Chapter 50

73 10 0
                                    

" Please welcome, Ms. Astrana Zielle Vautier!"

Nakipag kamay at beso beso ako sa mga madre at mga may ari ng iba't ibang charity groups na nakuha ko para tulungan, lima sila lahat, at tutulungan ko sila nang sabay sabay, wala naman din akong paglalagyan ng pera ko, kaya itutulong ko nalang.

" Good Morning, I am Astrana Zielle Vautier, and I am happy to announce that each and everyone of them, the charity group owners will have my support and I decided to help them. Nakita ko na maganda ang ayos ng kanilang charity groups, at magaling silang magpalaki ng mga bata, inaruga nila ito ng maayos at tinuruan ng magagandang asal, kaya naman gusto kong ipagpatuloy nila iyon. Natutuwa ako kanina dahil pagpasok ko palang sa pintuan ay niyayakap na ako at binabati na ako ng mga bata kanina, nag aalala ang mga guards kanina lalo na nang medyo napaatras ako sa pwersa ng mga bata pero ayos lang naman ako, nagulat lang ako dahil masisigla at malulusog na bata ang sasalubong saakin sa gate niyo." Tumawa ang mga nakikinig saakin, may mga kumukuha din ng litrato ko, mabuti nalang at nag ayos ako.

Kasama ko si Kylo, nanunuod siya sa harapan ko.

" Nakalimutan ko na may dala pala akong mga regalo para sa kanila, kaya tinanong ko sila Ma'am Emilia kung ilan lahat ang bata kahapon, bago kami magpunta rito dahil bumili kami ng pasalubong sa kanila. Maraming salamat din po dahil naghanda pa kayo ng makakain namin ng nobyo ko bago kami aalis mamaya, nakakataba ng puso na nag abala pa kayo para saamin, matutuwa ang tiyan ko sa inihanda ninyo, panigurado." Ngumiti ako sa kanila, pinakita kasi nila saamin ang pagkain kanina doon sa loob, napakarami nga niyon, may dessert pa, kaya naman natatakam ako kanina pa.

" Nako, napakabuti ng kalooban ni Ms. Vautier, kasing ganda niya, alam niyo po ba na kusa siyang tumawag saamin noong nakaraang araw para sabihin nga po ang magandang balita na tutulong siya at susuporta sa aming mga charity groups, kaya lubos akong nagpapasalamat dahil siya pa ang unang lumapit saamin at nagsabi ng magandang balita na iyon, kaya napakasaya po namin ng mga bata." Ani Ma'am Emilia, lumingon ako sa kaniya, nakaupo kami sa isang lamesang mahaba at saka nakaharap sa mga bata at mga nais mag ampon na din sa kanila.

" Ma'am Emilia, I made a promise, that's why I am here with my boyfriend." Tinignan nila si Kylo na nakaupo sa harapan namin, nahihiya naman silang yumuko at bumati sa kanila.

" Lubos kaming nagagalak at nagpunta kayo dito, Ms. Vautier at Mr. Luciano." Nagpalakpakan ang mga tao sa sinabi ni Ma'am Emilia.

Nang matapos ang program ay nakipag usap na ako sa mga bata, mamaya ay kakain na din kasi kami, at saka aalis na, ngayon kasi iaannounce kung nanalo si Tito kaya naman kailangan ay present kami doon.

" Ma'am Emilia, ito po ang tseke. Sa susunod na buwan ay ipapaabot ko nalang ulit sa mga tauhan ko ang iba pang kailangan ninyo dito, sana ay nakatulong ako kahit papaano at napasaya ko ang mga bata." Niyakap ako ni Ma'am Emilia, at saka siya ngumiti saakin.

" Nako, sobra sobra po ito, Ms. Vautier, kaya naman talagang hindi ako makapaniwala noong tumawag kayo saamin, nako." Tumawa ako. Ramdam ko ang kamay ni Kylo sa aking beywang, ngumiti sila kay Kylo. Hinahalikan halikan naman ni Kylo ang aking uluhan.

" Maraming salamat din po, Mr. Luciano, kanina po kami natutunaw sa mga titig ninyo kay Ms. Vautier." Ani Ma'am Emilia.

" No worries. Magpapatawag ako ng Engineers at Architects dito, irerenovate natin ang buong bahay ninyo, para tig iisa na ng kwarto ang mga batang nandito at magkaroon sila ng playgrounds sa loob at pool." Mangiyak ngiyak naman na tumingin si Ma'am Emilia kay Kylo, maging ako ay tumingin sa kaniya.

Bakit hindi niya sinabi saakin ang bagay na iyon?

" Nako! Hulog kayo ng langit na dalawa, Ms. Vautier at Mr. Luciano!"

Distracted By Him Where stories live. Discover now