章节-38

107 6 5
                                    

Kaagad na nagtungo si Zaijun sa palasyo ni Mingwei noong nabalitaan niya ang nangyari rito. Saktong kakarating nila ng emperatris sa palasyo ngunit bigla namang ibinakita ng kanyang yunuk ang nangyari kay Konsorte Wei kaya hindi na siya nagdalawang-isip pa na puntahan ito.

Nagulat siya at ang kanyang mga tagapagsilbi noong naabutan nilang nakahawak ito ng kutsilyo sa kanyang silid habang umiiyak at nakatutok ang kutsilyo sa kanyang pulso.

"Konsorte Wei!"

Kaagad na tumakbo si Zaijun papunta rito at inagaw at kutsilyo mula sa kamay ng konsorte at ibinato sa binatana bago galit na hinarap si Mingwei na napaiwas ng tingin. Kaagad na lumabas lahat ng mga tagapagsilbi mula sa silid at iniwan ang dalawa.

"Ano bang iniisip mo?" galit na tanong ng emperador at kaagad na sinuri ang braso ng kanyang konsorte

Mahina namang inagaw ni Mingwei pabalik ang kanyang kamay at tinignan ng diretso ang emperador "Wala nang saysay ang buhay ko Kamahalan, kaya naman ay mas mabuting mawala na ako" umiiyak niyang sagot habang nakangiti na para bang nasisiraan na ng ulo

Kumunot ang noo ni Zaijun "Nahihibang ka na ba? ano ang nagtulak sayo pata gawin ito? hindi pa ba sapat sayong tumaas na ang antas ng iyong pamumuhay at komportable ka na ngayon sa loob ng aking palasyo?"

Ngunit umiling ang konsorte at naglskad papalayo sa emperador papunta sa kanyang higaan at umupo nang nakatalikod mula sa kanya.

"Hindi yun ang nais ko Kamahalan." napatawa ito ng mahina habang lumuluha "Sabagay, papaano mo nga naman malalaman na ikaw ang aking kailangan kung nasa ibang binibini ang iyong atensyon at pagsinta"

Napatahimik si Zaijun at tinignan ang kanyang konsorte na umiiyak ngayon sa kanyang harapan. Para bang nakaramdam ito ng awa dahil napagtanto niyang hindi nga siya naging patas sa kanilang lahat, magmula noong dumating ang emperatris ay natuon na sa kanya ang kanyang atensyon. Naglakad naman siya papalapit rito at umupo sa harapan niya habang umiiyak ang konsorte.

Hinawakan niya ang mga kamay ni Mingwei at tinignan ito. "Patawad." bumuntong-hininga siya "Nabulag lamang ako sa aking mga iniisip at hindi kita napagtuonan ng pansin at atensyon ngayong naging konsorte na kita"

"Ikaw lang naman ang nais ko. Lumaki akong walang pamilya, walang ina o kahit ama kahit man lang kaibigan ay wala. Natuto akong maglakad sa sarili kong mga paa sa murang edad, oo nga at aking hiniling ang magandang buhay ngunit kailangan rin kita Kamahalan"

Napatango si Zaijun at umupo sa tabi niya at pinasandal ang kanyang konsorte sa kanyang balikat habang nanatiling nakahawak sa kamay niya.

Umaga na at napagdesisyonan ni Mingwei na bisitahin at samahang kumain ang emperador dahil masaya siyang nagpunta ito kagabi sa kanyang palasyo ngunit hindi rin niya inaasahang pagdating niya sa tarangkahan ng palasyo ng emperador ay maabutan rin niya ang emperatris na nakatayo kasama ang kanyang mga tagapagsilbi at gwardiya na mukhang hinihintay ring mapapasok sa loob.

Napatingin naman ang mga tagapagsilbi ni Lian kay Mingwei at nagbigay galang rito. Hindi nila lubos maisip na ang dati lamang nilang kasamahan ay isa ng mataas na ranggong konsorte. Nagbigay galang rin naman ang mga tagapagsilbi ni Mingwei kay Lian.

