Chapter 22

39 17 0
                                    

" Kylo, panoorin na natin iyong nasa laptop mo, hindi ba hindi natin iyon natuloy?"

Tanong ko kay Kylo. Tumingin siya saakin, at saka niya ako tinanguan. Kinuha niya ang laptop niya at saka siya lumapit saakin para sabay kaming makanuod niyon.

Agad niyang plinay sa pinakahuling part ang video, agad kaming nagtaka sa makislap na bagay na umiilaw sa sahig, at mayroon din sa ibang mga pader, tinuro ko iyon kay Kylo.

" Kylo, look, hindi kaya iyang mga ibang kulay pulang umiilaw diyan sa pader at mga gamit ko ay panay camera?" Takang tanong ko dito, tumingin siya saakin, may tinawagan siya kaagad sa telepono niya.

Nanahimik naman ako at nakikinig sa usapan nila.

" Mr. Mores, kailangan kita sa bahay ng mga Vautier, ngayon na." Utos nito sa kausap.

Plinay niya ulit iyong video, may umiilaw din sa sahig. Tinuro ko nanaman iyon.

" Kylo, kung sinabi ni Mom sa panaginip ko na may kung ano sa sahig, baka iyang umiilaw na iyan, baka nandiyan iyan?" Agad kong tinignan ang sahig, hindi ko nga lang alam kung pang ilang sahig or tiles iyon, kaya kailangan naming malaman kung saan nga ba dito sa sahig ko.

Napakagat ako sa labi ko, malapit na ba kami sa aming misyon? Malalaman na ba namin kung bakit nila ako hinahabol?

" Hintayin nalang natin si Mr. Mores. Kailangan mong maglipat ng mga gamit, ipapa imbestiga natin itong kuwarto mo, sasabihin ko na din ito sa Dad mo." Tumango ako. Umalis ako sa kama at saka ko pinaayos ang ibang kwarto para doon nalang muna ako.

" Pati ba ang mga gamit ko, ipapa alis mo?" Takang tanong ko.

Tumango siya.

" Yeah, we have to, mas madaling makakagalaw kapag wala ang mga gamit mo dito." Umalis kaming dalawa ni Kylo sa kwarto ko, inulit ulit kong pinanuod sa sala ang video na iyon, sino kaya ang naglagay ng mga iyan? Bakit ang dami? Halos lahat ng sulok ng kwarto ko at mga gamit ko, mayroon, pero nilibot at hinalughog iyong lahat ni Kylo, bakit iisa lang ang nakuha niya?

Ganoon na ba kagaling ang nagtago nito? At gaano kaliliit ang mga cameras na nakalagay doon sa kwarto? Bakit ang hirap nilang kapain?

" Pumayag na ang Dad mo, ililipat na lahat ng gamit mo, nagtawag na din ako ng mga magbubuhat. Malapit na din si Mr. Mores." Tumingin si Kylo sa relo niya, agad namataan ng mata ko ang necktie niya na hindi na naka ayos, agad akong tumayo para ayusin iyon.

Kinuha ko ang necktie niya, nagtaas pa siya ng kilay saakin dahil sa biglaang ginagawa ko.

" I just want to fix your necktie, you look bothered and stress, calm down."  Sambit ko dito. Hinigit niya ang beywang ko, at saka niya ako hinayaan na itali nang maayos ang necktie niya.

" Nag aalala ako, Astrana. Paano kung isa doon sa mga pula na kulay na iyon ay baril pala o makina ng mga bala? Paano kung sa isang pindot lang bigla kang babagsak sa sahig dahil nabaril ka na pala?" Nag aalalang tanong niya saakin. Halata sa boses niya ang pag aalala, hinagod ko naman nang dahan dahan ang kaniyang likuran.

Napapakagat ako sa aking labi.

" Impossible, Kylo. Dapat noon palang hinayaan na nila akong patayin sa kwarto ko, pero hindi, malay ba natin kung kailan pa nailagay ang mga bagay na iyon doon sa kwarto ko, hindi natin alam." Napabalikwas kaming dalawa nang may pumasok sa double doors na pintuan ng bahay namin.

" Nice to meet you, Mr. Luciano and Ms. Vautier." Hila hila at hawak hawak ni Kylo ang beywang ko habang papalapit kami sa lalaking katawagan niya kanina, may iba din siyang kasama, naka black silang mga polo at may hawak silang mga box, para saan iyon?

Distracted By Him Where stories live. Discover now