章节-28

115 9 4
                                    

Nakapameywang na nakaharap si Shuyan kay Luoyun na nakataas naman ang kilay sa prinsesa dahil sa inaakto nitong asal sa harapan niya.

Nasa palasyo sila ng emperador dahil nalaman ito ni Zaijun at nais niyang malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa prinsesa at sa kanyang konsorte dahil nagtataka siya kung bakit nahantong ang dalawa sa pagaaway lalong lalo na at damay rito ang prinsesa ng Liang. Inanunsyo rin ni Jiangchun ang pagdating ng emperatris na umupo sa kanan ng emperador.

"Siya kamahalan! inaagaw niya ang aking mga bulaklak"

"Iyong mga bulaklak? mukhang nagpapatawa ka yata prinsesa Shuyan? sila ay aking pagmamay-ari sapagkat ito ay regalo saakin ng aking ina"

Nakatayo sa gilid ang dalawa pang konsorte na sila Yunxi at Yanwan. Tumayo si Zaijun at lumapit sa dalawa. Inis na inirapan ni Shuyan si Luoyun sa harapan mismo ni Zaijun.

"Shuyan, nakikita kong ang pagkakamali ay nasa iyo. Kinuha mo ang mga bulaklak ni Konsorte Chun sa imperyal na hardin ng hindi nagpapaalam, ngayon, inaamin mo ba ang nagawa mong kasalanan sa harapan ko?" seryoso ngunit kalmadong pagkausap niya sa prinsesa

Bumusangot si Shuyan dahil alam niyang sinesermoman siya ng emperador at nalulungkot ito dahil hindi siya nito pinapanigan sa kabila ng nagawa niyang mali. Ngunit hindi siya magpapatinag dahil isa siyang prinsesa! bakit magpapakababa ang isang prinsesa para lamang sa isang konsorte.

"Hmp, mas kinakampihan mo lamang ang iyong konsorte, Kamahalan" tumungo ang ulo nito at napaiwas ng tingin

"Shuyan, hindi sa kinakampihan ko ang konsorte ko ngunit nasa iyo ang mali. Bilang nakakatandang kuya mo ay nais kitang turuan sa kung ano ang tama at mali, alam mo ang maling nagawa mo mgunit ayaw mo lamang itong aminin" naglakad pabalik sa kanyang trono si Zaijun at seryosong tinignan si Shuyan na nakaiwas parin ng tingin

"Kung gayon ay nais mo bang magkaroon tayo ng kasunduan, Kamahalan?" biglang naging interesado ang tono ng prinsesa na tila ba may naiisip siyang magandang ideya

Napatingin si Zaijun kay Lian na ngumiti at tumango ng tipid bilang senyas na pakinggan muna nila kung ano ba ang nais sabihin ni Shuyan. Napabuntong-hininga ang emperador at tumango "Anong klaseng kasunduan?"

Sumilay ang mga ngiti sa labi ng prinsesa na para bang sigurado itong magtatagumpay siya sa kanyang binabalak gawin.

"Nais kong alisin mo sa ranggo ng pagiging konsorte si Konsorte Chun"

Napakunot ang mga noo ni Zaijun dahil sa kanyang narinig na sinabi ni Shuyan habang si Luoyun at napangisi at napatawa ng tahimik dabil hindi ito makapaniwala sa mga planong ibinabato ng prinsesa upang mapabagsak lamang siya sa kanyang pwesto. Sumingit naman na sa usapan si Lian sapagkat alam niyang hindi na tama ang mga inaakto ng prinsesa.