"Malugod na pagbati sayo, Kamahalan" nakangiting yumukod ito kay Lian

Tumango lamang si Lian at ibinalik na ulit ang atensyon sa harapan ng palasyo ng emperador at nasa kanyang tabi nang nakatayo si Mingwei na naghihintay rin.

"Kamahalan alam mo bang dumalaw sa aking palasyo kagabi ang emperador?"

Napalingon si Lian sa kanya dahil hindi niya alam na nagpunta pala roon ang emperador pagkatapos nilang mamasyal sa labas ng palasyo.

"Ahh--mukhang hindi mo pa pala alam Kamahalan. Doon nga pala siya nagpalipas ng gabi" nakangiti nitong kwento kay Lian

Kaagad na napaiwas ng tingin si Lian at pilit na inaayos ang sarili kahit pa nasaktan ito sa nalamang natulog roon kagabi ang emperador.

Humarap ulit si Mingwei habang nakataas ang noo at nanatili ang mga ngiti sa labi nito na naging ngisi. "Ang bango-bango pala talaga ng emperador. Sa malapitan ay iyong maaamoy ang halimuyak ng kanyang pabango kahit pa pagod siya buong araw sa kakatrabaho"

Hindi mawari ni Lian kung bakit ba ito sinasabi ni Mingwei sa kanya kahit pa hindi naman niya ito itinanong. Nanahimik na lamang siya at hindi na nag-abala pang sumagot dahil nais niyang ipabatid rito na wala siyang pakealam.

"Lalong lalo na ang kanyang mga halik--" Napatawa ng mahinhin si Konsorte Wei habang nakatakip ang panyo sa kanyang bunganga at pinagpagan ang damit nito ngunit bigla niyang napatigil noong napagtanto niyang kakaiba na ang tingin ng emperatris sa kanya "Ahh pasensya na Kamahalan, mukhang nadulas yata ang aking pananalita" pagkukunyari nito at humingi ng dispensa sa emperatris

"Ayos lang" seryosong sambit ni Lian at umiwas na ng tingin

Mas lalo siyang nakaramdam ng paninibugho kahit pa ilang buwan niyang pinipiglan at kinukumbinse ang sarili na hindi niya dapat ito pairalin. Lalo na ang kanyang narinig kanina na nangyari sa kanilang dalawa ng emperador ay pilit niyang iwinawaksi mula sa kanyang isipan.

"Narito pala kayong dalawa"

"Malugod na pagbati, Kamahalan" sabay na nagbigay galang ang dalawa sa harapan ni Zaijun

"Pumasok na tayo sa loob at sabay na tayong magtanghalian"

"Masusunod, Kamahalan"

Naunang pumasok ang emperatris kasama ang kanyang mga tagapagsilbi at sumunod naman si Mingwei kasunod ang kanyang mga tagapagsilbi rin.

Tahimik lamang na kumakain ang tatlo noong binasag ni Mingwei ang katahimikan.

"Kamahalan, nagustuhan ba ninyo ang pamamalagi sa aking palasyo kagabi?"

Napatango-tango si Zaijun "Oo naman"

Ngunit habang nagpapatuloy sa pagkain ay napansin ni Zaijun na tahimik ang emperatris sa kanyang tabi kaya naman nilagyan niya ng pagkain ang mangkok nito. Takang tumingin si Lian sa kanya ngunit nginitian lamang siya ni Zaijun at nagpatuloy na ito sa pagkain. Nasaksihan naman ito ni Mingwei at nakaramdam ito ng inis.

Pero habang kumakain ay biglang pumasok ang yunuk ng emperador at nagbigay galang sa harapan nila bago lumuhod.

"Kamahalan, patawad po sa aking kalapastangan ngunit may importante lamang po akong ibabalita sainyo"

"Ano iyon?" tanong nito at ibinaba ang hawak niyang chapstik

"Nagdadalang-tao po si Konsorte Han!"

#TheRoseInThePalace
#precxxious


The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