Chapter 2

130 39 6
                                    

" Panigurado naman mananalo iyang Papa ni Kylo."

Sambit ni Dad sa likod ko. Agad akong tumingin sa kaniya. Pinatay ko na din ang TV, at saka ako lumapit kay Papa. Kakauwi niya lang galing Opisina. May meeting din ata ang mga Mafia sa susunod na araw, kaya naghahanda ako ng damit. May paghahandaan ata sila, o sasama kami sa pakikipag kompanya ng Papa ni Kylo, kaya bibisita kami sa lungga namin.

" Dad, can you do me a favor, please?" Tanong ko kay Dad. Agad naman nangunot ang kaniyang noo sa sinabi ko.

Lumapit ako kay Daddy at saka ako nanlalambing sa kaniya.

" What is it, Iha?" Tanong niya.

" I want to talk to Clay, Dad. But, he's busy. Can you make an appointment with Clay?" Ilang segundo natigil si Dad, pero agad siyang umiling.

Hinawakan ni Dad ang magkabilang braso ko.

" Anak, alam ko ang binabalak mo, may Asawa na si Clay, Anak. Hindi mo na kailangang makisingit sa kaniya, sa buhay nila. Hindi kita pinalaking ganiyan, Astrana." May diin na sambit ni Dad. Bumusangot ako sa harapan niya. Hindi na din siya nakikinig saakin? Bakit?

I just want to talk to him, that's it!

" But, Dad-"

" Anak, I have to rest."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Dad.  Dati rati naman ay pinakikinggan at ginagawa niya kung ako ang gusto ko, bakit ngayon, ayaw niya na. Totoo kaya na asawa niya yon? Talaga bang kasal na siya? E bakit wala akong nabalitaan na ceremony at proposal niya sa babae na iyon? Bakit parang nahuhuli ako sa balita?

" Have a seat, Ms. Vautier." Agad akong umupo. Kinaumagahan. Bumisita kami sa lugar kung saan nagkikita kita ang mga katulad namin, tago, kaya ingat kami sa pag alis.

Agad akong umupo, katabi ko si Kylo. Wala pa si Clay, kanina pa ako dito.

" Kamusta ang sugat mo?" Agad akong lumingon kay Kylo. Tinignan ko muna ang sugat na nasa kamay ko na may benda. Naalala ko nanaman ang mga babae na iyon.

Tumingin ako kay Kylo.

" Ayos naman." Walang buhay kong sambit sa kaniya.

Dahil wala pa ang iba, nanatili akong nakaupo, may inihanda silang pagkain, pero dahil busog ako, wala akong ganang kumain.

" Ano pang ginawa sayo ng mga babae na iyon?" Muling tanong ni Kylo sa akin. Agad naman akong lumingon sa kaniya, at sinamaan siya ng tingin.

" Ano bang pakialam mo?" He chuckled.

" Inaway mo sila no?-" Humarap ako sa kaniya. Inusog ko ang upuan ko.

Nagulat ako nang inilagay niya din ang kamay niya sa gilid ng inuupuan ko, at saka niya ako inilapit sa kaniya.

" Hindi ko sila inaway, Kylo." Utal na sambit ko sa kaniya. Tinignan niya ako ng mataman sa aking mga mata. At saka siya tumawa ng mahina.

Bakit ba hindi siya nakikinig sa akin?

" I see." Agad akong umayos ng aking upuan. Nakita ko sila Callum, at si Acacius na nakaupo na din at nakatingin sa amin ni Kylo.

Kunwari ay umubo ako, para mawala ang tensiyon sa katawan ko. They saw us. Baka gawan nila ng malisya.

Nang nandito na sila lahat, nagpasimula si Dad sa usapan.

" Kylo, hindi ba nangangampanya ang Papa mo? We are here to support your Dad." Tumango naman si Kylo.

" Wait, what do you mean, Dad? Sasama tayo maglakad at mag motorcade sa mainit na panahon?" Tumango si Papa. Agad naman nagbilog ang aking bibig. Ni hindi nga ako lumalabas kung hindi kailangan para pumuti ako, sayang din ang mamahalin na lotion na inilalagay ko sa akin kung sasabak ako sa initan.

Distracted By Him Where stories live. Discover now