"Prinsesa Shuyan, si Konsorte Chun ay dalawang taon ng konsorte ng emperador at hindi ganun kadaling alisin ito sa kanyang pwesto ng basta-basta at walang dahilan. Hindi mo lamang ito maaaring ipaalis ng dahil sa isang hindi pagkakaintindihan na maaari pang ma-solusyonan sa ibang paraan"

"Sumasang-ayon ako sa emperatris, hindi ito ang nararapat na maging hantungan ng isang hindi pagkakaintindihan" nailipat ang atensyon ni Shuyan kay Zaijun at nakaramdam siya ng inis sapagkat mas pumanig ito sa emperatris

"Ngunit kinakailangan mong pumayag! dahil sasabihin ko sa aking ama na alisin ang mga batalyon namin sa inyong panig sa gitna ng labanan kapag hindi ka pumayag sa aking sinabi" lumakas ang kanyang boses at naglakad paharap habang nakaturo kay Luoyun na nanatiling nakatayo sa kanyang pwesto

Nagsiluhod ang mga tagapagsilbi ni Shuyan dahil sa isinambit nito "Prinsesa Shuyan, bawiin po ninyo ang inyong sinabi!"

Tumayo si Lian at pumagitna sa kanila "Hindi magandang biro ang iyong sinabi Shuyan, ang nangyayaring labanan sa pagitan ng dalawang bansa ay dapat hindi gawing laro-laro lamang. Ikaw ang susunod na tagapagmana ng Kaharian ng Liang at dapat alam mo kung papaano magdesisyon ng nararapat bilang isang prinsesa"

"At ano bang alam mo? isa ka lamang emperatris na ipinagkasundo--"

"Shuyan!"

Napatigil ang lahat sa isang iglap dahil sa boses ni Zaijun. Naglakad ito papunta sa harapan ng prinsesa na para bang natakot ito sa boses ni Zaijun dahil sa sinabi niya patungkol sa emperatris.

Seryoso niyang tinignan ang prinsesa na para bang sinasabihan niya itong huwag niyang idadamay ang kanyang emperatris. Isang kalapastangan ang kanyang naging asal kay Lian ngunit mabuti na lamang at alam ni Lian kung papaano kumalma sa mga ganitong klaseng sitwasyon upang hindi na mas lumala pa.

"Si Lian ang emperatris ng aking kaharian, ang ina ng kaharian ng Xiang at siya rin ang prinsesa ng kaharian ng Qi. At kahit wala ang inyong mga batalyon ay kayang-kaya ng kaharian kong tumayo at lumaban mag-isa." napatahimik ang lahat dahil sa seryosong sambit ni Zaijun, napaka-awtoridad ng boses nito animo'y paparusahan niya ang sinumang sasalungat sa kalagitnaan ng kanyang pagsasalita "Huwag mo akong hahamunin sa pamamagitan ng kapangyarihan dahil lamang ang aking Kaharian."

Napatahimik ang prinsesa at walang kumibo sa kanilang lahat. Tunay ngang isang tanyag na emperador si Zaijun dahil nakakaya niyang pamunuan ang mga sitwasyon kagaya nito kagaya ng itinuro ng kanyang ama, huwag uunahin ang puso at emosyon. Unahin ang mamamayam at kapakanan ng lahat bago ang pansariling kapakanan.

Hinawakan ni Zaijun ang kamay ni Lian at nagulat namang napatingin ang emperatris sa magkahawak nilang kamay. Hinila siya ni Zaijun palabas mula sa kanyang palasyo at iniwan ang mga tao sa loob na nakatuon lamang ang atensyon sa dalawa.

Napatigil sa paglalakad si Zaijun noong napagtanto niyang napatigil rin sa paglalakad si Lian at nakatingin lamang sa kanya na seryoso ang emosyon. Naglakad papalapit sa kanya ito at walang ano-ano ay mahigpit niyang niyakap ang emperatris, walanh gumalaw sa kanilang dalawa o kahit nagsalita man lang ay wala.

"Bakit mo iyon ginawa?" hindi makapaniwalang tanong ni Lian

"Mas mahalaga ka sa akin, ikaw ang emperatris ko, ang nag-iisang asawa ko." kumalas sa pagkakayakap ang emperador "Hindi ko kayang ipagpalit ka sa kahit na ilang libong sundalo pa yan. Manatili ka lamang sa tabi ko ay sapat na para sa akin."

Napatanong si Lian sa kanyang isipan kung mayroon na nga ba..kung mayroon na nga bang nabubuong nararamdaman para sa emperador na handa siyang pahalagahan at ipaglaban? mayroon na ba?

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon