章节-23

119 5 0
                                    

"Hoy! ahh--pasensya na--este Heneral Gao" seryosong lumingon si Xiaoran sa pinanggalingan ng boses ni Yanwan na  nakadungaw sa binatan at pinatakbo ang kanyang kabayo papunta sa karwahe ng emperatris na siya namang kumuha ng atensyon ng emperador

Sumilip si Xiaoran sa karwahe ng emperatris habang sumasabay sa lakad dito ang kanyang kabayo "Ano ang nangyari? may problema ba Kamahalan?"

Napahawak si Lian sa kanyang ulo at tila ba nanghihina ito. "Nahihilo ako" mahina nitong sagot

Kaagad na pinatakbo ni Xiaoran sa direksyon ng karwahe ng emperador ang kanyang kabayo upang ipaalam ang kondisyon ni Lian.

"Kamahalan, nahihilo ang emperatris" ulat nito

"Itigil ninyo ang biyahe"

"Itigil ang biyahe!" anunsyo ni Xiaoran at bumalik sa karwahe ni Lian

Tumigil ang lahat sa paglalakad at bumaba si Zaijun mula sa karwahe nito at kaagad na pumasok sa karwahe ni Lian upang suriin ang lagay nito. Tumabi naman si Yanwan upang bigyan ang emperador ng espasyo. Hinawakan ni Zaijun ang noo ni Lian at hindi naman iti mainit ngunit namamawis ito at mukhang naiinitan ito.

"Tawagin ninyo ang imperyal na doktor"

"Masusunod, Kamahalan" agad namang bumaba si Yanwan at ipinagutos kay Jiangchun ang utos ni Zaijun

Kaagad na naparoon ang dalawang imperyal na doktor at sinuri ang pulso at kalagayan ni Lian. Ilang minuto lamang ang itinagal nito.

"Kamahalan, marahil ay nahihilo ang emperatris at hindi pa ito sanay sa mahabang biyahe. Nararapat po siguro kung mamamahinga muna siya at mananatili sa labas ng karwahe upang makakuha ng sapat na daloy ng hangin."

Tumango si Zaijun "Salamat."

Kaagad niyang ipinagutos sa lahat na mamahinga muna sila ng dalawang oras upang maging maayos rin ang kalagayan ng emperatris. Anim na oras na sila sa biyahe at maya-maya ay sasapit na ang tanghalian kaya napagdesisyonan ni Zaijun na doon na rin sila magtayo ng pansamantalang tolda upang sila ay kumain na rin ng tanghalian roon dahil kinakailangan nila ng lakas lalong lalo na ang kanilang mga gwardiya at tagapagsilbi na marahil ay napagod sa paglalakad.

Inalalayan ni Mingwei at ang isa pang tagapagsilbi ang emperatris sa ilalim ng isang puno at naglatag sila ng tela na kanyang ma-uupuan. Napapikit siya at napahawak sa kanyang ulo ngunit bigla na lamang itong sumuka sa tabi, sakto namang nakita ito ni Zaijun kaya umupo ito sa tabi niya at hinagod ang kanyang likuran. Nanghihinang napasandal si Lian sa balikat ng emperador na nakaalalay sa kanya.

"Mas mabuti kung ika'y umidlip muna" suhestyon nito sa emperatris na nakapikit ang mga mata

Umiling ito ng mahina "Hindi ko alam kung papaano ako makakatulog"

Napabuntong hininga si Zaijun at umupo na rin sa tabi ni Lian habang nakasandal ang ulo nito sa kanya at pinapaypayan ng mga tagapagsilbi.

"Nais mo bang kantahan kita?" tanong nito kay Lian

Napangiti ito ng mahina at tumango bilang pagsang-ayon. "Maaari ba?"

Ilang segundong natahimik ang paligid bago nagsimulang kumanta si Zaijun. Mahina lamang ang kanyang pagkanta ngunit kay ganda ng kanyang boses, amg bawat tono ay umaayon sa liriko ng kanyang ikinakanta. Napatahimik ang mga tagapagsilbi at gwardiya na nasa paligid ng emperador at emperatris na nakikinig rin sa kanta ni Zaijun. Hindi nila maipagkakailangang napakagaling nito sa lahat ng bagay maging ang kumanta.

Sa gabing mapanglaw, ikaw ang hanap
O' giliw ko, dinggin mo ang nais ko
Kahapon, bukas at ngayon, mananatili sa aking isipan at puso
Kay lamig ng hanging hatid ng mundo
Kalawakan ay tila hindi sang-ayon

Puso ay sumubok na umibig, sana ay natagpuan na nga
Ang puno ay nababalutan ng nyebe, kagaya ng iyong pagsintang lumisan
Magkalayo man ang mundo, nawa'y huwag lumisan...

Aktong papalakpak na sana ang mga tagapagsilbi ngunit bigla silang sinenyasan ni Zaijun sapagkat magigising ang emperatris na napagtanto niyang tulog na sa kanyang bisig. Napangiti siya noong pinagmasdan niya itong mahimbing na natutulog animo'y nasa sarili niyang kama.

Nagpahinga na rin ang emperador at naidlip sa tabi ng emperatris. Nakabantay naman ang mga gwardiya sa paligid at nakamasid ng alerto kung sakaling may mga tulisan na sumalakay sa kanila o mga masasamang loob na nagbabalak ng masama.

Isang oras ang lumipas at nagising na si Lian, dahan dahan siyang umayos ng upo at nakitang wala na ang emperador sa kanyang tabi. Agad naman siyang inabutan ni Mingwei ng tubig. Pagkatapos niyang uminom ay napatingin siya sa paligid at nakita niya si Zaijun na naglalakad papunta sa kanyang direksyon at nasa likuran nito ang isang tagapagsilbi na may hawak na bandera ng pagkain, kumakain na rin ang mga tagapagsilbi at gwardiya na nakapwesto sa bawat lilim ng puno at ang iba ay sa mga tabi ng karwahe kung saan may silong.

"Kumusta ang iyong pakiramdam?"

"Ayos na ako" sagot ng emperatris

"Maayos kung gayon. Kakain na tayo upang magkaroon ka ng lakas--"

"W-wala akong gana, Kamahalan" mahina nitong sambit at napatungo

Umupo naman si Zaijun sa tabi nito at hinawakan ang kanyang kamay upang kumbinsehin itong kumain. "Lian.." panimula niya at tumingin sa paligid kung nasaan ang mga tagapagsilbi at gwardiya "Kinakailangan mong kumain upang magkaroon ka ng lakas. Nakikita mo ba ang mga gwardiya at tagapagsilbing iyan? ilang oras silang naglakad at tiniis ang pagod at gutom upang mapagsilbihan at mabantayan ka lamang bilang kanilang emperatris."

Napagtanto naman ni Lian na marahil ay tama nga si Zaijun. Sa kanya umaasa ang mga ito, at bilang ina ng bansa ay dapat siyang maging malakas at maayos. Napapayag na rin siya ng emperador na kumain kasabay niya.

Tumuloy na ulit sila sa biyahe at ilang oras na naman ang kanilang binyahe bago nila napagpasyahang tumigil sa gitna ng daan at magtayo ng mga pansamantalang malalawak na tolda (tent) upang may matulugan ang bawat isa.

Dahan-dahang bumaba si Lian mula sa kanyang karwahe at nakasunod naman si Yanwan sa likuran nito ngunit bigla nitong natapakan ang mahaba niyang bistida kaya naitulak niya ang emperatris ngunit kaagad naman siyang nasalo ni Xiaoran. Gulat siyang tinignan ng emperatris at napalingon ito kay Yanwan na nakaupo sa lupa habang inalalayan ng mga tagapagsilbi.

"Konsorte Han, ayos lang po ba kayo?"

Inis na sinampal ni Yanwan si Mingwei pagkatayo nito at gulat siyang tinignan ni Lian "Wala kang kwenta!"

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن