Chapter 29

41 15 0
                                    

" Mommy.."

' Always remember, your birthday, my birthday, your Dad's birthday and your favorite number, okay?' Isinusulat ni Mommy sa palad ko gamit ang kaniyang kamay ang mga numero na iyon, agad siyang ngumiti nang matapos niyang maisulat.

' My birthday, your birthday, Dad's birthday and my favorite number.' Nakapikit ako habang kinakabisado ang mga iyon, ramdam ko din na hinalikan ako ni Mommy sa aking noo, hindi ako kaagad nakareact dahil doon.

' Always remember that, Anak. You will use those soon.' Paliwanag ni Mommy saakin. Ngumiti kaming dalawa sa isa't isa, hinawakan ni Mom ang aking mga kamay at saka niya ako niyakap.

Nakangiti kaming dalawa at magkayakap sa isa't isa. Dinig ko din ang tawa ni Mommy saakin.

' I love you always, Astrana. Remember that, Mommy loves you, always.' Hinalikan ko ang labi ni Mommy at saka niya ako binuhat para makaupo ako sa mga hita niya.

Nagpaubaya naman ako sa gusto niyang gawin saakin.

" No..."

' I know you will use those soon, Anak. I know you're brave and you're strong enough to conquer those problems, I'm so proud of you always..'

" Mommy!" Agad akong napatayo sa kinahihigaan ko, namataan din ng mata ko si Kylo na nagising dahil sa paggalaw ko, umupo din siya at saka niya ako tinignan.

" Are you okay? Bakit ka sumisigaw? Bakit ka umiiyak?" Alalang tanong niya saakin.

" Napanaginipan ko si Mom, may mga pinapakabisado siya saaking numbers." Nakatulala kong sambit sa kaniya, umayos siya ng upo, agad ko naman siyang tinignan, niyakap ko siya.

Napalakas ata ang pagkakayakap ko kaya naman napahiga siya sa kama, nakahiga ako sa kaniyang dibdib, nakaibabaw ako sa kaniya.

" Anong number?" Aniya.

" Birthday ko, birthday ni Mom, birthday ni Dad, at saka favorite number ko." Naalala ko nanaman ang mga sinambit ni Mom saakin sa panaginip ko, para saan ang numero na iyon?

" When is your birthday?" Tanong niya saakin.

" August 24, 1998, si Mom, February 15, 1985, si Dad, September 3, 1981." Sunod sunod na sambit ko kay Kylo.

" What's your favorite number?" Tanong niyang muli.

Napalunok ako, bago ako sumagot.

" 16." Sagot ko.

Para saan nanaman ang mga iyon, Mommy? Saan ko nanaman gagamitin ang numbers na iyon?

" Hindi kaya may ibang purpose iyang numbers na iyan? Fingerprint ang naroon, kaya hindi pwedeng gamitin ang numbers na iyan." Nakatingin si Kylo sa aking mga mata, naramdaman ko ang takas na luha na tumulo mula sa gilid ng mata ko.

Napabalikwas ako nang gumalaw siya at saka niya ako itinulak pahiga sa kama. Siya naman ngayon ang nakapaibabaw saakin. Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

" Magpahinga ka muna. Huwag mo munang isipin iyan, hmm? Nandito lang ako, kung gusto mo pang matulog, matulog ka pa, babantayan kita, okay?" Pagpapakalma niya saakin, nakipagtitigan ako sa kaniya, hinawi niya ang mga takas na buhok sa aking mukha, at saka niya pinaglandas ang daliri niya sa aking mga labi.

Distracted By Him Onde as histórias ganham vida. Descobre agora