalan"

"Mabuti kung gayon." napatango si Lian at pinagmasdan siya ng ilang segundo at aktong maglalakad na paalis pero napalingon siya dahil nagsalita ulit si Mingwei

"Kamahalan...p-pakiusap po..tulungan ninyo ako. " umiiyak na ngayon sa harapan niya ang tagapagsilbi

Magulo ang kanyang buhok na tila ba ilang oras na siyang pabalik-balik, basa ma rin ang ilang parte ng bistida nito at pawis na pawis na rin ang dalaga. Matingkad ang sinag ng araw ngayon kaya naman sobrang init ng panahon.

Nagtataka siyang tinignan ng emperatris at hinihintay itong ituloy ang kanyang sasabihin. Nakaluhod ma umusog si Mingwei papunta sa harapan ng mga paa ni Lian habang umiiyak.

"Nahihirapan po ako sa aking trabaho..araw-araw po nila akong minamaltrato sa d-departamento ng paglalaba, ako ang kanilang ginagawang alipin"

Pagsusumbong nito na para bang nakakatandang kapatid niya ang emperatris at nais niyang mabigyan siya ng hustisya. Iniabot ni Lian ang kanyang kamay at tinulungan itong tumayo dahil naaawa siya sa pinagdaanan nito, ngunit wala rin siyang magagawa kung ito ang kanyang ibinigay na parusa sa kanya sapagkat isang konsorte ang kanyang kinalaban. Nagbulungan ang lahat ng mga tagapagsilbing nakakita dahil isang mababang tagapagsilbi ang tinulungan ng emperatris.

"Ililipat na lamang kita sa palasyo ng emperador upang hindi ka na maliitin at masaktan pa."

Nanlaki ang kanyang mga mata maging ang mga kasamang tagapagsilbi ni Lian at ang punong tagapagsilbi ng departamento ng panahian dahil sobrang laking karangalan at talagang pinapangarap ng lahat ang makapag-silbi sa palasyo ng emperador kahit isang beses man lang.

"Maraming salamat, Kamahalan!" kaagad na yumukod ng paulit-ulit si Mingwei dahil sa galak at tuwa na kanyang nararamdaman, hindi na siya magdurusa muli at maagrabyado pa

Nginitian siya ni Mingwei at nginitian rin naman siya ng empertris dahil masaya siyang mapapanatag na ang loob ni Mingwei kapag ito ay magsisilbi sa emperador.

Naghihintay naman sa palasyo ng Xianfu ang mga konsorte ng emperador upang batiin ang emperatris kagaya ng kanilang nakagawian. Tahimik ang lahat noong dumating ang empertris at sila'y nagbigay galang. Pinanood nila itong umupo sa kanyang trono sa kanilang harapan.

"Kamahalan, aming nabalitaan kanina lamang na inilipat mo raw ang tagapagsilbing si Mingwei sa palasyo ng emperador?" takang tanong ni Yunxi at nakaabang naman silang lahat sa sagot ng emperatris

"Aking nga siyang inilipat roon, may problema ba?" seryoso niyang tanong

Napangiti si Yunxi bago sumagot "Wala naman Kamahalan, ngunit nakakapagtaka lamang na bakit sa palasyo ng emperador kung maaari niyo naman siyang kunin ulit sa inyong palasyo dahil dati ninyo siyang tagapagsilbi?" takang tanong niya

Bumuntong hininga ng mahina si Lian "Sa wari ko ay mas maganda kung sa palasyo siya ng emperador makapagsilbi upang mas makatulong siya sa emperador. Sapagkat alam kong mas panatag ang kanyang loob roon kaysa sa mga departamento na inaagrabyado naman siya. Kahit dati ko siyang tagapagsilbi ay nagaalala parin ako sa kanyang kalagayan kaya naman ipinadala ko siya roon."

"Ngunit muntikan na siyang gawin ng emperador na kanyang konsorte Kamahalan, hindi ka ba natatakot?" singit ni Yanwan sa usapan

"Isa lamang siyang mababang babae, wala siyang karapatang maging konsorte ng emperador kung pagbabasehan ay ang kanyang antas." magalang na sambit ni Luoyun habang nakahawak sa panyo nito

"Hindi ko maaaring kontrolin ang nararamdaman ng emperador sa kung sino man ang kanyang nais. At isa pa ay kinikwestiyon ba ninyo ang aking desisyon?" seryoso niyang tanong na nagpatahimik sa kanilang lahat "Ako ang pinuno ng imperyal na harem, ako ang gumawa ng mga alituntunin at ako ang mamumuno rito. Ngayon, kung kayo ay kumokontra sa aking desisyon ay sabihin niyo lamang." maowtoridad nitong sambit at wala paring nagabalang sumagot sa kanilang tatlo

#TheRoseInThePalace
#precxxious


The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें