Chapter 40

43 11 0
                                    

" Nakikiramay po ako.."

Pagbati ko sa mga pamilya ng kasamahan at tauhan ko na nasawi sa laban noong isang araw.

" Ms. Vautier, bakit hindi niyo po sinabi na dadalaw kayo dito?" Tanong ng isang babae saakin, ngumiti ako sa kaniya, inabutan nila ako ng upuan, ganoon din si Kylo, hinawakan niya ang braso ko nang makaupo kami.

Inabutan nila kami nang makakain, pero hindi ko naman iyon magalaw.

" Hindi ko na po nasabi dahil wala po akong panahon na sabihin pa." Ngumiti sila saakin nang malungkot.

Tumayo akong muli para makita ko ang kalagayan ng tauhan ko. Maraming bulaklak ang dala ko kanina, nailagay na din dito sa harapan ng kabaong niya ang mga bulaklak na iyon. Nagtagal pa ako doon ng ilang minuto bago ako bumalik sa upuan ko.

" Nakikiramay po ako sa pagkawala ni Harold. Magaling po siyang tauhan sa bahay at sa opisina ni Daddy, hindi ko po alam na sinugod sila nang mga tauhan ni Alecio kaya hindi ko sila nahabol." Hawak niya ang aking mga kamay, at saka siya nakangiti saakin.

" Alam ko pong namatay si Harold nang masaya, Ms. Vautier, matagal niyang pinangalagaan ang inyong pamilya at hanggang kamatayan, kayo parin po ang iniisip niya. Alam ko pong masaya siya na nailigtas niya kayo mula sa panganib." Ngiting sambit nito saakin, ngumiti ako pabalik.

Medyo mainit pero okay lang naman. Madami din kasing tao, hindi ko naman sila kilala, pero mukhang kilala nila ako.

" Pasensiya na din po at hindi ako nakapag paalam na bibisita dito, hindi na din po ako magtatagal dahil may bibisitahin parin ako." Tumayo na kami ni Kylo. Tumingin ako kay Kylo nang hawakan niya ang aking beywang palapit sa kaniya. Ngumiti siya saakin,

May kinuha ako sa aking bag, may laman itong pera. Iniabot ko ito sa Mama ni Harold.

" Tita, itong isang envelope na po ito ay para sa pagpapalibing at gastusin dito sa lamay niya. Itong isa po, sweldo at tulong ko po sa inyo." Halos maluha luha siya habang sinisilip ang loob ng envelope. Ngumiti ako sa kaniya, niyakap ko siya.

Hinawakan niyang muli ang aking kamay at saka siya ngumiti saakin.

" Maraming salamat po, Ms. Vautier, sana po sa huling lamay o libing ay makapunta po kayo." Pag aaya niya.

" Susubukan ko pong makabisita muli, aalis na po kami."

Hinatid nila kami ni Kylo sa sasakyan namin, nagmano kaming dalawa at saka kami umalis. Sumandal ako sa aking upuan, naayos ko na ang mga pera na ibibigay ko sa mga pamilya ng  namatay na tauhan ko.

" Baby, are you okay?" Tumingin ako kay Kylo. Tumango ako at saka ako nag thumbs up.

Hinila niya naman ako sa tabi niya at saka niya kinuha ang aking kamay. Sumandal ako sa dibdib niya.

" I'm fine, Kylo. Ayos ako, kasi kasama kita. Ikaw ba?" Tanong ko pabalik. Ramdam ko ang labi niya sa aking uluhan.

Napapikit ako sa ginawa niya, agad na namula ang aking mukha sa sinabi niya.

" I'm fine also, because you're with me, Astrana. Now, we have to open the door and go there." Turo niya sa bahay na may mga bulaklak at may mga tao sa loob.

Isinuot ko ang aking sunglasses at saka ako umalis sa sasakyan. Sabay kaming naglakad ni Kylo papasok sa bahay ni Jerick.

" Ms. Vautier, nako! Nandito si Ms. Vautier, buksan niyo ang aircon! Kumuha kayo ng makakain ni Ma'am at ang kaniyang nobyo!" Kinagat ko ang labi ko sa narinig mula sa Ina ni Jerick, nobyo? What's that?

Nilingon ko muna si Kylo, at saka ko siya tinignan.

" Kylo? What's nobyo?" Tanong ko.

Ngumisi siya sa tanong ko, hinalikan niya ang aking noo at saka niya ito ibinulong saakin.

Distracted By Him Where stories live. Discover now