章节-18

124 4 1
                                    

"Kamahalan, bakit namumula ang iyong mga pisngi?" biro ni Mingwei kay Lian habang sinasamahan niya itong maglakad pabalik sa palasyo ng Xianfu

"Ano ang ibig mong sabihin?" nahihiyang tinakpan ni Lian ang pisngi nito

"Marahil ay kinikilig kayo kamahalan" nakangiting panunukso nito kay Lian

"Mingwei, manahimik ka kung ayaw mong ilipat kita ng departamento" pinilit ni Lian na magseryoso upang patigilin si Mingwei sa panunukso kahit na kinikilig rin ito

"Patawad, kamahalan" napanguso na lamang ng palihim si Mingwei

Bumalik na sila sa palasyo ni Lian at naabutan nila si Yanwan at Luoyun na nagbigay daan kay Lian papunta sa trono nito. Yumukod ang dalawa at nagbigay galang.

"Malugod na pagbati saiyo, Kamahalan" sabay silang yumukod

"Tumayo na kayo"

"Salamat, kamahalan"

Umupo na si Lian sa kanyang trono at umupo na rin ang dalawang konsorte sa kanilang mga naka-laan na upuan sa harapan ng emperatris habang inihahanda ng mga tagapagsilbi ni Lian ang mga tsaa nila.

"Nasaan si Konsorte Huang?" tanong nito dahil nakita niyang wala ito ngayon upang batiin siya

Ibinaba ni Yanwan ang tasa ng tsaa nito at ngumiti kay Lian bago ito sumagot "Mukhang dinaramdam niya pa ang nalaman niyang balita ukol sa kanyang kondisyon Kamahalan kaya siya wala rito ngayon" ngunit batid ni Lian na para bang kinutkutsya ni Yanwan ang kalagayan ni Yunxi

Napabuntong-hininga si Lian at hinalo ang tsaa nito bago mahinhin itong sinimsim "Masakit ang pinagdaraanan ni Konsorte Huang ngayon, at bilang kanyang mga kapatid sa imperyal harem ay nararapat lamang na damayan siya lalong lalo na at babae kayong lahat ng emperador, huwag kayong magpairal sa panibugho" at tinignan ni Lian si Yanwan noong sinabi niya ang huling salita

Napaiwas naman ito ng tingin at pinilit na ngumiti kahit na alam niyang siya ang pinaparinggan ng emperatris "Tama nga, kamahalan"

"Kung gayon ay nais niyo bang bisitahin natin siya ngayon, kamahalan?"tanong naman ni Luoyun at pinunasan ang bibig nito gamit ang pamunas na tela na iniabot ng personal nitong tagapagsilbi

"Bigyan na lamang natin siya ng oras upang mapag-isa" sagot ni Lian

Ngumisi si Luoyun bago ngumiti at pinaglaruan ang kanyang mga kamay na punong puno ng mga alahas at mahahabang kuko bilang palamuti "Nakaawa siya, sino ang mag-aakala na ang dating pinapaboran ay mananatili na lamang bilang isang konsorte na dating minahal at napaboran sa nakaraan" at mahinhin itong sumimsim ng tsaa at tinignan si Lian

Napangisi si Lian sa sinabi ni Luoyun. Alam niyang isang ranggo lamang ang pagitan nilang dalawa at nararamdaman din niya ang ambisyon nitong maging emperatris. "Sabi nga nila, nasa kalooban ang tunay na ganda, sapagkat ano naman ang silbi ng isang maganda at sariwang prutas na ito kung bulok naman sa loob"

Nagbago ang reaksyon ni Luoyun at napansin ito ni Yanwan na nakaupo sa harapan nito. Hindi makapaniwala ang dalawang konsorte na para bang minamaliit sila ng emperatris.

"Mingwei" tinawag ni Lian ito na nakatayo sa gilid, tumalim naman ang tingin sa kanya ni Luoyun habang naglalakad ito papunta sa trono ng emperatris "Kunin mo rito ang pulang lalagyan ng mga alahas ko, dahil mukhang nararapat lamang na bigyan natin ng pabuya ang mga tagapagsilbi dahil sa kanilang walang pagod na pagsisilbi sa kanilang mga binibini" at tinignan niya ang dalawang personal na tagapagsilbi nila Luoyun at Yanwan na nakangiti at yumukod kay Lian bilang pasasalamat

Ilang minuto ang lumipas noong bumalik si Mingwei dala-dala ang kahon ng mga alahas at palamuti ni Lian. Binuksan naman ito ni Lian at ibinigay ang isang kwintas na gawa sa pilak at may maliit itong perlas at isang palamuti sa buhok sa gawa rin sa pilak at may disenyong bulaklak na gawa sa mamahaling hiyas. Ibinigay niya ito kay Mingwei at ibinigay naman ito ni Mingwei sa dalawang personal tagapagsilbi nila Yanwan at Luoyun.

"Maraming salamat po, Kamahalan" bakas ang saya at ngiti sa mukha ng dalawang tagapagsilbi sapagkat nakatanggap sila ng mamahaling regalo mula sa emperatris na maaari nilang isangla at sapat na upang buhayin sila ng isang taon kahit pa hindi sila magtrabaho dahil sa malaking halaga nito

Bumalik na ang dalawa sa tabi ng kanilang binbini ngunit nagiba ang reaksyon ng dalawang konsorte at tumungin kay Lian na tumayo na habang inalalayan ito ni Mingwei.

"Nais ko nang magpahinga" nagbigay galang na sila sa pag-alis ni Lian

Napangisi si Lian paglagpas niya sa kanilang dalawa sapagkat naniniwala siyang naturuan rin silang dalawa ng leksyon. Nais niyang ipakita sa kanila na kahit pa bago pa lamang siya sa pwesto ay huwag nila itong panliliitan ng tingin. At isa pa ay hindi nito nagustuhan ang kanilang naging asal at trato kanina lamang kay Yunxi dahil lamang sa mas lamang ito ng atensyon at pagmamahal mula sa emperador.

Seryosong naglakad paalis mula sa palasyo Xianfu si Luoyun kasama ang tagapagsilbi nito at nakasunod naman si Yanwan. Inis niyang pinasadahan ng tingin ang hawak ng personal niyang tagapagsilbi habang hawak ang palamuti sa buhok na ibinigay ni Lian sa kanya at bigla na lamang itong inagaw ay ibinato sa lupa kaya gulat siyang tinignan nito at biglang lumuhod.

"Patawad, Konsorte Chun" nanginginig itong humingi tawad at inis naman siyang tinignan ni Luoyun

"Hindi ako makapaniwalang minaliit tayo ng emperatris" iritado niyang sambit at inapakan ang ibinato niyang palamuti sa buhok na naging dahilan ng pagkasira nito, tila ba wala itong pakealam kahit pa mamahalin ito

"Hindi rin ako makapaniwala, nagulat nga ako dahil ang ibinigay niyang pabuya sa mga tagapagsilbi ay ang mga ibinigay nating regalo sa kanya noong bago pa lamang siya rito!" singit naman ni Yanwan na tila hindi makapaniwala sa inakto ni Lian

"Maayos ang trato natin sa kanya, ngunit siya ang nagsimula. Kaya huwag siyang magsisisi kung darating ang oras na makabangga niya ako" seryosong sambit ni Luoyun at naglakad na paalis

#TheRoseInThePalace
#precxxious

The Rose in the Palace (Ang Ikalawang Serye)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon