章节-7

177 4 0
                                    

Habang nagbabasa ng libro ay pumasok ang isang tagapagsilbi ni Lian "Kamahalan, narito po si Konsorte Chun"

"Konsorte Chun? sino siya?" tanong nito sapagkat hindi pa siya pamilyar sa mga tao sa loob ng palasyo

"Ang unang ranggong konsorte po ng emperador, si Konsorte Chun Luoyun" magalang nitong sagot

Napalingon sila noong nakita nila si Luoyun na papasok sa pintuan kasama ang person nitong tagapagsilbi at may mga dala silang mga kahon na mukhang mga regalo. Nakangiti itong humarap sa prinsesa ay nagbigay galang.

"Malugod na pagbati saiyo kamahalan, ako'y nangngamba na baka ika'y naguumagahan pa kaya naman hindi ako maagang nagpunta rito" nakangiti nitong pagbati

Nginitian din siya ng tipid ni Lian at tumayo mula sa pagkakaupo "Ikinalulugod ko ring makilala ka, Konsorte Chun"

Umupo na ang dalawa habang dinadalhan sila ng mga tagapagailbi ng meryenda at itinabi naman ni Lian ang binabasa niyang libro. Inilapag naman ng tagapagsilbi ni Luoyun ang mga kahon ng regalo nito para sa prinsesa kaya naman binuksan ito ni Lian at nakita niya ang maraming mga singsing at palamuti ng buhok na may mga disenyong mga mamahaling hiyas kaya napatingin ito kay Luoyun.

"Ito ang aking regalo para saiyo kamahalan, sana ay tanggapin mo ito"

"Maraming salamat ngunit hindi mo na kailangan pang magabala" medyo nagaalinlangang sagot nito

Tumawa ng mahinhin si Luoyun "Ito talaga ay para saiyo kamahalan, sana ay tanggapin mo ito kundi ay magtatampo ako" biro nito

Nginitian siya ni Lian at tinanggap ito sapagkat ayaw naman niyang sumama ang pakiramdam nito sa kanya. Hangga't maaari ay ayaw niya ng away at gulo kung ang usapan ay tungkol sa pwesto at pagdating sa puso ng emperador, basta't ang alam lamang niya ay nandito siya para sa kapakanan ng kanyang Kaharian.

"Kung may oras ka kamahalan ay maaari ba kitang imbitahan upang uminom ng tsaa sa aking palasyo? isang karangalan para saakin ang maka kwentuhan ka"

"Sige" sagot ni Lian, naisip rin niya baka mas magandang makilala niya ang mga taong makakasama niya rito sa loob ng palasyo lalo na at bago pa lamang siya rito

Tumayo na si Luoyun at nagbigay galang sa prinsesa "Maraming salamat sa pagpapaunlak sa aking pagbisita kamahalan"

"Salamat rin sa pagbisita, Konsorte Luoyun"

Umalis na ito at naiwan si Lian. Habang pinagmamasdan niya itong umalis ay napagtanto niyang hindi ito isang basta bastang binibini lamang na nais siyang maka-kwentuhan, marami na siyang mga nakitang mga ganitong mga sitwasyon, kung saan ay kukuha sila ng pabor sa isang mas nakakaangat upang sila ay umangat rin sa pwesto. Ngunit ayas muna niyang husagahan ang intensiyon nito, kaya naman ay dapat mas maging mapagpatyag siya sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Mag-isa lamang siya, at kinakailangan niya ring matutuhang protektahan ang kanyang sarili. Walang ibang ginawa si Lian buong maghapon kundi ang magbasa ng libro at maglibot sa kanyang bagong palasyo habang ang kanyang mga tagapagsilbi ay abala sa pagaayos ng mga gamit sapagkat bagong lipat pa lamang siya.

"Malugod na pagbati saiyo, kamahalan"

Napalingon si Lian sa babaeng nagsalita sa likuran at nakita niya ang isang babaeng kasing-edad niya na nakabihis din ng kagalang-galang na damit at may mga palamuti ang mga buhok nito at maging ang kanyang mga kamay ay nadisenyohan ng mga porselana at mga singsing.

Yumukod ito sa harapan niya at magalang na iniabot ang isang kahon na may magandang disenyo. "Pasensya na ngunit sino ka? bininini?" takang tanong ni Lian at pinagmasdan siya

Napatawa ng tipid ito bago sumagot "Ako po si Konsorte Han Yanwan, ang ikaapat na ranggong konsorte ng emperador. Ikinagagalak ko pong makilala ka, kamahalan" yumukod ito sa harapan niya

"Ako rin" tipid na ngumiti si Lian sa kanya at tinignan ang kahon na nasa harapan niya

Napansin ni Yanwan ang pagtitig ng prinsesa sa hawak niyang kahon kaya naman binuksan niya ito upang ipakita sa prinsesa ang laman nito at naglalaman ito ng mga perlas na porselana at mga mamahaling disenyo at pang-ipit sa buhok.

"Sana po ay tanggapin ninyo ang aking munting regalo, kamahalan"

"Salamat" inabot ito ni Lian at ibinigay sa isang tagapagsilbi upang ilagay ito sa kanyang silid

Napatingin si Yanwan sa paligid "Sadyang napakaganda nga ng palasyo ng Xianfu, ipagpaumanhin po ninyo kamahalan ngunit ngayon lamang kasi ako nakapasok sa palasyo ng Xianfu"

"Ayos lamang, kung nais mo ay maaari kang maglibot"

Nasiyahan naman si Yanwan sa kanyang narinig at yumukod sa prinsesa "Naisin ko man kamahalan ngunit natatakot ako na baka hindi ako makapaghanda sa handaan mamayang gabi" at inayos nito ang kanyang panyo habang nakaalalay ang personal nitong tagapagsilbi sa kanyang kanang kamay

Nagtaka si Lian sa tinutukoy nitong handaan kaya naman ay tinanong niya ito "Handaan? may magaganap ba mamayang gabi?"

"Kaarawan ko ngayong araw kamahalan, kaya naman ay iniimbitahan ko po kayong magpunta sa aking palasyo mamayang gabi upang mas magkakilala na rin tayo lalo na at tayo ay mga asawa ng emperador" ngumiti ito sa kanya habang inaayos ang kanyang buhok

Tumango si Lian ngunit hindi niya alam kung bakit may iba siyang nararamdaman sa presensya ni Yanwan, hindi niya mawari ngunit hindi niya gustong makipagkaibigan sa kanya kahit pa Konsorte ito ng emperador. "Sige, asahan mo ang pagdalo ko mamayang gabi"

"Maraming salamat kamahalan, kung gayon ay aalis na po ako"

Sa pagalis ni Yanwan ay tinawag ni Lian ang atensiyon ng isang tagapagsilbi upang magtanong.

"Ano pong maipaglilingkod ko sainyo, kamahalan?"

"Ilan ang konsorte ng emperador?" diretsa nitong tanong

"Tatlo po, kamahalan"

"May nalalaman ka ba tungkol sa kanila?"

Nagtaka at nagdalawang isip na sumagot ang tagapagsilbi dahil sa tanong na ito ni Lian ngunit kailangan niya pading sumagot dahil ayaw niyang maparusahan ng magiging emperatris ng bansang ito.

"Si Konsorte Chun po ang pinakaunang naging konsorte ng emperador, siya rin po ang anak ni Madam Ming-na na kilala bilang naging kasintahan ni Prinsipe Luhan ngunit hindi natuloy ang kanilang kasal, siya po ang may pinakamaimpluwensiyang pamilya sa kanilang tatlong mga konsorte. Si Konsorte Han naman po ang ikaapat na konsorte ng emperador, ayon po sa aking mga naririnig na sabi-sabi ay naka-kapit po ito kay Konsorte Chun sapagkat alam niyang makapangyarihan ito kaya naman silang dalawang ang magkaibigan sa imperyal na harem at palagi rin po siyang sinusunod ang mga utos nito sakanya"

"Papaano naman si Huang Yunxi?"tanong nito noong naalala niya ang babaeng tumulong sa kanya mula sa kapahamanak

"S-siya po ang pinakapinapinapaboran ng emperador, at ayon rin po sa aking mga narinig na usapusapan ay b-balak po siyang ..."bigla siyang napatigil sa pagsasalita dahil sa pagdadalawang isip kung sasabihin niya ba ito

"Ituloy mo" utos nito

"Na balak po siyang gawin ng emperador bilang e-emperatris"

Napataas ang kilay ni Lian sa kanyang narinig.

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Where stories live. Discover now