章节-45

99 3 4
                                    

Hindi malaman ni Lian kung anong oras na at kung gabi na ba o umaga na. Para siyang binibingi ng labis na katahimikan rito sa loob. Pero nabuhayan naman siya ng loob noong makita niyang binubuksan ng mga gwardiya ang selda at narito ang emperador ng mag-isa.

Napaluha siya habang tinitignan si Zaijun. Sabik na sabik siyang makita ito at nais niya rin itong kumustahin, tanungin kung naging maayos ba, kung nakakain na ba siya at kung nakatulog ba siya ng maayos sa mga gabing nagdaan. Pagkapasok palang nito sa selda ay agad na siyang sinalubong ni Lian ng mahigpit na yakap.

Hindi niya mapigilang mapaiyak sa bisig ng emperador. Naramdaman niyang niyakap rin siya nito pabalik makalipas ang ilang segundo. Tahimik ang dalawa hanggang sa kumalas si Zaijun at tinignan ang emperatris mula ulo hanggang paa. Ibang-iba ito ngayon, kakaiba ang kanyang damit at ayos at maging ang kanyang awra ngayon.

"Kamahalan ano ang nangyari kay Xiaoran? maayos ba siya? saang selda siya nakakulong?" sunod sunod na tanong ng emperstris dahil sa labis na pagaalala

Ngunit nagseryoso ang reaksyon ni Zaijun at unti-unting inalis ang kanyang pagkakahawak sa balikat ng emperatris.

Takang tinignan siya nito "Kamahalan may problema ba?"

Tumalikod ang emperador mula sa kanya "Kahit sa gitna ng iyong paghihirap ay siya parin ang iyong iniisip Lian, ano bang meron sa inyong dalawa?!" galit niyang hinarap ang emperatris

Nagulat si Lian at umiling ng paulit-ulit "Kamahalan, wala kaming relasyong at hindi kami kagaya ng iyong iniisip" nangungusap nitong sagot

"Sa tingin mo ba ay hindi ko alam at hindi ko nakita? Lian, bilang isang lalake ay alam ko kung papaano tignan at protektahan ng isang lalake ang babaeng kanyang sinisinta, at nakikita ko yun sa iyong personal na gwardiya at sa iyo mismo." giit nito habang nasasaktan ang mga mata noong naala niya ang kanyang nakita isang araw sa harapan ng palasyo ng Xiang

Napaiwas ng tingin si Lian at napahawak sa isa braso niya bago lumuluhang tinignan ang emperador. "Kamahalan, isa lamang yung yakap"

"Yakap na may ibig sabihin ganun ba?"

"At papaano naman ikaw Kamahalan, nangako ka saakin hindi ba? na ko na ang huling babaeng magiging parte ng imperyal mong harem. Ngunit ano ang nangyari? tumanggap ka ng isang babaeng naging dahilan kung bakit ako narito ngayon!" sigaw nito sa harapan niya

Napatigil rin ng ilang segundo si Zaijun dahil sa paglabas ni Lian ng kanyang hinanakit na ngayon lamang niya inilabas sa kanya.

"Lian magkaiba ang karapatan at tungkulin nating dalawa. Kailangan mong tanggapin at unawain bilang ang haligi ng aking imperyal na harem. Hindi maaaring ang mga emperatris ay magtaglay ng mapanibughong katangian dahil ikakasira ito ng harem na konektado sa korte." kalmado niyang paliwanag

Hindi na nag-abalang sumagot ang emperatris napapikit dahil nakokonsensya siyang sinigawan niya ang emperador. Pakiramdam niya ay hindi niya ito iginalang at masyado siyang nagpadala sa kanyang nararamdaman.

Ngunit hindi niya inaasahang bigla siyang hahatakin ng emperador at halikan ito habang nakahawak sa kanyang pisngi. Hindi nakagalaw si Lian dahil sa gulat ngunit hindi rin niya nais na kumalas. Napagtanto na lamang niyang gumaganti na siya sa pagsiil ng halik sa kanya ni Zaijun na tila ba sabik na sabik ito sa kanya. Parehas nilang hinahabol ang kanilang mga hininga noong kumalas silang dalawa mula sa pagkakahalik.

Hindi na nakapagsalita pa si Lian noong niyakap siya ng emperador at ikulong ito sa kanyang mga bisig habang hinahaplos ang buhok nito at halikan ang kanyang noo.

"Patawad, aking emperatris"

Niyakap niya ito nang mahigpit na para bang ayaw na niya itong pakawalan pa at malayo mula sa kanyang piling pagkatapos nilang magkahiwalay ng ilang buwan. Napagtanto rin ni Zaijun na ang emperatris lamang pala ang tunay niyang minahal at minamahal sa loob ng kanyang harem. Sa emperatris lamang siya nagkaroon ng tunay na pagsuyo hindi dahil palaging siya ang nariyan sa kanyang tabi ngunit dahil minahal niya siya sa kung sino man siya. Nagagalak siya tuwing iniisip niya kung papaano sila unang nagkita, nagkakilala, nagkausap at nagkasama.

"Lian, sabihin mo lamang mahal mo ay sapat na yun saakin" mahinang sambit ni Zaijun na para bang nanghehele ang kanyang boses habang marahang hinahaplos ang buhok ng emperatris

"Mahala kita, Kamahalan" walang alinlangang sagot nito

Napangiti siya at hinawakan sa dalawang balikat ang emperatris na nakangiti ng tipid sa kanya ngayon. "Hinding hindi kita papakawalan, aking emperatris."

Hinatulan ng emperador ang emperatris na manatili na lamang sa loob ng kanyang palasyo hangga't hindi pa siya nabibigyan ng pinal na hatol dahil sa kanyang pakikipagsabwatan sa kanyang kapatid ukol sa pagatake sa Kaharian ng Xiang. Tahimik na sinamahan ng mga gwardiya ang emperatris pabalik sa palasyo ng Xianfu. Kinakabahan si Lian ngunit nagtitiwala siya kay Zaijun sa ibinigay nitong pangako sa kanyang patatawarin niya ang mga magulang niya at huwag silang idamay sa gulong nais simulan ng kanyang kapatid.

Pagkarating niya sa kanyang palasyo ay naabutan niya ang mga tagapagsilbing tahimik at walang mga kibong naglilinis at nagaayos ngunit napatigil silang lahat noong mapansin nila ang presensya ng emperatris. Nanlaki ang kanilang mga mata at kaagad na nagsiluhod sa kanyang harapan upang magbigay ng galang.

"Malugod na pagbati saiyo, Kamahalan" sabay-sabay nilang pagbati

"Maaari na kayong tumayo." ani nito habang pinapanood silang magsitayo at makikita parin ang mga gulat at pagtataka sa mga mata nila

"Kamahalan, mabuti na lamang po at nagbalik na kayo" maluha-luhang lumapit ng kaunti ang isang tagapagsilbi sa kanya

"Bakit? may nangyari ba habang wala ako? minaltrato ba nila kayo?"

"Hindi po Kamahalan ngunit.." tumingin ito sa iba pa niyang mga kasamahan na pawang nalulungkot, naluluha at walang imik "Nagkagulo-gulo na po kasi ang imperyal na harem noong umalis kayo Kamahalan. Si Konsorte Chun po na dapat mamahala sa harem ay umalis rin po upang bisitahin ang kanyang ina na sa susunod pang buwan ang balik habang si Konsorte Han naman po ay nakarating saamin ang balitang maselan raw po ang kanyang ipinagbubuntis at hindi po matanggal ang kanyang pag-ubo na naging dahil pa ng pag-ubo niya ng dugo. Habang si Konsorte Wei naman po ay..n-nakipagkaibigan po siya noong una saamin ngunit hindi po namin inakalang isang araw ay bigla na lamang po siyang pupunta rito sa Xianfu at hahalughugin ang inyong palasyo habang wala kayo kasama ang mga gwardiya.."

"Papaanong nangyari ito?" galit na sermon ni Lian sa kanilang lahat

Bigla silang napatungo dahil sa takot na maparusahan habang ang tagapagsilbing kausap niya ay mabilis na lumuhod. Umiiyak at nanginginig ang mga kamay niya dahil sa kaba.

"Patawad, Kamahalan! nararapat lamang po na kami ay inyong parusahan" umiiyak itong nanatiling nakaluhod sa harapan ng emperatris

"Si Konsorte Huang? kumusta siya?" bigla niyang naalala si Yunxi sapagkat noong umalis rin siya ay may sakit ito

Nagkatinginan ang mga tagapagsilbi na para bang nagaalangang sumagot.

"Sagutin ninyo ako kung ayaw ninyong mapalayas lahat rito sa aking palasyo." maowtoridad na utos ni Lian

Napapikit ang tagapagsilbi "N-nailipat po siya sa palasyo ng W-weiyang"

Mas lalong nagulat si Lian dahil sa nalaman at dali-daling naglakad paalis mula sa kanyang palasyo patungo sa emperador.

Ang palasyo ng Weiyang ang palasyo kung saan ipinapadala ang mga konsorteng nagkasala, nagkasakit ng malubha na hindi na magagamot pa ay mga inabandona na ng emperador.

#TheRoseInThePalace
#precxxious


The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang